Chapter Eight

52 11 59
                                    

UMUULAN, nasambit ko sa isip nang salubungin ako ng marahas na patak nito pagbukas ko sa pinto ng convenience store.

It was four in the afternoon at lumabas ako saglit para bumili ng snacks at mag-unwind na rin. It was my simple way of distressing and celebrating my win. Kaka-send ko lang ng huling article na hinihingi sa akin ng boss ko. Bukas ay simula na ng tatlong linggong bakasyon ko.

Saglit na nagdalawang isip ako kung dapat ko bang suungin iyon kahit wala akong payong o hihintayin ko na lang tumila. Ngunit mabilis na nagbago ang isip ko nang umihip ang malakas at parang nagyeyelo sa lamig na hangin.

Hinaplos nito ang balat ko and instantly sent shivers to my spine. Dahil doon inayos ko ang suot na beanie at jacket saka niyakap ang sarili.

Sayang at ubos na ang tindang payong sa convenience store. Ngayon ko nahiling na sana nagdala na lang ako kanina. Bakit ba kasi hindi ko iyon naalala? Ang unpredictable pa naman ng weather ngayon.

Walang choice na naupo ako sa bakanteng silyang nasa labas at nagpasyang hintayin na tumigil ang ulan.

May ilang minuto na ako roon nang dumaan sa harap ako ang dalawang estudyante. Babae at lalaki-na mukhang nasa high school dahil sa suot ng mga itong pamilyar na uniform mula sa Brentwood University. Magkasukob sila sa ilalim ng dilaw na payong.

Kahit nababasa na ang dalawa, hindi nila iyon alintana. Instead, enjoy na enjoy pa nga ang mga itong nagsi-share sa payong dahil nakapaskil sa mga mukha ang malalapad na ngiti. The girl giggled softly as the guy, who was the one holding the umbrella, gazed at her with a tender smile.

Mayamaya nakita ko na lang ang sariling pinapanuod sa isip ang pamilyar na eksenang iyon. I was wearing my school uniform and sharing an umbrella with Rad...

Nababasa kami ng malamig na ulan pero hindi namin pansin dahil kapwa kami natatawa sa sitwasyon. Hanggang sa lalo niya akong ilapit sa tabi niya at marahang inakbayan.

A wave of warmth and comfort washed over me, making me smile instinctively. He returned the smile with equal softness, his eyes reflecting affection as he looked at me...

Ilang sandali pa, naninikip na nang husto ang dibdib ko. Sa huli, sakit at pangungulila ang hatid ng pamilyar na senaryong iyon. Ngunit kahit gano'n pa man wala rin akong magagawa. Tapos na at hindi na rin puwedeng ibalik pa.

O, 'di inamin mo ring apektado ka pa rin? Nasa'n na 'yong paglimot at pagtakas na sinasabi mo? Wala, 'te, 'di mo magawa!

Para akong sinampal sa litaniyang iyon ng alter ego ko. I always hated the thought na lagi nitong pino-point out ang mga pagkakamali ko, pero lately, madalas akong nag-a-agree sa mga pambabara nito.

Tama ito, I was still deeply affected. Kahapon, imbes na lumabas ako at makipagkumustahan kay Radd-katulad ng gusto niyang mangyari-ay mas pinili kong magkulong sa kuwarto at mag-stay roon hanggang sa makaalis siya.

I knew it was unfair to treat him that way, but I couldn't control myself. Aaminin kong hindi kailanman naglaho ang pagtinging meron ako sa kaniya. Patuloy itong nananahan sa puso at isip ko at naghihintay ng tamang pagkakataon para muling umusbong.

Na nangyari na nga ngayon...

Kasi kung totoong wala na nga akong nararamdaman kay Radd, hindi dapat indifference ang hatid ng muling pagbabalik niya.

His mere presence shouldn't cause discomfort. Above all, I should offer him the same treatment he consistently shows me.

But in reality, it was quite the opposite. The thought of him approaching and talking to me made me uncomfortable. Lagi ay para akong nasu-suffocate sa presence niya. I was also anxious, worried that he might read my emotions.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon