Kasing bilis ng kidlat na sabay na tinakbo ni Jaem at Jelad si Hesusa para ipangharang ang mga sarili nila sa pabagsak na lagayan ng mga libro sa dalaga. Pinaupo nila ito at kapwa nila niyakap. Nakalimutan nilang parehas na wala iyong magagawa dahil mga kaluluwa sila, na tatagos lang din ang bookshelf sa kanila.
Buti na lang at biglang litaw si Lius. Ito ang nakaisip na gamitin ang kapangyarihan nito bilang multo para iligtas sa panganib ang dalaga. Itinapat nito ang mga kamay sa patumbang bookshelf. May lumabas doong pwersa na siyang pumigil sa pagbagsak niyon.
"Okay na, guys," nakahalukipkip na ani Lius pagkatapos mag-freeze ang lagayan ng mga libro.
Doon lang natauhan sina Jaem at Jelad. Saglit ay nagtaka pa sila bakit sila nakayap kay Hesusa, pero mayamaya ay tila mga nakuryente na dagling bumitaw rin ang dalawa.
Nagkibit-balikat na umiling-iling si Lius nang tingnan nila ito. Buti na lang at dumating pala siya kundi natigok na sana si Hesusa. Nasayang na sana ang lahat ng effort nila. Ay naku!
Ang mga na-shock naman na mga estudyante kasama na ang librarian ay napatakbo na sa parteng iyon ng library. At kahit nagtataka man sila dahil hindi tuluyang natumba ang bookshelf, na napakaimposible yatang mangyari, ay hindi na lang nila binigyang pansin nang makita nila ang dalagang nakaupo roon, dalagang halatang takot na takot.
Nakatakip kasi ang dalawang palad ni Hesu sa tainga niya, at pikit na pikit din siya. Hitsurang naghihintay na lang siya ng katapusan niya.
"Miss, dalian mo! Alis na d'yan!" anang isang estudyante.
"Miss, okay na! Ligtas ka na! Halika na rito!" sabi naman ng librarian.
Nagkaroon na ng komosiyon. Lahat ay nag-aalala pa rin kay Hesu dahil parang babagsak pa rin anytime ang lagayan ng mga libro. Walang nagtatangka na lapitan nang husto ang dalaga. Delikado pa rin kasi.
"Hesu?!" Hanggang sa bigla ay sumulpot si Hardy Evete. Sumingit ito sa mga estudyante.
Napaurong sina Jaem, Jelad, at Lius nang lapitan ni Hardy si Hesu.
"Hoy, Hesu!" Niyugyog ni Hardy ang magkabilang balikat ng dalaga.
"Huh?!" Sa wakas ay naalimpungatan na si Hesu. Takot ang hitsura niyang napatitig kay Hardy. Awang ang kanyang ang mga labi na nanlalaki ang mga mata. Pagkatapos ay napatingala siya sa bookshelf na akala niya ay kikitil na sa kanyang buhay kanina.
"It's okay. You're safe now," sabi pa ni Hardy na siyang nagpabalik sa tingin niya rito.
"A-ano'ng nangyari?"
"I saved you. Bakit ba kasi sinusundan mo ako rito? Dapat tinext mo na lang ako para napuntahan kita sa bahay niyo. Kahit naman guwapo ako ay mapagbigay ako sa mga pangangailangan niyo na mga girls," pagpapa-cute na ni Hardy. Balik kahambugan na naman ito.
"Kaya love kita, Hardy, eh." Gayunman ay kinilig pa rin ang mga humahanga sa binata.
Kininditan sila ni Hardy kaya nagtilian na ang mga kababaihang estudyante.
"Pigilan niyo ako, uupakan ko 'yan," sabi ni Lius kina Jaem at Jelad.
Iyon ang tila nagpabalik ng tuluyan sa kamalayan ni Hesu. Naalala na niya na ang dalawang multo ang nagligtas sa kanya. Napatingin siya sa mga ito. Tatlo na sila ngayon. Nakatingin din ang mga ito sa kanya.
Ngingitian niya dapat ang mga ito bilang pasasalamat dahil iniligtas nila ang buhay niya.
"Hesu, halika na. Umalis na tayo rito. Next time, just let me know if you want to do research. Ang daming computer sa bahay. Puwede kitang bigyan ng isa. Gusto mo laptop pa, eh? Mayaman kami you know," ngunit pagpapabida na naman ni Hardy kasi.
BINABASA MO ANG
THE FOUR BADBOY GHOSTS (free)
Teen FictionApat na guwapong lalaki na mga multo na ang mangungulit kay Hesu para magpatulong na malaman kung pa'no sila namatay at nakulong ang mga kaluluwa nila sa Sanchi College. Paano nga kaya? May magagawa nga kaya si Hesu kung ang meron lang siya ay ang...