"Totoo ba 'yon? Sinuntok ako ng babaeng 'yon? F*ck!" Hindi pa rin makapaniwala si Jaem sa nangyari.
Grumabe pa ang naging lutong ng mga tawa nina Saimo at Lius. Kaya naman 'yung tawa nilang iyon ay nakagawa ng pwersa. Napapahimas tuloy sa kanilang braso ang mga dumadaang estudyante dahil nakakaramdam ang mga ito ng kakaibang kilabot.
"Sis, naramdamam mo 'yung malamig na hangin?" sabi ng isang estudyante.
Napatakip sa bunganga nila sina Saimo at Lius.
"Yes, sis. Oh, em geh, baka nandito 'yung sinasabi nilang multo dito sa Sanchi College," tugon ng isa.
Natigilan ang apat na binata. At napasinghap sila nang sabay-sabay na bigla ay nagtatakbo ang mga takot na mga estudyante.
"Eiiiiihhhhh!" Nagtitili pa ang ilan.
"Geh, takbo!" Muntik na silang paramdaman ni Saimo ng mas malalang pagmumulto. Nainis siya sa kaartehan ng mga babae. "Akala mo namang magaganda, mga hipon naman!"
"Stop it, dude!" Buti at napigilan ito ni Lius.
"Kung alam lang sana nila kung gaano kagaguwapo ang mga kinakatakutan nilang multo," himutok pa ni Saimo. Sinuklay nito ang buhok sa pamamagitan ng mga daliri.
"Doon na nga lang tayo sa rooftop. Baka may multuhin din ako rito ng wala sa oras at itali ko patiwarik," inis pa rin kay Hesu na turan naman na ni Jaem. Hawak pa rin nito ang ilong na unang naglaho.
Muli ay natawa sina Saimo at Lius nang maalala ulit iyong nangyari. At naglaho na rin ang dalawa.
Maglalaho na rin dapat si Jelad nang may napansin siya. Naramdaman niya ang mainit na hangin sa tagiliran niya. Humangin pa nga konti ang ilang hibla ng buhok niya.
Natigilan si Jelad. Naningkit ang kanyang mga mata. Nakiramdam. At dahan-dahang namilog ang mga mata niya nang nakita niya ang itim na usok na kakagawan ng kakaibang hangin. Itim na usok na papunta sa comfort room na pambabae kung saan pumasok si Hesusa.
"Grim reaper?" nahintakutan niyang sambit kalaunan.
•••
PARANG may tinataguang masasamang loob naman si Hesu ng mga sandaling iyon. Pagkatapos kasi niyang isara ang pinto ng comfort room ay hinarangan pa niya ito ng katawan. Ang hitsura niya ay parang nagwo-walling.
"Ikaw pala 'yan, besh. Makasara ka naman ng pinto wagas na wagas." Nagulat pa si Cloria na katatapos lang umihi nang makita siya. Nagsi-zipper ito ng pantalon na lumabas sa isang cubicle.
Nag-"He-he!" lamang Hesu sa kaibigan. Ngiwing-ngiwi ang kanyang mukha. Namumutla. Pinagpapawisan siya nang malapot.
Napansin iyon ni Cloria. "Besh, may problema?" tanong nito sa kanya habang naghuhugas ng kamay sa may basin.
Napalunok siya. Oo, malaking problema pero hindi niya masabi syempre sa kaibigan.
Napakamot lamang siya sa ulo niya. Bakit niya kasi 'yon ginawa? Multo? Sinuntok niya? Ang laking gaga niya talaga! Jezzz!
"Hoy!" untag sa kanya ni Cloria. Parang wala pa rin siyang narinig. Nababahala talaga siya. Baka resbakan talaga siya ng multong 'yon. Baka biglang lumitaw sa harap niya at sakalin siya o kaya palutangin siya sa ere.
And speaking sa multuhin, ayan na nga. Bigla-bigla ay nagpatay-sindi na ang ilaw ng comfort room. Lagot!
"Luh!" Nabahalang tumingin-tingin sa mga ilaw si Cloria.
"Ay!" naisambit naman ni Hesu bigla. Bigla kasing may tumulak sa kanya. Muntik na siyang napasubsob sa sahig, buti at naka-balanse siya.
"Besh, ano'ng nangyari sa 'yo?" Mabilisang inalalayan siya ni Cloria.
BINABASA MO ANG
THE FOUR BADBOY GHOSTS (free)
Teen FictionApat na guwapong lalaki na mga multo na ang mangungulit kay Hesu para magpatulong na malaman kung pa'no sila namatay at nakulong ang mga kaluluwa nila sa Sanchi College. Paano nga kaya? May magagawa nga kaya si Hesu kung ang meron lang siya ay ang...