"Hoy! Sino kayong mga ligaw na kalukuwa kayo, huh?! Bakit niyo ako pinagti-trip-an?!" Isa-isang pinagduduro ni Hesu ang apat na multong binata na kanyang nakita paglingon niya. Hindi man nakakatakot ang hitsura nila tulad ng mga unang multong nakita niya, alam niya agad na mga multo ang mga ito dahil sa puting liwanag nakapalibot sa mga katawan nila, tapos ay mga malalabo sila.
Lalong namilog ang mga mata ng apat na binata.
"Sumagot kayo! Akala niyo hindi ko kaya makikita, ah?! Mga multo na nga kayo, eh, hindi pa kayo nagpapakabait! Gusto niyo bang mapunta sa impyerno ang mga kaluluwa niyo, huh?!" pagsusungit pa ni Hesu sabay lapit at muling dinuro-duro niya sa mga mukha ang apat na binata.
Nakangiwing iniwas-iwas naman ang apat na magkakabarkada ang ulo nila. Halos pumasok na kasi ang hintuturo ng dalaga sa mga butas ng ilong nila.
"Sumagot kayo!"
Magsasalita na sana si Saimo.
"Hesu, okay ka lang diyan?" ngunit bungad na ni Cloria. Tumatakbo ang dalaga at halatang hinihingal na ito sa layo ng tinakbo nito.
Napatingin saglit si Hesu sa kaibigan. Subalit nang ibalik na niya ang tingin sa apat na multo ay wala na ang mga ito.
"Nasa'n na sila?" salubong ang mga kilay niyang naibigkas.
"Sinong sila?" nagtakang tanong ni Cloria na nakalapit na pala at nadinig siya.
"'Yung mga engkantong multo!" hindi namalayang naisagot ni Hesu sa inis niya sa apat na mga multo.
"Huh?!" Nagtaka tuloy si Cloria. Nakusot ang mukha nitong pang Chinese dahil sa singkit nitong mata.
Nang maisip ni Hesu na wala nga palang alam si Cloria na nakakakita siya ng mga multo ay natigilan siya at nag-isip agad ng ipapalusot.
"Ah... Eh..." Maasim ang kanyang mukha na mabilis ang pagkagat-kagat niya sa lower lip niya. Isip, Hesu! Isip dali! pagmamando niya sa kanyang isipan nang wala talaga siyang maisip. Ngayon pa talaga siya naging bobo, naku naman!
"Anong multo, Hesu? Nakakita ka ng multo?!" Napasiksik na si Cloria sa kanya at hawak ng mahigpit sa kanyang braso nang hindi pa rin siya nasagot. Nagsisimula na itong matakot.
Tatawa-tawa na siyang humarap dito. Bahala na sa ipapalusot niya. "A-ang ibig kong sabihin ay eng... eng..." Bahala na talaga, binuka niya ang kanyang mga kamay at nag-astang reyna. "Ang ibig kong sabihin ay Encantadia! Ako ngayon si Hara Amihan at naghahanap ako ng engkanto dito sa pool area na mag-aanak sa akin upang may papalit sa akin sa aking trono bilang isang hara!"
Nakita niyang tumaas ang isang kilay ni Cloria. Hindi yata umubra ang acting niya. Ngunit hindi nagtagal ay malutong itong tumawa. "Gaga ka talaga! Akala ko kung ano ng engkanto ang sinasabi mo?"
Napakamot-kamot siya sa kanyang leeg na balik Hesu na siya, hindi na reyna. Asar, dahil sa mga multong iyon ay nagmukha siyang tanga. Tsk.
Napatiim-bagang din siya. Humanda sa kanya ang mga engkantong iyon kapag muli niyang mga makita. Sila na nga lang ang nakikipagsiksikan dito sa lupa, dahil dapat nasa langit o impyerno na sila, tapos sila pa ang nang-aagrabyado sa mga tao! Hindi puwede 'yon!
Okay lang naman kung pagala-gala ang mga multo sa lupa, wala siyang pake. Pero 'yung mananakot at mananakit sila ng mga tao? Iyon! Iyon ang hindi talaga 'yon pupwede.
"Ano'ng nakain mo, ha?" tukso na sa kanya ni Cloria na tatawa-tawa pa rin. "Hindi ko alam na adik ka rin pala sa palabas na iyon. Pambata pala, ah?"
Buking! Sa batok naman niya napakamot si Hesu. Sinabi niya kasi noon kay Cloria na hinding-hindi siya manonood ng palabas na iyon sumpa man, mamatay man, na hindi naman talaga sana dahil akala niya talaga ay pambata lang, pero nang sinubukan niyang panoorin isang gabi ay naadik na rin siya tulad ng mama niya. Maganda nga pala talaga. Iniidolo na nga niya ngayon si Hara Amihan.
"Okay lang 'yan, besh." Tinatawanan siyang yumakap sa braso niya si Cloria. "Kung ikaw si Hara Amihan ay ako naman si Sangre Danaya." Um-acting na rin ito na naglabas kunwari ng brilyante ng lupa.
Iningusan niya ito, pero sa huli ay nakitawa na siya sa kaibigan.
"But wait, nasa'n na 'yung enrollment form mo? Nahabol mo ba?"
"Nando'n." Awtomatikong turo si Hesu sa taas. Ngunit nang tingnan nila ay wala naman na roon 'yong papel. "Nasa'n na naman 'yon?"
Bumaba ang tingin ni Cloria at nakita nito sa paanan ni Hesu ang papel na hinahanap nila. Pinulot nito iyon at ipinakita sa kaibigan. "Ito, oh."
Napangiwi na naman si Hesu nang iniabot sa kanya iyon ni Cloria. Paanong?
Napatiim-bagang na siya at nagngitngit ang mga ngipin niya. Talagang pinaglaruan siya ng mga multo 'yon! Kainis!
********
"Wait, guys. Bakit parang tayo yata ang natakot sa kanya imbes na tayo ang katakutan niya? Parang may mali!" himutok agad ni Saimo nang magsilitawan ulit ang apat na multong magbabarkada sa rooftop.
"Nakita mo naman gaano siya kataray, 'di ba?" sabi ni Jaem na naiiling.
"But remember, guys, we are the ghosts here. Bakit tayo ang tumiklob? Nakakahiya." Hindi pa rin makapaniwala si Saimo. Pinasadahan nito ng tingin ang mga kaibigan.
Tawang pabuga lamang ang reaksyon ni Jelad.
"At least, napatunayan na nating may something nga sa babaeng iyon. Imagine nakita tayong lahat at kinausap? She's amazing," komento na rin ni Lius. Hawak nito ang baba na napapaisip.
"Amazing ka riyan! Baka nakalimutan mo, dinuro-duro niya tayo!" inis na turan pa rin ni Saimo. "She has no rights to treat us like that! We are 'The Badboys'! Hinahabol ng mga girls, sinasamba, at—"
"Noon!" sabay-sabay na pagtatama nina Jaem, Lius at kasama na si Jelad.
Kamot sa batok si Saimo. Biglang balik sa isip nito na noon nga pala iyon. Noong buhay pa sila.
"Noon 'yon, Saimo. Ngayon ay hindi na dahil wala man lang nakakakita sa atin," tabingi ang ngiting saad ni Lius. "Koreksyon, meron na palang isa. 'Yong babaeng 'yon na nanduro sa atin kaya pasalamat pa tayo sa kanya," at dugtong nito para itama ang unang sinabi, sinundan nito iyon ng nakakalokong tawa.
Lumaylay ang balikat ni Saimo.
"Siguro ay bukas ang third eye ng babaeng iyon kaya nakikita niya tayo. Tama ang sinabi ko na siya na nga ang matagal na nating hinihintay na makakatulong sa atin para makalaya rito. Finally, we will find out what happened to us and why we died," seryosong saad naman ni Jaem.
"Tama!" sang-ayon at pitik ni Lius sa hangin.
"So, what's the plan then?" tanong naman ni Saimo na na-excite na rin. Nawala na ang inis nito kay Hesu.
Walang nakapagsalita. Tinginan lang silang apat.
BINABASA MO ANG
THE FOUR BADBOY GHOSTS (free)
Teen FictionApat na guwapong lalaki na mga multo na ang mangungulit kay Hesu para magpatulong na malaman kung pa'no sila namatay at nakulong ang mga kaluluwa nila sa Sanchi College. Paano nga kaya? May magagawa nga kaya si Hesu kung ang meron lang siya ay ang...