Chapter Two

126 14 136
                                    

SEVEN PM na pero tumatakbo pa rin sa isip ko ang sinabi ni Caleb kanina kahit pa ginawa ko nang lahat para i-distract ang sarili ko sa trabaho. I was struggling to regain my focus, and I was starting to despise it.

Hindi ko dapat hinahayaan ang sariling pagtuunan ito ng pansin dahil alam kong wala rin iyong maidudulot na mabuti sa akin. Pero ang pesteng puso at utak ko, ayaw makisama!

Frustrated na nagbuga ako ng hangin. Mayamaya, inalis ko ang suot na salamin at pinatay ang laptop. Ilang segundong tumitig lang ako sa bukas na bintana sa harap ko.

Hanggang sa hindi inaasahang tumigil ang mga mata ko sa malawak na second floor veranda ng two story American house na katapat ng kuwarto ko.

Ang veranda sa ikalawang palapag ng bahay na iyon ay isang napakagandang tanawin, lalo na sa ilalim ng liwanag ng lamppost na nasa tapat nito. Umaabot iyon sa buong lapad ng bahay at nag-aalok ng inviting at kaaya-ayang view mula sa labas.

Seven years ago, the place was far from resembling its current state. It was merely a modest, aged two-story house.

May malaking bitak ang sliding window sa second floor, tanda ng kalumaan at kapabayaan. Ang puting pintura nito ay kupas at marami sa bahaging gawa sa kahoy ang kinain ng anay. Ngunit nang mga panahong iyon ang parteng ito ng bahay ang pinakamaganda sa paningin ko.

Dahil sa tuwing nagbubukas ang bintanang iyon, I was always greeted by that warm and sweet smile-na lagi-lagi ay nagbibigay ng ibayong comfort sa akin. It felt like my own personal therapy dahil madalas nagagawang pagaanin nito ang loob ko kahit sa pinakamabigat na mga araw ng buhay ko.

Mapait akong napangiti. Now, that scene was fading from view, becoming a cherished part of these nostalgic memories of the past.

Napapikit ako nang pumasok ang malamig na panggabing hangin at banayad nitong haplusin ang mukha ko. Hinayaan ko ang sarili sa ganoong estado hanggang sa muli akong dumilat. Napangiti ako nang bahagyang gumaan ang pakiramdam ko.

Mula sa bintana, bumaling ang tingin ko sa cellphone ko nang tumunog ang notification tone nito. Kinuha ko iyon mula sa mesa at automatic na tumaas ang kilay ko nang makita ang message ni Reeth.

Shuta! Gigil ako ng dalawang 'to! ang chat niya na may nagmumura at crying emoji pa.

Kasabay nito ang picture ng pinsan niya at ang girlfriend nito. Kuha iyon sa isang resort habang sweet na magka-holding hands ang dalawa. They were happily-base sa malawak na ngiti nila-strolling by the white sand beach.

Naka-bikini si Gem at naka-board shorts naman si Radd. Doon ko rin na-realize na iyon siguro ang trigger kaya nagkaroon na public statement ang agencies nila.

Be happy for them, gaga! reply ko with matching annoyed emoji.

Na-seen agad iyon ni Reeth. Mayamaya may indicator nang nagta-type siya ng reply.

No!!! Walang magiging masaya!!!

Sa dami ng exclamation point sa message niya, hindi ko na kailangang isipin ang reaction ng gaga. Automatic na nag-flash sa utak ko ang halos gumulong nang si Reeth habang inis na inis.

Napapailing na lang na inilapag ko sa mesa ang phone at hindi na nag-reply pa.

Paano ko kalilimutan ang issue na ito kung hanggang sa mga oras na ito ay binubulabog ako ni Reeth? Saka kailan ba matatapos ang kabaliwan niyang ito?

Parang favorite past time na niyang asarin ako dahil madalas niyang i-flex sa harap ko ang latest update tungkol kay Radd. Kaya kahit hindi ko ugaling manuod ng news o magbasa ng post sa social media alam ko ang mga kaganapan tungkol sa pinsan niya.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon