Part 24

1.6K 82 35
                                    

Dire-diretso si Hesu sa paglabas mula sa hospital pagkatapos nilang mag-usap doon ni Jelad. Bukas na lang daw sila mag-uusap ulit dahil kailangan na ni Jelad na bumalik sa Sanchi Clollege bago pa man mahalata nina Saimo, Jaem at Lius na nawawala ito.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga nang makalabas na nga siya. Alam niyang balik normal na ang ospital sapagkat sinabi ni Jelad na oras na makalabas siya sa ospital ay mawawala na ang epekto ng powers nito. Huwag na huwag daw siyang babalik.

Sabagay, bakit naman kasi siya babalik? Nakakatakot kaya roon! Yay!

Nag-umpisa na siyang maglakad. Grabe! Parang ayaw pang i-absorb ng isipan niya ang mga natuklasan niya. Sino ang mag-aakala na ganoon ang nangyari sa apat na binata? Mga kawawa talaga sila.

"Huh?!" Ganoon na lamang ang gulat ni Hesu nang may kamay na biglang humawak sa braso niya at pinaharap siya. Nahigit niya ang hininga niya sa sobrang gulat. Halos lumuwa na rin ang mga mata niya. Ang naisip agad kasi niya ay masamang tao ang humawak sa kaniya.

But to her surprised, si Hardy lang pala.

"Sorry. Nagulat yata kita," paumanhin ng binata.

"H-hindi naman. Ano'ng ginagawa mo rito?" pagsisinungaling niya.

Binitawan siya ni Hardy. Napakaseryoso nito. Para ba'y meron siyang nalabag o nagawang hindi maganda.

"Ako dapat ang nagtatanong niyan. What are you doing here? Gabi na, ah?" Hardy asked her seriously. As if boyfriend niya ito.

"Ah, eh..." Hindi siya agad nakasagot. Natameme siya. Para kasing may bumulong na mainit na hangin sa kaniyang tainga na hindi niya puwede sabihing nasa ospital na iyon si Jelad. Napatingin pa siya sa tagiliran niya. Nilipad ng hanging iyon ang ilang hibla ng buhok niya kaya inipit niya sa tainga niya.

Si Jelad ba 'yon?

"Hesu?!" untag sa kaniya ni Hardy nang hindi pa rin siya nagsasalita.

"Uhm, ano..." Ibinalik niya ang tingin sa binata. Bigla ay may dumaan na matandang lalaking multo sa likod nito. Salamat dito at nakakuha siya ng idea na irarason kay Hardy. "M-may dinalaw ako. Oo, may dinalaw akong pasyente sa loob."

"Sino naman?" mabilis at diretsahang tanong ulit sa kaniya nito.

"'Yung ano... 'yung lolo kasi ng isang kaibigan ng kamag-anak ko ay malapit na raw mamatay. Eh, alam nila nakakakita ako multo kaya... kaya pinakiusapan ako na pumunta at baka makausap ko raw ang kaluluwa niya. Baka may bilin daw kasi. Alam mo na." Sinundan niya ng matamis na ngiti at dalawang HE-HE ang pagsisinungaling niyang iyon. Hindi na lang pala siya ala-detective ngayon, author na rin. Ang galing niya gumawa ng kuwento, eh.

Pero pambihira, dahil sa mga multong mga 'yon ay nakakapagsinungaling siya. Nagkakasala. Minus ten tuloy na naman siya sa langit. Ay, naku!

"Ganoon ba. Eh, ano'ng nangyari?" usisa pa ni Hardy. Ayaw talaga siyang tantanan.

"Ayon, buti na lang nagpakita sa 'kin iyong lolo nila. Nakausap ko siya at 'yon natahimik ang pamilya nila. Actually, dumaan si lolo sa likod mo. Ayun siya, oh," pilyang sabi pa niya sabay turo sa multo ng matandang kaybagal maglakad.

Nga lang ang kaseryosohan ni Hardy ay hindi man lang natinag. Diretso pa rin ang tingin nito sa kaniya. Nanantiya siguro kung totoo ang sinabi niya o hindi. Halatang hindi pa rin ito kumbinsido.

Napakamot-ulo na lang siya. Wala na siyang magagawa kung ayaw pa rin nitong maniwala. Basta, hindi niya sasabihin ang totoo. Pinagkatiwalaan siya ni Jelad, dapat niya iyong irespeto.

"Bakit hindi mo suot ang kuwintas na binigay ko? Where is it?" saglit ay tanong nito na pang-iiba ng usapan.

Napakapa si Hesu sa sariling leeg. Wala nga ang anting-anting. Hindi niya suot. At naalala niya na tinanggal pala niya sa bahay nila.

THE FOUR BADBOY GHOSTS (free)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon