Chapter Fourteen

57 10 62
                                    

"EIRA, open your window!" masiglang bungad ni Radd sa kabilang linya nang sagutin ko ang tawag niya.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at lumapit sa tapat ng work table ko. Binuksan ko ang sliding window. Tumambad sa 'kin ang nakangiti at kumakaway na bulto niya habang nakatayo sa katapat na veranda.

It was six in the evening at bahagya nang inaagaw ng dilim ang natitirang liwanag sa paligid. Maghapon ko siyang hindi nakita dahil naging abala siya sa pag-aasikaso ng itinatayong bagong bahay niya.

After we acknowledged our feelings for each other a week ago, we became inseparable. We savored every moment, spending our days together. Sa mga araw na kasama ko si Radd, para akong bumalik sa mga tagpo noong college kami.

He was still the same Radd I fell in love with seven years ago. At sobra akong nagiging emosyonal sa tuwing tumitimo sa isip ko ang katotohanang magkasama na ulit kami pagkalipas ng napakaraming taong pagkakalayo. I realized I was deeply in love with him. Kinompleto ng presence niya ang malaking puwang na kaniyang iniwan sa puso ko.

"Lipat ka rito sa bahay?"

"Na-miss mo 'ko?" tudyo ko.

"Terribly!" Humalakhak siya.

Lumapad ang ngiti ko sa sinabi niya. "Sige, hintayin mo 'ko d'yan."

Ibinaba ko ang tawag saka nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Nagpaalam lang ako saglit kay Daddy na lilipat sa kabila nang maabutan ko siya sa sala.

"Magdi-dinner na, hija."

"Mauna na po kayo ni Mom, Dad. Baka kina Radd na po 'ko kakain," malapad pa rin ang ngising sabi ko.

Mahinang natawa si Dad. "Sinusulit n'yo talaga ang araw na magkasama, ano? Sige, hindi na kami magrereklamo ng mommy mo."

Matapos sabihin iyon ni Daddy, dagli na akong lumabas ng bahay. Nasa harap na ako ng gate nang madatnan kong nakatayo roon si Radd. Agad niya akong hinila palapit sa kaniya at ikinulong sa isang mahigpit na yakap nang makalapit ako.

"Dapat sumama ka na lang sa 'kin kanina. I missed being with you," sabi niya habang nasa mga bisig pa rin ako. Sa higpit ng pagkakayapos niya sa akin, para bang ayaw niya akong pakawalan.

"Na-miss din kita. Pero mas mabuti 'to kasi baka asarin na naman tayo ni Reeth. Lakas pa namang mang-trip no'n." Kumalas ako sa yakap niya saka pinakatitigan siya. "Speaking, nasa bahay ba 'yong pinsan mo?"

Umiling si Radd. "Naiwan sa Helix. May kailangan pa raw silang tapusin doon."

"Sure ako, panay na naman ang rant no'n. Saturday ngayon, eh."

Natawa siya. "She had been cursing Caleb to the core." Mayamaya inakay na ako ni Radd papasok ng gate nila. Ginagap niya ang kamay ko at hinawakan iyon. Napangiti ako nang maramdaman ang pamilyar na init ng palad niya sa balat ko. "I really don't like her boss. He doesn't seem nice."

Ako naman ang pumalatak sa sinabi niya. "Number one hater siya ni Caleb, eh. Pero mabait naman 'yong ungas na 'yon. Well, sometimes... madalas siraulo."

"It looks like he's interested in you, Eira." Saglit na bumaling sa 'kin si Radd, may glint na ng annoyance ang singkit na mga mata. He wasn't wearing his glasses kaya malinaw kong nakikita iyon.

"Naku, 'wag mo na lang seryosohin. Wala lang talagang magawang matino ang isang 'yon."

"Tell him to stop calling you, 'My labs' then. Ang pangit pakinggan. Parang endearment ang dating sa akin," hindi na maipinta ang mukhang saad niya.

Lalo akong lumapit at nagsumiksik sa tagiliran niya habang magkaagapay naming tintalunton ang sementadong path walk sa malawak na garden nila.

"Nagseselos ba ang bebe ko?"

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon