Part 18

1.2K 79 3
                                    

Nang uwian ay nakita pa ni Hesu ang apat na binatang multo. Kumakaway ang mga ito sa kanya dahil hindi mga kalapit sa kanya. Suot niya kasi ang kuwintas na bigay ni Hardy.

"Ano'ng tinitingnan mo?" puna sa kanya ni Cloria.

"Wala," mabilis niyang sagot at iwas ng tingin sa mga multo. Sa tingin niya ay may misteryo nga sa pagkamatay nila. Pati na sa Riyo na nabanggit ni Cloria. Ito na siguro ang pagkakataon niya para magamit ang kakayahan ng ikatlo niyang mata, nang magkaroon naman ng silbi.

Sa hindi niya pagtingin sa dinadaanan niya at paglingon-lingon pa rin sa mga 'The Badboys' ay bigla siyang may nakabanggaan na matandang babae.

"Ay sorry, lola," hingi niya agad ng dispensa.

"Okay lang, iha," sabi ng matanda. Matanda na kapansin-pansin ang mga burluloy sa katawan na para bang si Madam Auring. Sa unang tingin ay masasabing manghuhula ito na matanda. Buti na lang at mukhang mabait naman at hindi galit dahil nakangiti ito.

"Ikaw kasi lilingon-lingon ka pa sa likod," paninisisi ni Cloria kay Hesu. "Sorry, lola, huh? Minsan aanga-anga itong si Hesu."

Binatukan nga ni Hesu ang kaibigan at iningusan.

"Aray ko naman," angil ni Cloria.

"Aanga-anga talaga?!" pero angil din ni Hesu rito.

Natawa sa kanila ang matanda. "Huwag na kayong mag-away. Okay lang ako."

"Sorry talaga, lola," senserong paghingi ulit ng pasensiya ni Hesu. "Saan po ba ang punta niyo?"

"May apo ako d'yan sa school na 'yan. Sinusundo ko," sagot ng matanda.

"Gano'n po ba." Luminga-linga si Hesu. Naghanap ng mata niya ng puwedeng pag-aantayan ng matanda. Hindi niya napapansin ang makahulugang pagtitig ng matanda sa suot-suot niyang kwintas. "Doon po. Doon po kayo maghintay para makita niya agad kayo 'pag lalabas po siya." At turo niya sa may malapit sa security guard nang makita niyang puwede roon na maghintay ang matanda nang hindi mahihirapan.

"Ay opo, doon po kayo kasi mamaya mas madami pa pong estudyante ang mag-uuwian baka hindi mo makita ang apo mo, lola," sang-ayon ni Cloria.

"Ang babait niyo naman. Sige, doon na lang ako mga iha. Salamat sa inyo." Mabagal nang naglakad ang matanda papunta roon.

Natuwang nagkatinginan ang dalawang magkaibigan bago sila naglakad na rin paalis. Hindi na nila nakita ang paglapit ni Hardy sa matanda.

"Kilala ko na ang babaeng tinutukoy mo, apo," sabi ni Lola Nimfa sa binata.

"Nakita mo siya, lola? Paano?" Nanlaki munti ang mga mata ni Hardy.

Tumango ang matanda. "Nakita ko ang kuwintas na suot niya. Ayon siya."

Sinundannm ni Hardy ang itinuro ng lola niya. At napamulsa ang binata nang matanawan niya si Hesu.






PAGDATING SA BAHAY ni Hesu ay laptop niya agad ang hinarap niya. Sinearch niya ang site ng Sanchi College. Hahanap siya ng mga article na makakatulong sa kanya about sa buhay at sa nangyari sa mga 'The Badboys'.

Unfortunately, walang kuwenta ang mga nabasa niya. Puros haka-haka lang din kung ano ba ang nangyari sa apat na binata. Puros mga katanungan din.

She stretched her arms as she let a heavy sigh of disappointment. Pagkatapos ay itiniklop na niya ang laptop. Sumuko na siya. Sa tingin niya ay wala siyang makakalap na impormasyon. Cloria was right. Mukhang itinago nga sa publiko ang nangyari sa apat na binata.

Pero bakit kaya?

Animo'y pagod siyang humiga sa kama niya. Sabi na nga ba niya't mahihirapan siya dito. Para lang siyang kumuha ng bato na ipinukpok niya sa sariling ulo. Gayunman, hindi siya aatras. Nakapagdesisyon na siya, tutulungan niya talaga ang apat na mga multo.



THE FOUR BADBOY GHOSTS (free)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon