Chapter Five

86 13 89
                                    

INAYOS ng mga magulang ko ang pagtira ko sa Manila. While they were fixing the mess that I made, I was slowly breaking down. Nawalan ako ng gana sa lahat. Namanhid ako sa kahit anong emosyon and I completely isolated myself from the rest of the world.

Nang hindi na halos maramdaman ng mga magulang ko ang presence ko sa bahay, dahil mas pinipili kong magkulong na lang sa kuwarto, kinausap nila ako.

"You promised to make up for your mistake, Eira. Pero ano'ng ginagawa mo? Hinahayaan mong masayang lang ang oras mo sa pagmumokmok. Paano ka makakabawi kung ganitong ni hindi mo magawang maayos ang k'warto mo? It looks like a pigsty!"

Seryosong nakatitig lang sa akin si Daddy habang nakaupo sila ni Mommy sa harap ko. I was sitting at my swivel chair-gulong-gulo ang buhok at nakapantulog pa-habang tagus-tagusan ang titig sa kanilang dalawa.

Ngunit hindi ko na gustong i-process ang sinasabi ni Daddy. I was completely tired of hearing them.

"Anak, ano na ba'ng nangyayari sa 'yo, ha? Hindi ka naman gan'yan dati. Tell us, may problema ba? Or maybe you're not yet ready to retake the boards? Gusto mo bang i-cancel muna ang registration mo sa review center?"

"What are you saying, Margarette? Hindi natin p'wedeng gawin iyon. Paano siya papasa kung hindi siya maghahanda ngayon pa lang? Gusto mo bang patuloy na mapahiya ang pamilya natin?" Nag-igtingan ang mga panga ni Daddy habang masama ang tingin kay mommy sa tabi niya. "Tama na ang isang kahihiyan. Hindi na ito dapat maulit pa!"

"Leonard! Naririnig mo ba'ng sinasabi mo? Hindi ka ba naaawa sa nakikita mong lagay ni Eira? She already looked like a mess, yet, reputasyon pa rin ng pamilya natin ang iniisip mo!"

Mataas na ang boses ni Mommy. Ito ang unang beses na narinig ko siyang gano'n magsalita kay daddy. Her tone had been always calm and composed. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Marahan din niyang hinaplos ang buhok ko saka inayos iyon.

"It's alright, anak. Kung hindi ka pa handa hindi natin ipipilit. You can just try again next time. You're not a failure."

"She is a failure, Margarette! She has to know that!" galit na saad ni Daddy habang nakatitig sa 'min.

"Enough with your words, Leonard! Paano mo naaatim na sabihin iyan? She already did her best. Let's stop forcing and pressuring her. 'Wag sana tayong maging dahilan ng tuluyang pagkasira ng buhay niya," nanginginig na saad ni Mommy. Naramdaman kong lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya sa 'kin.

"It's for her best. Don't you want her to succeed? Kung hindi natin siya tuturuang maging matatag paano pa siya kung wa-"

"Then, should I just die?"

Naputol ang iba ang sasabihin ni Daddy dahil sa mga salitang namutawi sa bibig ko.

"Eira, 'wag mong sabihin 'yan!" gulat na bulalas ni Mommy.

Tumayo ako at deretsong tumitig ako kay Daddy. I knew pain and anger were the most visible emotions on my eyes right now.

"Pagod na pagod na ako!" Nag-unahan ang mga luha ko sa pagpatak. "I-I can't keep living your dream anymore. The pain is just too much, and I'm drowning here... I-I've had enough, Dad, I just want this agony to stop..."

Hindi na ako nag-isip at mabilis akong tumakbo palabas ng kuwarto. Tuloy-tuloy akong bumaba ng hagdan at lumabas ng bahay.

Manipis ang pantulog na suot ko kaya ramdam na ramdam ko ang nanunuot na lamig. Pero hindi ko iyon ininda, sa halip ay nagpatuloy ako sa walang direksyong pagtakbo.

Para lang tumigil nang makita ko ang taong nakatayo ilang hakbang sa harap ko. Shock had been written on his face.

Handa ko na siyang lampasan nang hagipin niya ang braso ko at marahan akong hinila palapit sa kaniya. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat para maiharap sa kaniya.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon