Chapter Nineteen

39 9 29
                                    

RADD CORDOVA

──●◎●──

"I'M LETTING you go, Radd..."

Hindi ko na naririnig ang boses ni Eira pero ang mga salitang iyon pa rin ang pilit na nagsusumiksik sa isip ko. Kanina tila ako nabunutan ng napakalaking tinik sa dibdib nang tumawag siya.

I thought Reeth had finally convinced her to talk to me. Pero pagkatapos niyang sabihin ang apat na salitang iyon nawala na siya sa kabilang linya. Hindi niya ako hinayaang magsalita o magpaliwanag. Gumuho nang tuluyan ang natitirang pag-asa sa puso ko.

Paulit-ulit kong minura ang sarili. Now, I despised the thought that I had ever planned to hurt her. Labis ko nang pinagsisisihan ang resulta ng mga kagaguhang nagawa ko.

Pero hindi ako papayag na hahantong lang ulit kami sa ganito.

No, I wouldn't let her go. Hindi ngayon...

Tumakbo ako palabas at tinungo ang bahay ng mga Villena. Pagpasok ko ng bukas na gate, naabutan kong nagkakape sa garden set si Tito Leonard—na nagulat pa nang makita ako.

Isang linggo rin akong hindi nakatutuntong doon. I knew I was probably trespassing by entering without permission, but I was desperate. I had to talk to Eira. Ngunit bago ko magawa iyon mukhang kailangan ko pang dumaan sa daddy niya—na nang mga oras na iyon ay matamang nakatitig sa akin.

Kahit hindi naman siya halatang galit habang nakamasid sa akin, kinabahan pa rin akong humakbang patungo sa kinauupuan niya.

"I knew you wanted to talk to her, but Eira's not here, hijo."

Para akong malakas na tinadyakan sa narinig ko. She chose to leave me again, katulad ng ginawa niyang pag-iwan sa akin seven years ago...

I stood there for several seconds, trying to process the overwhelming sense of failure washing over me. My chest ached with a deep, familiar pain. I couldn't believe this was happening all over again.

Handa na akong magpaalam nang muling magsalita si Tito, "'Wag ka munang umalis. Talk to me instead, hijo."

Bagsak ang mga balikat na tumalima ako. I took the seat across from him. That time the sun was sinking low in the sky, casting a soft, amber glow over that corner of the garden. Mayamaya nanuot sa ilong ko ang matapang na amoy ng kapeng barako.

Inilapit ni Tito Leonard sa harap ko ang isang cup ng kape. Why did I have the feeling that he had been waiting for me?

Nakumpirma ang hinala ko nang magtanong siya, "Did she tell you to let her go?"

Isang mahinang buntong-hininga ang pinakawalan ko. "O-Opo..."

I wasn't even surprised that Tito Leonard knew what had happened. She had probably told him about it. But if I were facing the version of Eira's dad from seven years ago, our conversation would likely be charged with tension.

Looking back, I remembered that, despite his outward kindness, he had never liked me. I always felt a sense of indifference in his treatment of me, and it was clear he had never approved of the friendship Eira and I shared. Sigurado rin akong labis siyang magagalit sa akin kung nalaman niya noon ang lihim naming relasyon ng anak niya.

But everything changed after that night seven years ago, it was two months after Eira left...

Hindi pa man ako nakakalapit, alam kong ang daddy ni Eira ang lalaking yukyok ang ulo sa harap ng mesang iyon. There were bottles of alcohol on top of his table. Walang anumang pulutan, mga bote ng lang ng alak na lahat ay said na ang laman ang naroon.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon