Part 1

3.3K 114 2
                                    

"Mama, aalis na po ako." Nagkukumahog sa pagbaba sa kanilang hagdanan si Hesusa Arcilla. Ngayon na kasi ang araw na mag-e-enroll siya sa Sanchi College. At excited much na siya dahil sa wakas ay college na siya, meaning dalaga na siya, meaning malapit na siyang makatapos ng pag-aaral, apat na taon na lang. At meaning puwede na siyang maghanap ng mapupusuan niyang lalaki.

Ayiee, mas na-excite siya mga na-imagine niyang mangyayari oras na may manligaw na rin sa kanya.

Buong senior high life niya kasi ay itinuon niya sa pag-aaral. Natakot kasi siya na magaya sa mga kapwa niya senior high na hindi nakatuntong sa kolehiyo dahil mga maagang nagsipagbuntis o nagsipag-asawa.

Wala siyang naging time noon sa tinatawag nilang love, pero ngayon meron na. Syempre.

At ang balak niya ay hahanapin niya sa Sanchi College ang magiging 'MOH' niya. Pauso ni Cloria na ang ibig sabihin ay 'My Other Half'.

Balita kasi ay naglipana sa Sanchi College ang mga guwapo. Puros may kaya raw ang nag-aaral doon kaya karamihan guwapo at maganda raw ang naroroong mga estudyante.

"Ingat ka, Anak," tugon ng mama niyang may kausap sa kanilang sala na kapitbahay.

"Opo." Dire-diretso na sana siya sa pinto ng bahay nila pero kasi ay may nahagip ang gilid ng kanyang mga mata. Napatigil siya at pabiglang tumingin siya sa nag-uusap na mama niya at kapitbahay nila.

"Woaahhhh!" at hintakot niyang naibulalas nang may nakita nga siyang multo roon ng isang batang babaeng naaagnas ang mukha. May mga uod pa yata.

Pakaripas niyang tinungo ang pinto.

"Ay!" Ngunit ay may nakabanggaan siya kaya napatigil na naman siya sa labas.

"Aray ko naman, Hesu!" masungit na angal ng nabangga niyang babae.

Nang tingnan niya ay si Cloria pala. Ang kanyang best friend. Nakahawak ito sa dibdib. Iyon yata ang natamaan ng kanyang balikat dahil patagilid siyang naglalakad kanina. Patingin-tingin kasi siya sa kanyang likod at baka sinundan siya ng nakakatakot na multo.

"Sorry. Sorry, besh." Akmang hahawakan niya ang dibdib ng kaibigan.

"Heh!" Pero umiwas ito at iningusan siya.

"Arte mo!" Itinulak niya na lang ito sa balikat.

"Malay ko ba kung tomboy ka!" reklamo naman niya.

"As if naman may makakapa ako?" Humalukipkip na siya.

"Nagsalita ang flat din!"

Ang sama na ng tinginan nila sa isa't isa. Pero mayamaya lamang ay nagtawanan na sila. Minsan ay sinasadya nila talagang magtaray sa isa't isa dahil parang ang cool na maging mataray. Nga lang hindi naman nila magawa ng totoong buhay.

"Ano na naman ba kasi ang kinakatakutan mo?" busangot ang mukhang tanong sa kanya ni Cloria nang nagsimula silang maglakad paalis.

Humaba ang nguso ni Hesu at napakamot sa kanyang batok. Ang totoo kasi ay wala ni isa man ang nakakaalam na nakakakita siya ng mga multo; na bukas ang ikatlo niyang mata simula pa noong bata siya.

Oo, pati ang mama niya ay walang alam kaya lalong wala ring alam itong si Cloria. Ayaw niyang ipagsabi dahil ayaw siyang katakutan ng mga taong nakapaligid sa kanya at tawaging wirdo o mas malala ay baliw.

Sa kababasa at kapapanood niya ng tungkol sa taong may third eye ay aware na aware na siya na mahirap paniwalaan ang taong katulad niyang may special ability, kung kaya kahit mahirap ay sinasarili niya na lamang.

"Wala. Halika na mag-enroll na tayo sa Sanchi College," pag-iiba ni Hesu ng topic imbes na umamin sa kaibigan.

Fortunately, parehas niyang nakapasa si Cloria sa entrance exam ng Sanchi College kaya kasama niya ulit ito sa bagong journey niya sa pag-aaral doon. Tandang-tanda pa niya na halos himatayin sila noon ni Cloria sa sobrang tuwa. Nagkapaus-paos sila dahil walang ampat ang tili nila sa sobrang kasiyahan. Para sa kanila kasi ay isa na iyong achievement sa buhay nila, ang makapag-aral sa Sanchi College, which was only appropriate, considering the entrance exam was really no joke. Kung hindi nga naging puspusan ang pagre-review nila noon ay baka hindi rin sila nakapasa. 'Yong pinakamatalino nga sa klase nila ay balitang hindi nakapasa, eh.

THE FOUR BADBOY GHOSTS (free)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon