"Saan ka galing?" nagtatakang tanong sa kaniya ni Cloria. "Absent ka tuloy sa isang subject natin."
Imbes na sagutin ni Hesu ang kaibigan ay inilahad niya ang isang kamay sa harapan nito. "Nasa'n ang kuwintas?"
Lalong nagtataka ang hitsura ni Cloria na kinapa ang bulsa at inilabas nito roon ang kuwintas. "Oh. Ano ba kasi 'yan?"
Hindi pa rin siya sa sumagot. Sa halip ay pinakatitigan niya ang kuwintas na mukhang anting-anting at tipid na napangisi. Bumalik sa ala-ala niya ang pag-uusap nila ng apat na multo kanina sa rooftop.
... "What changed your mind? Bakit bigla ay gusto mo na kaming tulungan," unang pagtatanong sa kanya ni Saimo.
Ang apat na multo ay tabi-tabing nakatayo sa harapan niya, na siya ring may gawa. Inihilira niya talaga ang mga ito ng pagkakatayo upang maging maayos ang pag-uusap nilang lima.
"Oo nga. What's your plan? Parang ang weird kasi," sang-ayon ni Lius.
Pumanaywang muna siya at tumingin kina Jaem at Jelad kaysa sagutin agad sina Saimo at Lius. Naghintay na baka may itatanong din ang dalawa. Para aniya ay isahan na lang ang kanyang magiging sagot. Ngunit tipid na ngumiti lang si Jaem at humalukipkip lang naman si Jelad.
Bumuntong-hininga na siya. "Hindi ko na kailangang sabihin pa kung ano ang dahilan ko. Ang importante lang naman ay ang pagpayag ko na tulungan kayo." Inisa-isa niya silang tingnan bago tinapos ang kanyang salita. "Sige, tutulungan ko na kayo."
"Weh?" hindi kuntentong reaksyon ni Saimo. He really wants a clear answer.
Bahagyang siniko ito ni Jaem para patigilin sa anumang sasabihin o itatanong. Sa isip-isip ni Jaem ay mas okay na ang ganoon. At least, tutulungan na sila ni Hesusa.
Tumikhim si Hesu para bumalik ulit ang atensyon ng mga ito sa kanya. "So, pa'no ko ba kayo matutulungan?" tapos ay diretsahang tanong niya. She crossed her arms at minsan pa'y tiningnan niya isa-isa ang apat na multo.
"Hesusa, we didn't know what happened to us. Hindi namin alam paano kami namatay. Namalayan na lang namin na 'andito na kami. Isang araw, bigla na lang ay mga kaluluwang ligaw na kami dito sa Sanchi College," matinong kasagutan ni Jaem.
"Tapos kahit ano'ng gawin namin ay hindi kami makaalis dito. Para kaming mga kaluluwa na ibinilanggo rito sa Sanchi College. Wala kaming magawa kung kaya't hindi namin malaman kung ano'ng nangyari sa amin," madamdaming dagdag ni Lius. Parang maiiyak pa ito.
"Miss na miss ko na ang labas. Gusto ko nang umuwi," sabi rin ni Saimo na napatungo.
Tumaas ang isang kilay ni Hesu. Hinsi siya aware na marunong pa lang magdrama ang mga multong ito.
"It seems someone has punished us. Mukhang ginusto niya na magdusa kami kaya hindi kami makaalis dito kahit mga patay na kami," hindi inasahan ay isiningit din ni Jelad.
Medyo na-amaze pa si Hesu sa boses ni Jelad. In fairness nakaka-in-love ang lalaking-lalaki na boses nito.
Ipinilig niya ang ulo para magbalik siya sa sarili. Ano naman ngayon kung nakaka-in love ang boses ng multong ito? Remember, ito ang bumatok sa kanya! Tss!
"As in wala talaga kayong matandaan?" paninigurong tanong na niya. Paano ba 'to? Mukhang napasubo yata siya. Ano'ng alam niya sa pag-iimbestiga if ever? Naku po.
Sabay-sabay na umuling ang apat na multo. Ang cute lang.
"Oh, come on. If we remember, why would we still need help, right?" pambabara na naman sa kanya ni Saimo.
BINABASA MO ANG
THE FOUR BADBOY GHOSTS (free)
Teen FictionApat na guwapong lalaki na mga multo na ang mangungulit kay Hesu para magpatulong na malaman kung pa'no sila namatay at nakulong ang mga kaluluwa nila sa Sanchi College. Paano nga kaya? May magagawa nga kaya si Hesu kung ang meron lang siya ay ang...