Chapter One

152 16 123
                                    

EIRA VILLENA

──●◎●──

Baguio City, March 2024

"AY, SHUTA! Fake news 'yan! 'Di 'yan totoo!"

Sumaboy sa tiled floor ang supot ng nginangatang taro chips ni Reeth nang maihagis niya iyon. Halos lumuwa ang mga bilugang mata niya habang nakatitig sa screen ng fifty-inch smart TV sa harapan.

Mula sa pagbabasa ng research journal sa laptop, napapangiwing ibinaling ko sa kaniya ang tingin ko.

Napaka-OA ng reaksiyon ng gaga!

"Ano'ng fake news, eh, nasa national TV na nga! May duda ka pa ba sa credibility ni Mareng Iya sa pagbabalita, ha? Saka for sure hindi lang gawa-gawa 'yang dating scandal ng pinsan mo. Malamang may ala-ninjang paparazzi na nakahuli sa kanila kaya no choice at ginawa nang official," napapairap na litanya ko.

Ibinalik ko ang atensiyon sa pagkahaba-habang pdf file na kanina ko pa hindi maintindihan ang content dahil ginulo lang naman ako ng biglang pagwawala ni Reeth.

I was scrambling to finish the draft of that article because my boss had been hounding me for two days. Pero mukhang walang balak ang kaibigan kong hayaan akong magtrabaho nang tahimik.

Five PM nang simulan niya akong bulabugin. Lumipat siya kanina sa bahay para makipagkuwentuhan dahil alam niyang mag-isa lang ako. Kasalukuyan kasing nasa Manila sina Mommy at Daddy.

Ibinalik ko ang tingin kay Reeth. Nakahilata na sa sofa ang gaga, walang pakialam kahit sumabog sa mukha ang hazel brown na mahabang kulot na buhok. Salubong ang mga may katamtamang kapal na kilay niya habang nakasampay ang isang paa sa backrest ng sofa.

Mariin niyang kagat ang manipis na labi habang busy nang nag-ii-scroll sa phone. Parang naghahanap ng ligaw na article na susuporta sa claim na wala pa talagang jowa ang pinsan niya.

Napailing na lang ako.

Palibhasa hindi siya busy ngayon dahil tapos na ang construction ng fifteen floors condominium building na hinawakan niya sa engineering firm na pinapasukan. Hindi man halata-dahil mukha siyang maritess na tambay sa suot niyang parehas na itim na jogging pants at hoody jacket-pero Project Engineer si Reeth at madalas ay abala sa site visits niya.

Nagtataka talaga ako na may oras pa siyang mag-rant nang husto sa love life ng kung sino.

Correction, Eira. Hindi lang kung sino si Radd Cordova!

Naningkit ang mga mata ko sa sinabing iyon ng kontrabidang bahagi ng isip ko.

Si Doreethy Cordova o "Reeth" para sa aking best friend niya ay pinsan ng top star na si Radd Cordova-ang subject ng bangayan namin kanina. I'd been acquainted with them for nearly thirteen years.

Pero si Reeth ang nanatiling kaibigan ko sa kanilang magpinsan. Habang si Radd...

May masakit na isiping saglit na dumaan sa utak ko ngunit agad ko iyong pinalis.

Whatever! Wala na akong pakialam. Gusto ko lang bigyan ako ng peace of mind ng gagang ito. Nataon pa naman na hell week ko ngayon sa trabaho dahil dagsaan ang demands sa company na pinapasukan ko.

I'm Eira Villena, a senior copywriter at EcoWave Innovations, an international company specializing in sustainable and eco-friendly technology solutions.

Paggawa ng blog posts na mostly ay tungkol sa updates at newest trends na meron sa EcoWave ang madalas na trabahong naka-assign sa akin. Sometimes I was also in charge in developing social media campaigns, na para naman sa promotion ng mga bagong produkto ng kompanya.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon