Part 8

1.6K 72 1
                                    

"Ano bang nangyayari sa 'yo, Hesu?" Takang-taka na si Cloria sa inaasal ng kaibigan.

Nagwawala na kasi si Hesu at parang may kinakatakutan. Tapos bigla png sinunggaban ni Hesu ang imahe ng Santo sa pinaka-mini altar ng infirmary ng school.

"Basta, besh! Iuwi mo na ako please! Ayoko na rito! Mamamatay ako rito!" pagpipilit ni Hesu. Ang higpit ng yakap niya sa maliit na Santo sa dibdib niya. At kapag sinusubukan ng apat na binatang multo na lumapit sa kanya, itinatapat niya ang Santo sa mga ito. Pinapanakot niya.

Alam niya, sila ang may kagagawan ng mga nangyayari sa kanya na panganib. Naisip niya na baka gusto nila ay mamatay rin siya. Kung bakit? Hindi niya alam. Basta ayaw niya pang mamatay. Ayaw pa niyang mapabilang sa mga multong mga ito. Ayaw niya!

"Relax lang, miss. Walang mangyayaring masama sa 'yo. Nagkataon lang 'yong pagkahulog ng ceiling fan. Luma na kasi," pambalot-kalma at paliwanag ng school nurse sa kanya.

Tumataas baba ang didib ni Hesu na tumingin sa nurse. "Miss Jho, uuwi na lang po ako."

"Pero hindi ka pa okay. Tatawagin ko na lang ang parents mo para sunduin ka, okay? Saglit lang." Tumayo na ang nurse at sinenyasan si Cloria na alalayan pa rin ang kaibigan.

"Cloria, 'wag mo akong iiwan. Dito ka lang." Nanginginig pa rin ang kamay ni Hesu na pinigilan niya ang kaibigan sa pag-aakala niyang iiwanan siya nito. "Huwag mo akong iiwanan sa apat na ito," sabi pa niya na wala sa sarili. Ang sama ng tingin niya sa apat na binatang hindi na lang mga multo ang tingin niya kundi mga demonyo na talaga, wala lang mga sungay.

Napasinghap na lang ang apat na binata. Akala naman ni Hesu ay may epekto sa kanila ang Santong hawak nito. Hindi lang sila lumalapit dahil ayaw nilang mas magmukhang tanga pa ang dalaga. Ang hindi lang nila mapaniwalaan ay sila pa ang pinagbibintangan ngayon ng dalaga. Gayong kung tutuusin, utang na ng babaeng ito ang buhay nito sa kanila.

"Ano?! Sinong apat?!" naguluhang tanong ni Cloria. Titingin siya sa mukha ni Hesu tapos sa pader.

Ang talim pa rin ng tingin ni Hesu sa mga binata. Mas humigpit din ang yakap niya sa Santo.

"Ikaw wala kang—"

Wala kang utang na loob! ang dapat na isasatinig nang naiinis nang si Saimo, pero pinigilan ito ni Jaem.

"Let's go," tapos ay command na ni Jaem. Naglaho na silang apat.

"Relax lang kasi, Hesu. Bakit ba parang napapraning ka? Halika, doon tayo sa kama. Mag- relax ka do'n." Inalalayan ni Cloria si Hesu.

Pumayag naman na si Hesu dahil hindi na niya makita ang apat na multo. Nakahinga rin siya nang maluwang. Para siyang nanghihina na sumampa sa kama. Wala na ang ceiling fan, kinuha na ng electrician ng school. Mamaya na lang daw aayusin iyon kapag sinundo na siya.

"Ngayon magkuwento ka. Ano'ng nangyari sa 'yo?" usisa na ni Cloria. "Pero bago ka sumagot akin na 'yan."

Umiling si Hesu. Ayaw niyang ibigay ang Santo sana at baka bumalik ang apat na multo.

Nagsalubong ang dalawang kilay ni Cloria. "Besh, umamin ka nga? Nagda-drugs ka ba?"

Iningusan niya ang kaibigan.

"Eh, kasi bakit ganyan ka? Para kang ewan. Para kang nababaliw, besh. Kung ganyan ka nang ganyan baka masayang lang ang effort natin na makapasok sa school na ito." Nainis na konti si Cloria.

Napatitig siya sa kaibigan.

"Kapag nagsumbong 'yong nurse sa nakatataas dito sa school na ganito ang kinikilos mo ay baka ma-expel ka, besh. Baka sabihin doon ka sa mental pumasok hindi rito sa Sanchi College."

THE FOUR BADBOY GHOSTS (free)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon