Part 22

1.1K 59 1
                                    

"H'wag kang lalapit! Ikaw ang papatayin ko kapag lumapit ka!" natatarantang babala ni Hesu kay Jelad na inaakala niyang si Grim Reaper. Kahit ang guwapo na kamatayan kasi ito ay nakakatakot pa rin. Isa pa ayaw niya pang mamatay talaga.

"Woaaahhh!" Napasiksik siya sa dingding ng kuwarto niya. Napapikit, napa-sign of the cross at tumingala sa taas. "Lord, ano ba'ng naging kasalanan ko po at ganito na babawin mo na agad ang buhay na pinahiram mo sa akin? Lord, hindi pa ako handa. Ayoko pa pong mamatay. Lord, spare my life po, please? Promise magiging mabait na po ako. Promise hindi ko na po ikakahiya ang pangalan ko. Magiging mabait na po ako para maging tugma."

"What the heck are you doing? Have you really gone mad?" nagtatakang tanong na sa kanya ni Jelad.

Napamulat si Hesu ng mga mata, pero kasabay niyon ay pinagkurus niya ang dalawang hintuturong itinutok kay Jelad. Paraan na naisip niya upang itaboy ang binata na si kamatayan pala. Jusko! Ang bata pa talaga niya para mamatay! Kaya ipaglalaban niya ang buhay niyang ito! Magkamatayan na!

Napangiwi siya. Parang ganoon din 'yon, ah? Patay pa rin siya.

"We need to talk, so stop over reacting," napahalukipkip na sabi ng binata.

Halos magsalubong na ang dalawang kilay ni Hesu. Sa isip niya ay, Ano raw? Stop over reacting daw siya? Sino ba ang nag-o-over react dito?! Alangang magpa-poker face lang siya sa ganitong sitwasyon?! My gosh!

"Kumuha ka ng papel. May sasabihin ako sa 'yong address at isulat mo. Puntahan mo 'yon bukas. Hihintayin kita doon," parang wala lang na sabi pa ng binata.

Napamaang na siya. Hindi niya maintindihan. Huwag nitong sabihing papupuntahin pa siya sa ibang lugar bago gilitan ng leeg. Ayos, ah!

"What?" Pandidilat sa kanya ni Jelad.

Napanguso naman siya.

"Ano ba'ng iniisip mo sa 'kin at ganyan ang ang reaction mo?" tanong pa sa kanya ni Jelad.

"I-iniisip ko na ikaw si grim reaper," matapat niyang sagot. Nakadikit pa rin siya sa pader.

Nagdilim ang mukha ni Jelad. Para siya nitong sasakmalin ng buhay kung makatitig.

Napanguso naman siya. Problema nito? Sinabi lang naman niya ang totoo.

Ang binata rin ang kusang nag-iwas ng tingin sa kanya. Pumamulsa ito't at nagkibit-balikat. "You have nothing to worry about. I am not the grim reaper."

Napatanga siya rito. Ayaw niyang maniwala agad. "Nagti-trip ka, 'no? Gusto mo akong linlangin dahil gusto mo surprise akong gilitan ng leeg."

"Baliw ka talaga," naibulalas ni Jelad sa hindi pagkapaniwala.

"Hoy, hindi ako baliw! If I know, ikaw naman talaga si kamatayan!" giit niya. Hindi siya magpapalinlang dito.

"Will you stop acting like crazy idiot stupid moron! I'm fucking serious here!" pero bulyaw na ng binata.

Nahigit ni Hesu ang kanyang hininga. Hala ka! Galit na si kamatayan! Ayan na ilalabas na ang karit nito! Good bye life na siya talaga! Naku po!

"Aisst!!" Nasabunutan ni Jelad ang sariling buhok. Mukhang ito na ang mababaliw. "Bahala ka, I changed my mind. I will no longer help you. Bahala ka na sa buhay mo kung paano mo aalamin ang nangyari kina Lius, Jaem at Saimo. Lalo na ang tungkol kay Riyo," pagkatapos ay iritableng anito. Aktong maglalaho na ito.

"Sandali!" bigla ay sigaw ni Hesu. Tila ay ngayon lang siya nagbalik sa katinuan after so so so many years na kaartehan. Salamat sa nabanggit ng binata na pangalan ni Riyo.

THE FOUR BADBOY GHOSTS (free)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon