"SHUTA ka, Caleb! Lubayan mo nga 'ko! Pepektusan talaga kita!"
Nagkatinginan kami ni Radd saka sabay na natawa habang pinapanuod ang parang aso't pusang bangayan nina Reeth at Caleb sa gitna ng malawak na strawberry farm ni Tito Abe—ang tatang ni Reeth.
Pagkagaling namin sa Sagada, nag-decide kaming sumama kay Reeth sa Bontoc para bisitahin ang tatang niya. We had been at the Cordova's for two days, and so far, I had been enjoying the experience.
"I'll have to remember to fire you when we get back to Baguio, Reethy!" ganting asar naman sa kaniya ni Caleb.
Sa inis ni Reeth binato niya ito ng napitas na strawberry. Nakailag si Caleb saka siya malakas na tinawanan.
Ginagap ni Radd ang kamay ko at hinila ako palapit sa mayabong na puno ng makopa ilang hakbang mula sa kinatatayuan namin. Bahagya nang mataas ang sikat ng araw at dama ko na ang pagtama no'n sa balat ko. Naupo ako sa damuhan at pinuno ang baga ng sariwang hangin. Mayamaya aliw kong ibinalik ang pansin sa dalawa.
Mabuti na lang at kami lang ang tao sa strawberry farm nang mga oras na iyon. At least hindi mawi-witness ng mga tagaroon ang kabaliwan nina Reeth at Caleb.
Radd sat beside me and handed me a makopa fruit. Pulang-pula iyon at halatang matamis dahil mukhang hinog na hinog na. Inabot ko ito at kinagat. Napangiti ako nang rumehistro sa taste buds ko ang malinamnam na lasa nito.
"Halatang madalas ka rito, ah. Alam na alam mo kung paano mamili ng matamis na makopa," natatawang sabi ko. "Surely, kung nandito ang fans mo mahihimatay sila sa inggit kasi pinagpitas mo lang naman ako."
Mahinang humalakhak si Radd. "You're really funny, Eira."
"Totoo nga! I-post ko kaya 'to sa social media?"
"Hindi na kailangan, I bet the media is already trying to track you down by now. Kat just called me, tinatanong kung ano raw 'yong kalokohang ginawa ko sa Marlboro hills."
Napangiwi ako sa sinabi niya. Mukhang hindi nga yata magandang nagkalat kami roon two days ago. Baka pagbalik ko ng Baguio kuyugin na ako ng reporters dahil jinowa ko lang naman ang top star na si Radd Cordova.
"Handa ka naman bang panagutan ako n'yan?" natatawang tanong ko.
"Of course. I told Kat we'll get married next month."
Napamulagat ako sa sinabi niya. Naudlot ang pagnguya ko sa makopa.
"Hoy! Siraulo ka ba?"
"Bakit ayaw mo ba 'kong pakasalan?" Lumabi siya.
"Gusto! Pero kasal agad-agad? Baka atakihin sina Mommy at Daddy. Saka si Tita Mary baka mahambalos ka!"
"You're overthinking, Eira. Of course that will never happen. Saka bago kita puntahan sa Sagada, Tito Leonard already gave me his permission."
Umawang ang labi ko. He did plan all of these! Mayamaya pinakatitigan niya akong mabuti. Mataman iyon, punong-puno ng pagsuyo at pagmamahal.
"Marry me, Eira. It had always been my dream to spend my life with you. I knew the timing was off but believe me, I had always wanted to say that to you, college palang tayo."
Ngumiti ako saka maingat na hinaplos ang pisngi niya. "Hihindi pa ba ako kung gan'yang tagos sa puso ang confession mo? Sige, i-fulfill natin ang dream mong 'yan. Pero 'wag naman next month agad. Hayaan mo munang sulitin kitang maging boyfriend ko!"
He chuckled softly and placed a tender kiss on my forehead. Pagkatapos maingat niya akong ikinulong sa mga bisig niya. Ilang sandaling nasa gano'n kaming posisyon hanggang sa tumili si Reeth. Kapwa nabaling ang tingin namin sa dalawa.
"Shutangenamels ka! 'Wag kang magkakamaling i-send 'yan kay Luke! Amin na 'yan!" nanggagalaiting bulyaw niya saka pilit na inaagaw ang phone ni Caleb.
"Habulin mo 'ko, Reethy!" asar naman sa kaniya ng ungas saka tumakbo palayo.
Pareho kaming nailing ni Radd habang nakamasid sa kanilang naghahabulan na sa gitna ng strawberry farm.
"What if sila pala ang end game 'no?" natatawang saad ko.
"Do you think so? I'm not sure Reeth will like him. Kahit ako 'di ko gusto 'yang si Caleb. I hated his guts. Lalo na ang pagdikit-dikit niya sa 'yo no'ng nasa Sagada tayo."
"Hoy, 'di ka pa rin nakaka-move on do'n?"
Umiling siya. "Never."
Humilig ako sa balikat niya. "'Wag ka nang magselos, bebe ko. Ang mabuti pa gumawa na lang tayo ng paraan para magkatuluyan ang dalawang 'yan. Feeling ko talaga bagay sila, eh."
"Enemies to lovers?"
Nangingiting tumango ako bilang sagot. Mayamaya napahagalpak kami ng tawa nang bigyan ng roundhouse kick ni Reeth si Caleb. Napapamurang bumagsak ang ungas sa damuhan.
✧༺♥༻∞
![](https://img.wattpad.com/cover/370921426-288-k239187.jpg)
BINABASA MO ANG
Still You
RomanceI was living an ordinary, uneventful life when top star Radd Cordova unexpectedly entered the picture. His sudden appearance in Baguio turned my world upside down. I was prepared to avoid him at all costs, but fate had other plans. It seemed determi...