Chapter Nine

67 11 90
                                    

"MAGKAKARO'N na ng happy ending ang love story mo, girl!"

Iyan ang hyper na pambungad sa akin ni Reeth nang pagbuksan ko siya ng pinto. It was nine in the evening. Kadarating lang niya mula sa Mountain Province.

Parang ilang minuto pa lang nang sabihin niya sa aking nasa gate na siya ng Cypress Hills pero heto na ang gaga at nambubulabog na naman.

Ipinagpasalamat kong nakaakyat na sina Mommy sa kuwarto nila. Baka kung ano pa ang isipin nila kapag narinig ang pinagsasasabi ng siraulong kaibigan ko. I really had enough today. Iyong stress ko, ayaw ko nang dagdagan.

Kanina, halos mapuno ang inbox ko dahil sa walang katapusang text messages ni Caleb. Ano'ng laman? S'yempre mala-signal number four na kahanginan.

Ilang beses nitong pinuri ang sarili dahil pang-best actor daw ang acting sa harap ni Radd. Ngali-ngaling i-block ko ang ungas dahil sa mga kalokohan nito.

Si Radd naman nag-chat. It was the first time in seven long years. Nasa message request pa rin iyon hanggang ngayon. Hindi ko ni-reply-an kasi wala akong maisip na isagot. He was asking me about Caleb. Totoo raw bang fiancé ko ang ungas?

Gusto kong mapa-face palm kasi mukhang convincing ang acting ni Caleb. Napaniwala nito si Radd.

Or, he's just trying to reconnect with you. Kaya ano pang hinihintay mo? Gora na, 'te!

I brushed that thought aside. Ayaw kong simulan ang isang bagay na walang kasiguruhan.

"Kumusta ang first meeting n'yo? Nag-usap na ba kayo? Nanligaw na ba ulit?" halos makulili ang mga tainga ko dahil sa sunod-sunod na tanong ni Reeth.

"Umamin ka nga sa 'kin. May alam ka sa biglang pag-uwi ng pinsan mo, 'no?" balik tanong ko imbes na sagutin siya.

Ibinagsak ko ang katawan sa sofa at prenteng sumandal doon. Gano'n din ang ginawa ni Reeth, tumabi at dumikit pa sa gawi ko.

"Nope! Hindi ko nga madalas makausap 'yon, eh. Saka mabuti ring nag-decide siyang umuwi rito para maka-move on na agad. Nandito ka ba naman." Malapad ang ngisi ng gaga. "Pero ano nga? Nag-usap kayo?"

Hindi ako umimik. Nagbawi ako ng tingin at ibinaling ang atensiyon sa bukas na TV sa harapan. Hesitant akong idetalye sa babaeng ito ang naging encounter ko kay Radd two days ago. Baka gatungan na naman niya at sumakit na naman ang ulo ko.

Reeth had hoped we would get back together. Iyon ay sa kabila ng nalaman niyang ako ang nakipag-break sa pinsan niya. Wala akong itinago sa kaniya. I told her everything. Pero kahit minsan hindi niya ako sinisi o sinumbatan roon. She said she understood the situation.

Ngunit kahit ganoon, I didn't want to go through with this or even give it a chance. Matagal na panahon kong pilit na kinalimutan ang lahat. I never wanted to be weighed down by this confusion again. Lalo pa hindi ang mga ito ang inaasahan kong muling maramdaman.

"Eira, ano na? Wala talaga siyang sinabi sa 'yo? Hindi ka man lang kinumusta gano'n?"

"Kinumusta. He seemed... happy to see me as well." Humarap ako kay Reeth.

Napamulagat siya saka lalong lumawak ang ngisi. "Omo! Ibig sabihin 'di na siya galit sa 'yo, girl!" Napapalakpak pa ang gaga. "So, ano'ng na-feel mo? Do you want to give him a chance?"

"Reeth..." may warning sa boses ko.

"Ano?"

"As much as possible ayaw ko na sanang isipin ang mga 'yan. What we had seven years ago already ended. Hayaan na lang natin, okay?"

"Why?" Exaggerated na nag-pout si Reeth. "Pa'no na 'yong ship ko?"

"Stop mo na. Kasi dati pa man alam nating wala na talaga 'di ba? Saka mas mabuting hindi na kami ma-involve pa sa isa't isa."

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon