"MY LABS?"
Si Caleb ang bumungad sa akin nang mag-angat ako ng mukha. Paakyat na ako ng porch nang iluwa siya ng front door.
Lumabas ako saglit kanina dahil tumawag si Miss Lim. Ibinalita nito sa akin na inaayos na ang endorsement offer para kay Radd. Approval na lang daw ng agency ang kulang. Nakabakasyon pa raw kasi kaya hindi makausap ng manager. Hindi ko na lang sinabi na nasa birthday celebration ko siya to be exact.
May ilang minuto rin kaming nag-usap ng boss ko. Miss Lim wished me a happy birthday before ending the call. Ibinulsa ko ang mga kamay sa loob ng suot kong jacket nang umihip ang malamig na hangin. Nagmadali akong lumapit kay Caleb.
"Uuwi ka na?" curious na tanong ko nang maglakad siya palapit sa gawi ko.
"Hindi pa," kaswal na sagot niya saka tumigil sa harap ko.
Nanatiling nakatingala ako sa kaniya. "Mag-stay ka pa ba rito sa labas? Mauuna na akong pumasok, ha? Maginaw, eh."
Akma ko na siyang lalampasan nang hagipin niya ang braso ko. Kunot-noong bumaling ako sa kaniya.
"Can we talk?" for the first time narinig kong seryosong tanong niya.
Dahil doon lalong nagsalubong ang mga kilay ko. "Bakit? Naku, Caleb, ah. Kung pagti-tripan mo lang ulit ako, 'wag na lang. Giniginaw na 'ko, ayaw kong sipunin."
"This will just take a moment, Eira."
Nakumbinse akong importante nga ang sasabihin niya kasi tinawag na niya ako sa pangalan ko. Hindi niya iyon madalas gawin. Lagi ay dinudugtungan niya ito ng "my labs".
Mahina akong nagbuga ako ng hangin. Ilang sandali pa, kusa akong sumama sa kaniya nang akayin niya ako patungo sa wooden swing bench na nasa gitna ng garden. Nakakabit iyon sa matandang puno ng narra. Malimit ko itong gawing tambayan, lalo na kapag gusto kong mag-relax mula sa maghapong pagbababad sa trabaho.
Umupo ako sa bench, at naramdaman ko agad ang lamig ng kahoy sa ilalim ko. Tahimik na umindayog ang swing habang nakahawak ako sa mga gilid nito. Hindi nagtagal tumabi si Caleb sa akin.
Ilang segundong wala kaming imikan. Pareho lang kaming nakatitig sa mga maniningning na bituin sa kalangitan na tila kay lapit mula sa kinaroroonan namin.
"Can you take a chance on me, Eira?"
Agad akong lumingon sa tanong na iyon ni Caleb nang sa wakas ay basagin niya ang katahimikan sa pagitan namin.
Matagal akong tumitig sa seryosong mukha niya. Hinintay kong sabihin niyang joke lang iyon—katulad ng madalas niyang gawin kapag magkasama kami. Pero hindi niya ginawa. Sa halip ay nanatiling matamaan ang tingin ng mga mata niya. Ako naman ay hindi alam ang gagawin o ang dapat na maging reaksiyon. This came as a surprise.
Mayamaya mahina siyang tumawa. "I guess masyado kang nasanay sa mga pang-aasar ko. It doesn't seem like you were taking it seriously."
Tumaas ang kilay ko saka napailing sa sinabi niya. "Tell me, you're just kidding."
"Sadly, hindi 'to joke, my labs. I really want you to take a chance on me instead of choosing Radd."
"Bakit?"
"Kasi gustong-gusto kita, Eira," matapat na saad niya. "I've liked you ever since I saw you crying in front of that convenience store five years ago. Alam kong siraulo ako, pero matagal ko nang hinihiling na sana mabaling din sa 'kin ang pagtingin mo."
Hindi ako umimik. May parte kong ayaw paniwalaan ang sinasabi niya. Pero ang determinasyon sa mga mata niya ang nagsasabi sa aking wala siyang balak pasubalian ang mga salitang lumabas sa bibig niya.
BINABASA MO ANG
Still You
RomanceI was living an ordinary, uneventful life when top star Radd Cordova unexpectedly entered the picture. His sudden appearance in Baguio turned my world upside down. I was prepared to avoid him at all costs, but fate had other plans. It seemed determi...