Prologue

258 17 50
                                    

TUMATAGOS ang tingin ko sa malapad na pader ng kuwarto. Pasalampak akong nakaupo sa malamig na sahig, nakasandal sa gilid ng kama.

Madilim ang palagid bagaman bahagyang sumisilip ang kakaunting liwanag mula sa siwang ng bintana sa likuran ko. A sliver of light created a thin line across the wall before me.

Hindi ko alam kung ano'ng oras na. Basta ang malinaw sa 'kin wala pa akong tulog, almost forty-eight hours na. I couldn't force myself to sleep. Dahil sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata, halo-halong mga eksena ang pilit na nagsusumiksik doon.

Ilang araw na akong kinakatok ni Mommy pero hindi ko siya pinagbubuksan ng pinto. Kagabi narinig ko sa labas si Daddy. He kept pressuring Mommy to talk to me, but she couldn't do anything about it.

My door had been locked for several days. Kanina naulinigan ko ulit ang boses ng mga magulang ko pero saglit lang ang pagrehistro ng usapan nila sa pandinig ko.

Mapait akong napangiti nang maalala ang sinabi ni Daddy. He wanted me to go to Manila the very next day. Kahit pa raw hilain niya ako palabas ng kuwarto ay gagawin niya makaalis lang ako.

It's hilarious. Truly, it is.

Mayamaya mula sa pagtitig sa kawalan nabaling ang tingin ko sa itim na cutter knife sa tabi ko. Dinampot ko iyon at ilang sandaling pinaglaruan.

On the vast wall, I could clearly see the shadow it cast. I opened it until a sharp blade emerged. It had been creating a haunting silhouette. As I moved it, the shadow grew menacingly larger.

Seconds later, nagmukha iyong isang malaking kutsilyo sa pangingin ko. Pero habang nakatitig ako roon kakatwang ibayong relief ang bumalot sa akin—dahil alam kong puwedeng tapusin ng maliit na talim nito ang lahat ng paghihirap ko.

If that happened, I would no longer have to follow Dad's orders. Hindi na ako mapapahiya, mapi-pressure at paulit-ulit na masasakal. Sa halip tuluyan akong lalaya...

Iniangat ko ang kaliwang palad at pinagmasdan iyong maigi. Bahaw akong napangiti nang luminaw sa paningin ang namumulang mga daliri ko.

Blisters had formed around them. Kagabi ramdam ko ang hapdi ng mga ito. Ngayon, bagaman kumikirot pa rin, tila biglang namanhid ang mga iyon.

I pressed the cutter blade against my wrist. Ilang segundo ang lumipas at pumailanlang sa paligid ang sunod-sunod na katok sa pinto. But I didn't let it bother me. Hindi rin ako tumayo para pagbuksan ang sino mang nasa labas. There were faint noises outside, but they barely reached my ears.

Pinadaan ko ang blade sa manipis na balat ko. Hindi ko iyon idiniin pero sapat ang talim no'n para masugat ako. I had felt a sharp pain pero kagyat lang dahil mayama'y wala na akong maramdaman. May lumabas na kaunting dugo mula roon.

I smiled, nagbubunyi iyon. I could no longer feel pain, even fear. I supposed this was the right moment to finally be free.

Muli kong hiniwa ang palapulsuhan ko. This time ramdam ko ang ibayong hapdi. It left a thin line before a trace of blood began to seep out. Mas marami na iyon kumpara kanina. May ilan ding patak ang tumulo na sa puting tiled floor.

Inilapit ko pa ang cutter at handa nang gumawa nang mas malalim na guhit nang bigla ang pagliwanag ng paligid. Kasabay no'n ang sumisigaw nang si Daddy palapit sa kinauupuan ko.

Pinigilan niya ang kamay kong may hawak na cutter at pilit na inilalayo iyon ngunit nagmatigas at nagpumiglas ako.

"Eira! Stop it!"

Dahil mas malakas siya sa akin nagawa niyang hablutin ang cutter at inihagis iyon palayo. He gripped my left hand tightly, trying to stem the flow of blood from it.

"Hayaan n'yo na lang akong mamatay! Pagod na pagod na 'ko!" umiiyak at hirap na hirap na sigaw ko.

"A-Anak... No. We won't let that happen..." garalgal na saad ni Daddy. Ilang sandali ang lumipas at humagulgol siya saka ako mahigpit na niyakap. "I-I'm so sorry, Eira. Patawarin mo 'ko. It's daddy's fault. K-Kasalanan ko kung bakit nangyayari ito sa 'yo ngayon..."

Tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha ko. Mayamaya dalawa na sila ni Mommy ang nagkulong sa akin sa kanilang mga bisig na para bang ang kanilang pagyakap ang magiging pananggalang laban sa anumang sakit na maaari ko pang idulot sa sarili ko. 

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon