Chapter Thirteen

50 10 30
                                    

"KUMUSTA ka na, Eira?" malawak ang ngiti at magaang tanong ni Miss Iris nang makaupo ako sa harap ng table niya. Sa ginawa niya lumabas ang mga malalalim na biloy sa kaniyang makikinis na pisngi.

Maliwanag ang consultation room na kinaroroonan namin. The interior was identical to the rooms in the psychiatric ward of Saint Claire Medical Center, with walls painted a pale shade of white. Wood brown Mahogany office table, swivel chair, at isang itim na leather sofa set ang tanging mga gamit na nasa loob nito.

Malayang pumapasok sa naka-grills na bintana ang liwanag mula sa mataas na sikat ng araw sa labas. Dumaragdag iyon sa maaliwalas na bukas ng magandang mukha ni Miss Iris.

It had been a year since I last saw her, yet she still radiated the same angelic and calming presence as before. Binabagayan pa rin ng aura niyang iyon ang bilugang mukha, maliit na ilong at manipis na pinkish niyang mga labi.

Kita rin sa maningning na bilugang mata niya, na natatabingan ng suot niyang round-frame eye glasses, ang kagustuhang makinig sa anumang sasabihin ko sa kaniya. Mayamaya, marahang isinasayaw ng mahinang buga ng katabi niyang electric fan ang hanggang bewang na tuwid niyang buhok.

Year twenty-seventeen nang una kong makilala si Miss Iris Medina. Five years ang tanda niya sa akin at resident Psychiatrist palang siya ng Saint Claire Medical Center noon. Ngayon ay sa siya na ang head ng Psychiatric department.

"I'm feeling a lot better now," sagot ko pagkaraan ng ilang sandali.

Dati ay malayo sa sagot kong iyon ang estado ng pakiramdam ko. I remembered crying and just blankly staring at her. Seven years ago, I was admitted to a psychiatric ward, just a day after my suicide attempt. At that time, I had been diagnosed with severe depression.

Ang diagnosis na iyon ay bunga ng mga naipong pressure at hinanakit na dulot ng mataas na expectation sa akin ni Daddy. Noong una, sa tuwing bumabalik sa isip ko ang masakit na alaalang iyon, parang may mabigat na bato na nakadagan sa aking dibdib.

Pero ngayon, nagagawa ko nang palipasin ang sakit na hatid no'n. I came to realize that some things were simply meant to happen. At nagpapasalamat ako kasi nagawa kong malampasan iyon.

Sa buong treatment course ko ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para gumaling. Habang nasa hospital ako tuluyan kong pinalaya ang sarili mula sa mga hinanakit na matagal na panahon kong kinimkim. I had forgiven myself as well and the people around me.

Dahil din sa tulong ni Miss Iris nagawa kong umusad at lubos na maunawaan ang sarili ko.

"Ang tagal mo ring hindi bumisita sa 'kin. Was it last December nang huli kang magpunta rito?"

Marahang tumango ako. "Yes po."

"Actually, hindi ko inasahan ang pagbo-book mo ng appointment sa clinic ko. Is everything alright? Or are you experiencing triggers again?" Dumaan ang pag-aalala sa mukha ni Miss Iris.

Umiling ako. "Hindi naman po. Pero napansin kong hindi ko magawang mag-focus sa usual tasks ko dahil labis akong binabagabag ng sari-saring isipin sa utak ko."

Mula nang gumaling ako ay may ilang pagkakataong nakakaramdam pa rin ako ng pagkabalisa lalo na sa tuwing stressed ako sa trabaho. Ngunit naging manageable na ang mga iyon. Alam ko na rin kung paano iwasang malugmok sa mga negatibong isipin na puwedeng makasama sa akin.

Pero lately, nahihirapan akong pagaanin ang pakiramdam ko. Ang totoo'y last resort ko ang pagpunta kay Miss Iris.

After what happened between Radd and I yesterday, hindi ko mapigilang makaramdam ng labis na pagkalito. Inamin ko na sarili kong mahal ko pa rin siya, ngunit hindi maalis sa puso ko ang takot na sumubok muli. I felt anxious. Kasi baka masaktan ko lang ulit si Radd.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon