Chapter Eleven

72 11 42
                                    

ALAM kong mayaman si Radd pero hindi ko inasahang malulula ako nang husto sa ganda ng home theater niya.

Matagal nang na-renovate ang bahay nila. Mula sa lumang dalawang palabag na gawa sa kahoy ay na-convert iyon bilang two-story house na American style ang design. Isa na ito ngayon sa pinakamagandang property sa buong Cypress Hills.

Lagi naman akong tambay roon dahil madalas ko ring puntahan si Reeth. Pero ito ang unang pagkakataong makikita ko ang entertainment room nito. Palibhasa ay hindi ako naliligaw sa second floor dahil ang kuwarto ni Reeth ay nasa first floor.

Radd's home theater was right next to a room I assumed was his. Pagkapasok namin, namangha ako sa lawak nito. If my guess was correct, it was twice the size of our living room.

Nilibot ko ng tingin ang paligid. The theater's color scheme created a cozy yet elegant ambiance because of the perfect combination of its dark gray and navy blue walls.

May textured wallpapers at acoustic panels din ito na nagsisilbing accent—na masasabi kong nakatulong upang mai-set ang overall cinematic vibe nito.

The lighting around it was dim, likely designed that way to create a comfortable, relaxing atmosphere—perfect for some Netflix and chill.

Lalong naging inviting ito nang mapansin ko ang pagkakaayos ng armchairs at ng mahabang sofa na naroon. They were all draped with soft blankets and pillows. Nasa harap ng mga ito ang highlight ng buong kwarto—a large high definition screen which was mounted against the dark wall. Sa baba ay maayos na nakalagay ang dalawang may katamtamang laking itim na speakers.

Mukhang malimit ding nalilinisan ang silid dahil hindi iyon amoy alikabok. Sa halip, nanuot sa ilong ang calming lavender scent ng mga kandilang naroon.

"So, what do you want to watch, Eira?" magaang tanong ni Radd na siyang pumutol sa tahimik na pagmamasid ko.

"Ikaw na ang bahalang pumili," tipid na sabi ko saka umupo sa mahabang sofa.

A deep sense of relaxation washed over me as I sank into the backrest. Kinuha ko ang malambot na unan sa tabi ko at niyakap iyon. Mukhang dadalawin pa yata ako ng antok dahil sa cozy ambiance ng silid.

"Napanuod mo na ba 'yong last installment ng Insidious?"

Umiling ako. "Hindi pa. Ayaw akong samahan ni Reeth sa sinehan."

Radd let out a soft chuckle. "Hinding-hindi mo talaga matatawag si Doreethy na manuod ng horror movies. She hates it, right? Saka naalala mo pa ba no'ng fourth year college tayo, pinagmumura niya tayo no'ng isinama natin siyang panuorin 'yong sequel ng Conjuring."

I burst out laughing when that particular scene came to mind. Birthday iyon ni Reeth at pinagplanuhan namin ni Radd na i-prank ito. Madalas kasi ay kami ang ginagawa nitong biktima kaya naisipan naming gantihan ang gaga.

"'Lakas pa ng iyak niya no'ng lumabas sa screen si Valak!" napapalatak na sabi ko.

Tumatawang nilingon ako ni Radd. "Yeah! Her reaction way back was really hilarious!"

"'Tapos ano pang ginagawa ni Reeeth, sinabuyan n'ya tayo ng..."

"Popcorn!" magkasabay at napahagalpak na bulalas namin.

Ilang sandaling pinuno ng tawanan ang buong paligid. Hanggang mayamaya'y, natagpuan ko na lang ang sariling nakatitig na lang kay Radd.

Unti-unting naglaho ang ngiti sa labi ko nang tumimo sa isip ko ang nangyayari sa pagitan namin. We happily reminisced about the past, talking as if those moments had just happened yesterday.

At habang minamasdan ko si Radd sa ganoong estado, hindi ko maiwasang makaramdam ng ibayong lungkot at pangungulila. Kailan ko ba huling narinig ang tawa niya? Ako... kailan ang huling pagkakataon na binalikan ko ang mga alaalang iyon na ganito kasaya?

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon