Chapter Seven

66 11 117
                                    

NASA MALAWAK na sala ako ng mga Cordova. Madalas naman akong tumambay rito at alam kong comfort ang laging dala ng maaliwalas at minimalist interior nito, pero weird dahil nang mga oras na iyon hindi ako mapakali.

Nangingibabaw ang urge kong tumakbo patungo sa pinto at manatili na lang ulit sa labas kahit malakas ang ulan at sobrang lamig doon.

Iginala ko ang tingin sa living room. Just as I remembered, the walls were all painted white. Kulay gray na mahabang sofa, maliit na glass table at fifty-inch smart TV na naka-mount sa pader, ang tanging kagamitang naroon.

Ang malambot na ilaw mula sa recessed lighting at isang modernong floor lamp ay nagbibigay ng katamtamang liwanag sa kabuuan ng sala.

Tipid akong napangiti nang mapansin ang nakapasong Monstera ni Reeth sa tabi ng floor to ceiling na bintana. Naalala kong iyon ang paborito ng kaibigan ko mula sa collection niya ng ornamental plants dahil ang lakas daw makasosyal.

Mula sa malaking bintana, na bahagyang natatakpan ng manipis na puting kurtina, naaninag ko ang malakas pa ring buhos ng ulan. Hopeless akong nagbuga ng hangin.

Mayamaya, muli kong ibinaling ang atensiyon at inabangan kung saang parte ng bahay susulpot si Radd. Nagpaalam siya sa aking aakyat saglit sa room niya. Naalala kong tango lang ang isinagot ko habang atubiling umupo sa sofa.

Dapat pala sinamantala ko nang umalis kanina. Kasi sigurado akong hindi ko alam kung paano ko siya haharapin once na bumalik siya.

Ilang sandali pa akong naghintay hanggang sa marinig ko ang mga yabag niyang pababa ng hagdan. As an initial response, I grabbed the throw pillow beside me and tightly hugged it. Na para bang sa pamamagitan niyon ay maiibsan ang kabang nararamdaman ko.

Oo na, hindi na ako magsisinungaling! Kinakabahan ako sa isiping mag-uusap ulit kami.

Isang buwan mula nang maghiwalay kami, Reeth told me na kinailangan niyang lumuwas ng Manila kasama si Tita Mary dahil doon siya nakahanap ng trabaho.

Hindi ko nga lang inasahan na ang trabaho palang iyon ay ang modelling stint na ini-offer ni Kat Ramirez sa cafeteria ng Saint Claire Medical Center. Saka ko na lang iyon na-realize nang may TV interviews na si Radd kasama ang babae na tumayong talent manager niya.

Radd Cordova started out as a model. Hanggang sa nag-transition siya sa acting at nagkaroon ng supporting roles sa ilang teleserye at pelikula. Then sabi nga nila, the rest was history. Isang araw ay naging household name na si Radd at laman na siya halos ng kabi-kabilang shows at endorsements.

I didn't see him in person for the past seven years. Sa TV ko lang siya madalas makita at kapag nagsi-send ng random pictures si Reeth. Kapag naman umuuwi siya ng Baguio mas pinipili kong mag-out of town at saka lang babalik kapag nakaalis na siya.

I knew I was being unfair but I really couldn't find the courage to face him again. Lagi ay pipiliin kong iwasan siya at hayaan na lang na makalimutan namin nang tuluyan ang presence ng isa't isa.

Pero this time, malabo yata iyong mangyari. Seeing him face to face made my inner self scream!

Pasimple ko pa siyang sinuri ng tingin nang maglakad palapit sa akin. Ngayon ko na-realize na hindi enough ang resolution ng camera para idetalye ang "Immaculately perfect looks"—this was his fans description about him—ni Radd Cordova.

Alright, alam kong guwapo na siya sa totoong meaning ng salita mula pa college kami, pero hindi ko inakalang labis pang magbabago ang itsura niya.

He had become fairer, his boyish looks replaced by more mature facial features. His jawline was now well-defined, contributing to a handsome and chiseled facial structure.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon