"I HEARD a good feedback from Professor Sorza. Na-perfect mo raw ang quiz na binigay niya."
Mula sa tahimik na pagkain, nag-angat ako ng tingin sa sinabing iyon ni Daddy. Nasa hapag kainan kaming tatlo para sa dinner. Habang nasa akin ang matamang tingin niya, nahiling kong sana nag-overtime na lang siya sa university para hindi namin siya nakasabay ni Mommy.
"Yes po, Dad," tipid na saad ko saka muling yumuko. It was my usual response sa tuwing kinakausap niya ako. Madalas ay tipid na sagot lang ang ibinibigay ko.
"That's good to know then, Eira. Ano na lang ang sasabihin ni Melinda kung sakaling hindi maganda ang performance mo sa subject niya? It would be a shame on my part as your father. I might be criticized as well."
Sinubukan kong alisin sa isip ang negativity na dala ng mga salitang binitiwan ni Dad pero hindi ko nagawa. Instead, they lingered and begun to fill my mind with countless thoughts. Humigpit ang hawak ko sa mga kubyertos sa kamay.
"That's absurd, Leonard. Why will you be criticized?" magaang singit ni Mommy sa usapan.
"Simple. I am now the dean of College of Engineering. Mainit ang mga mata sa akin dahil sa halip na kay Melinda ibinigay ang posisyon ay sa akin iyon ipinagkatiwala ni Dean Morales."
Professor Morales was the former college dean of COE. There had been rumors that my dad and Professor Sorza were the two eligible candidates for that position. May mga usap-usapan ding naging mahigpit ang competition sa pagitan nilang dalawa.
Good thing, Professor Sorza was a good sport. Kahit minsan ay hindi nagbago ang trato nito sa akin kahit pa nga ang daddy ko na ang bagong dean. She was too far from my father na mukhang balak pa yatang mamersonal despite being already promoted.
My dad, Leonard Villena, was a refutable professor at Brentwood University. At kahit ayaw ko, kakabit na ng reputasyon niya ang pangalan ko.
I was always associated with him and I really hated that. Kung may pagpipilian lang ako hindi na sana ako nag-enroll sa Brentwood. Pero as if nabigyan ako ng choice kahit isang beses. Wala akong nagawa nang iyon ang iutos sa akin ng daddy ko.
We were a family of engineers. My mom and dad—na parehas nang nasa mid-fifties—were both civil engineers. Ang dalawang kuya ko naman ay electrical at marine engineering ang tinapos.
I was expected to end up like them. More importantly, I was always pressured to do well and be at the top.
"Melinda is a good friend. Definitely, hindi niya iisipin 'yon."
It was my mom. Sa kanilang dalawa ni Dad siya ang rational mag-isip. There had never been an instance when I felt pressured by her. Ramdam ko ang suporta sa akin ni Mommy pero malimit wala rin siyang magawa dahil sa pamamahay na ito si Daddy ang laging nasusunod.
"By the way, I heard Radd also got a perfect score. Bilib din talaga ako sa batang iyon," mayamaya ay pag-iiba ni Daddy sa usupan.
Natigil ako sa paghiwa ng karne sa plato ko dahil sa sinabi niya.
"Mabuti at naging magkaibigan sila nitong si Eira. They've been a good influence to each other, 'di ba, anak?"
Ngiti lang ang sagot ko sa sinabing iyon ni Mommy.
"Oo, tama ka naman d'yan, Margarette. Pero hindi dapat nagpapakampante ang anak mo. Her friend might already be taking her spot. No'ng high school sila, kung hindi lang transferee si Radd, I bet he might've been the Valedictorian instead of Eira."
"D-Dad..." mahina at may tunog pagpoprotestang saad ko. I hated the thought na ini-instill niya ang competition sa pagitan naming dalawa.
"Why? I might not be wrong. Nahawakan ko kayo pareho ni Radd no'ng first year pa lang kayo at alam kong maraming pagkakataon na nahigitan ka niya. That's why you should avoid hanging out with him often. Focus on your goals. Nakakasira lang siya sa 'yo."
BINABASA MO ANG
Still You
RomanceI was living an ordinary, uneventful life when top star Radd Cordova unexpectedly entered the picture. His sudden appearance in Baguio turned my world upside down. I was prepared to avoid him at all costs, but fate had other plans. It seemed determi...