Si Cloria na ang napapatakip sa mukha nito sa sobrang kahihiyan. Hanggang sa matapos kasi ang klase at uwian na ay pinagtatawanan at pinagtitinginan pa rin si Hesu ng mga estudyanteng nakakakita sa kagagahang ginawa niya.
"Look. Si baliw, oh," turo ng isang mapang-asar na kasama ng mga nag-uumpukang mga estudyante sa may hagdanan paakyat. Mga magbabarkada 'ata.
"Nag-aadik siguro 'yang mga 'yan," sabi naman ng isa. Kung makangisi at makatingin kay Hesu ng pataas-pababa ay wagas. Nakakainsulto.
Ang lalaking makulit naman ay nagpapalakpak at nagpapadyak, pinapasayaw nito si Hesusa. "Sayaw, Hesu! Sayaw, Hesu! Sayaw, Hesu!" Na sinabayan pa nito ng kanta.
Sa sandaling iyon ay napuno na si Hesu. Nagprino siya ng lakad. Naningkit ang kanyang mga mata at napahugot ng malalim na hininga. Kuyom na kuyom ang mga palad niya sa magkabilang tagiliran niyang mabangis ang mukhang hinarap ang mga bully na mga magbabarkada.
"Bakit baliw? Naiinis ka?" ngunit pambubuska pa rin ng isa sa kanya. Hindi man lang sila naapektuhan sa masamang tingin niya. Mukhang masasama talaga ang mga ugali nila.
"Hesu, 'wag mo na lang silang pansinin," awat agad sa kanya ni Cloria. Iniangkla nito ang kamay sa bisig niya, pero hinugot niya ang kamay.
Galit na siya! Galit na galit!
Sumusobra na talaga sila!
Nakakasakit na sila ng damdamin!
Mayamaya ay malalaki ang mga hakbang na niya na tinungo ang mga akala mo kung sinong mga perpektong mga estudyante. Ang hitsura niya'y parang susugod siya sa gyera.
At kahit paano'y nabahala ang mga magbabarkadang estudyante. Galit na galit na kasi ang hitsura ni Hesu.
"Hesu?!" tawag ni Cloria ngunit parang walang naririnig ang kaibigan.
Isang baitang lang ang itinira ni Hesu sa mga nangkakantyaw sa kanyang mga kapwa estudyante.
"Papalag ka? Eh, totoo namang ikaw 'tong parang tanga kanina! Baliw!" singhal ng isang babaeng matapang din. Ito ang humarap kay Hesu.
Hindi nagsalita si Hesu, sa halip ay tinabig niya sa daraanan niya ang babae. Sapagkat nais lang niyang dumaan. Ang totoo'y wala siyang balak patulan ang mga ito dahil kung galit siya ay hindi dahil sa pinagtatawanan siya ng mga ito kundi galit siya dahil pinag-trip-an na naman siya ng mga multo na iyon.
Sa kanila siya galit! Sa apat na multo!
"Problema mo, huh?!" maangas na tanong sa kanya ng isa pang miyembro ng barkadang iyon. Tinulak pa siya nito sa noo. Nag-aamok ng away.
"Paraan," mababang tinig ni Hesu. Ayaw niya ng gulo dahil kung may gusto man siyang makaaway ngayon ay 'yung apat na demonyong multo na mga iyon.
Nagtaka naman ang mga magbabarkada. Nagkatingin ang mga ito. Nagtataka.
"Guys, wait!" patakbong malakas na boses ni Cloria. Ngingiti-ngiti itong humarap sa magbabarkada. "Uhm... gusto niyong magmeryenda? Treat ko kayo? Basta hayaan niyo na lang ang kaibigan ko."
Agad na natuwa naman ang magbabarkada. Agad mga ito pumayag at pinabayaan na nga si Hesu.
"Tara sa canteen?" masiglang anyaya pa ni Cloria. Nang magsilakad na ang mga magbabarkada ay pasimpleng binulungan ni Cloria si Hesu. "Hati tayo rito, ah?"
"Hoy, halika na!" sigaw ng isang babae kay Cloria.
"O-oo." Kaway naman ni Cloria. "Sumunod ka sa canteen." Pagkasabi nito niyon kay Hesu ay nagtatakbo na itong sumunod sa magbabarkada.
Si Hesu na naiwan doon sa may paanan ng hagdanan ay nag-igting ulit ang kanyang inis. Muli ay naningkit ang mga mata niya at humugot ng malalim na buntong hininga. Pagkatapos ay parang susugod na naman siya sa mga kalaban ang hitsura niyang tinakbo ang hagdanang paakyat.
BINABASA MO ANG
THE FOUR BADBOY GHOSTS (free)
Teen FictionApat na guwapong lalaki na mga multo na ang mangungulit kay Hesu para magpatulong na malaman kung pa'no sila namatay at nakulong ang mga kaluluwa nila sa Sanchi College. Paano nga kaya? May magagawa nga kaya si Hesu kung ang meron lang siya ay ang...