Final Chapter

45 11 24
                                    

NAGISING akong pares ng magagandang singkit na mga matang iyon ang unang bumungad sa akin. Napangiti ako. We were lying face-to-face on the bed, and he was staring deeply into my eyes. It felt like a dream because they looked at me with so much love.

Iniangat ko ang palad at inilapat iyon sa makinis niyang pisngi. "You look so unreal, alam mo ba 'yon?"

Marahan siyang ngumiti sa akin. Mayamaya ginagap niya ang kamay kong nakalapat sa pisngi niya. I felt the warmth in his hand. Ang comforting n'on sa pakiramdam.

"I missed staring at you like this. Alam mo bang, gustong-gusto ko nang bumalik sa 'yo? Pero pinipigilan ako ng takot. I had also been blaming myself for what you did." Nag-init ang sulok ng mga mata ko. "Kung hindi ba kita sinaktan no'n, maiisip mo kayang ibalik din ang sakit sa 'kin?" Tumulo ang mga luha ko.

Ilang sandali pa sunod-sunod na ang pagpatak ng mga iyon. Siya naman ay nakatitig lang sa akin. Hanggang sa marahan niya iyong pahirin mula sa 'king pisngi.

"S-Sorry... Kung hindi ka lang parte ng panaginip na 'to, gusto ko ring sabihin 'yan sa 'yo ng personal. Pinapatawad na rin kita kasi ang totoo, hindi ko kayang magalit sa 'yo."

Napahikbi ako lalo nang ikulong niya ako sa mahigpit na yakap niya. It felt almost too real. I could feel the warmth radiating from his body. Pero ilang ulit ko na ring napapanaginipan ang tagpong ito. Lagi ay nagigising akong naroon ang malaking puwang na iyon sa dibdib ko.

I pulled away from his embrace after a few seconds and looked at him intently, trying to memorize every detail of his face. Gusto kong habang-buhay na itinamin sa isip ko ang eksenang ito.

"M-Mahal pa rin kita, Radd..." Kasabay ng mga salitang iyon ay ang pagtawid ko sa nalalabing distansiya sa pagitan namin.

I kissed him. Ilang sandaling naghinang ang aming mga labi. Nang matapos ang halik, misty na ang mga mata ni Radd na tumitig sa akin.

Ikinulong niya ang mukha ko sa mga palad at pinakatitigan ako. "I love you too, Eira..."

─•❉᯽❉•─

MAAGA akong nagising para sa scheduled hiking sa Marlboro Hills. Hindi sumama si Reeth kasi may hang over. Si Caleb naman tulog pa yata. Ako rin ay nananakit nang husto ang ulo pero pinilit ko pa ring bumangon.

Actually, hindi ko matandaan kung paano ako nakarating sa kuwarto nang maayos. Paggising ko kanina ay balot na balot na ako ng makapal na kumot. Ang huling memory ko ay kasama ko pa sina Reeth at Caleb na panay ang bangayan.

Malawak akong napangiti nang ilang hakbang na lang ay tanaw ko na ang peak ng Marlboro Hills. It was one of my goal—ang umakyat doon para panuorin ang sunrise. Plano naming gawin iyon ni Radd seven years ago. Sagada was our dream destination, and we were supposed to visit it after passing the board exam. But now, it seems like that wouldn't happen anymore.

Nawaglit ang ngiti sa labi ko nang maalala si Radd. Ironic. Nasa Sagada nga kami pareho pero siguradong wala na iyon sa isip niya. Kagabi, hindi ko na siya nakita sa premises ng Sagada Pines. He probably realized that he was just wasting his time on me. Napagod na siguro kakahabol sa akin kaya umuwi na.

Bakit parang nasasaktan ka, Eira? buska ng alter ego ko. Kung 'di ka ba naman kasi pabebeng gaga ka!

Hindi ko na pinansin ang pang-aasar sa akin ng bahaging iyon ng isip ko. Aaminin kong may panghihinayang sa puso ko. Pero siguro ay hanggang gano'n na lang. Sa panaginip ko na lang masasabi sa kaniya lahat.

And will you just accept that?

Pinilit kong iwaglit ang tanong na iyon sa isip ko. Nagpatuloy ako sa tahimik na paglalakad kasabay ng mga turistang paakyat din ng burol. Ilang sandali pa narating namin ang peak nito.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon