Chapter Four

101 14 85
                                    

A WEEK passed, and Tita Mary had undergone her scheduled operation. Nataon iyon kung kailan araw ng graduation namin ni Radd.

Hindi ko maiwasang malungkot dahil hindi niya nagawang umakyat ng stage kasama ko at i-receive ang award na alam kong labis niyang pinaghirapan.

Radd also graduated as Magna cum Laude. Pero dahil mas kailangan siya ng mama niya ngayon wala kaming nagawa kundi intindihin pareho ang sitwasyon.

Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Radd nag-decide siyang ibenta ang souvenir shop ng mama niya para sa medical expenses nito.

Nalaman din ng chancellor na si Mr. Vasquez ang nangyari kay Tita Mary kaya nagsagawa ang SBO ng donation drive para dito. Mr. Vasquez was our former professor at naging malapit ito kay Radd dahil madalas na siya ang contestant nito sa Math competitions na sinasalihan niya noong first year kami.

Matagal nang natapos ang graduation ceremony namin. Pagkatapos mag-lunch kasama nina Mommy nagpaalam akong pupuntahan si Radd sa hospital. Gusto pang magprotesta ni Daddy kanina, dahil dapat daw ay dumeretso ako sa review center.

Mabuti na lang at nakumbinsi siya ni Mommy na ibigay ang araw na ito sa akin bilang free day ko. After all, it was my college graduation.

Kaya bitbit ang cake, take-out food, at isang bouquet ng bulaklak, agad kong pinuntahan si Radd. I was not wearing my graduation outfit anymore dahil dumaan muna ako sa bahay saglit bago dumeretso sa hospital. I was in my usual comfy clothes—pink sweaters, maong pants and white chunky sneakers.

Dala ko rin ang graduation gift ko kay Radd na iaabot ko sana sa kaniya pagkatapos ng awarding kanina. It was a new pair of prescription glasses. I decided to buy him that kasi mukhang wala siyang balak i-give up ang luma niyang salamin.

"Kumusta na si Tita?" tanong ko habang pinapanuod siyang maganang nilalantakan ang dinala kong mga pagkain para sa kaniya. Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ng hospital.

"Successful ang operation n'ya, though, under observation pa siya sa ICU hanggang ngayon. Hopefully wala nang ga'nong complications para tuloy-tuloy na ang recovery niya."

Compared last week, mas magaan na ang bukas ng mukha ni Radd. Although, kapansin-pansin na nangayayat siya, probably dahil na rin sa puyat at stress.

"Mabuti naman kung gano'n. Sana nga gumaling na si Tita para mabawasan na ang mga inaalala mo. I know you've been enduring it for too long."

"Kung para kay Mama I'm much willing to sacrifice everything para sa kaniya, Eira. After all, siya ang kaisa-isang nagpalaki at nagtaguyod sa akin."

Matagal akong tumitig sa kaniya. Hinaplos ang puso ko sa nakitang labis na pagmamahal niya para sa ina. I knew this was never easy for Radd pero kitang-kita ko pa rin ang katatagan niya sa kabila ng pinagdadaanan.

Ito mismo ang hinahangaan ko sa kaniya—his ability to push through and move forward kahit pa halos lumpuhin na siya ng walang katapusang pagsubok sa buhay.

Kaya kahit madalas gusto ko na ring mag-give up dahil sa dami ng pasanin ko, hindi ko iyon magawa dahil kay Radd. Sa kaniya ako kumukuha ng lakas at inspirasyon para magpatuloy.

Ginagap ko ang kamay niyang nasa mesa at marahang pinisil iyon. Mayamaya malawak akong ngumiti.

"You did well, bebe ko."

Nabulunan si Radd at sunod-sunod na naubo sa sinabi ko. Natatawa namang iniabot ko sa kaniya ang bottled water sa tabi ko.

"Ano 'yong sinabi mo?" kunot-noong sabi niya nang makabawi. Seconds later, he chuckled softly.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon