Chapter Six

65 13 88
                                    

Baguio City, June 2024

"BESHY, look!"

Halos mabingi ako sa pagdagundong ng boses ni Reeth. Nasa kuwarto ako nang mga sandaling iyon at gano'n na lang ang gulat ko nang biglang bumukas ang pinto at iluwa niyon ang nagtititiling kaibigan ko.

"Ano na naman ba?" Napapairap na inikot ko ang swivel chair paharap sa kaniya.

I was busy writing my final draft na ipapasa ko sa office bukas pero heto ang babaeng ito at binubulabog ako.

"Basa!"

Itinapat niya ang screen ng bagong biling iPhone 15 pro max sa mukha ko. Naduling ako for a moment dahil sobrang lapit niyon kaya inilayo ko ang gadget nang kaunti mula sa mga mata ko.

Seconds later, sobra na ang pagkakatikwas ng isang kilay ko dahil gets ko na ang context ng article na pinabasa niya. Radd Cordova and Gem Gonzales just confirmed their breakup. Pero hindi ko ma-gets bakit kailangan pang i-broadcast iyon ni Reeth sa harap ko. Gaga talaga!

Aminin mo,'te, natuwa ka rin naman 'di ba?

Halos murahin ko ang lintik na bahaging iyon ng isip ko sa sinabi nito. At bakit ako matutuwa? Ano ba ang pake ko sa love life ng dalawang iyon?

"O, masaya ka na n'yan?"

"Super! Sabi ko sa 'yo 'di ba? Magbi-break din sila. Sheesh! Pampasuwerte talaga ang immaculate abs ni bebe Wonwoo ko!"

Napangiwi ako sa sinabi niya. Pati walang kamalay-malay na K-Pop idol dinadamay niya sa kalokohan niya. Siraulo talaga!

"Alam mo, ang sama mo rin, 'no? Hindi ka na naawa sa pinsan mo. Brokenhearted na nga tuwang-tuwa ka pa." Napapalatak na pinihit ko ang upuan at binalikan ang ginagawa kong article sa laptop.

Wow, 'te! Concern 'yarn?

Of course, not! Iyon lang naman dapat ang normal na reaction ng isang mabuting mamamayang gaya ko.

"Mismo! Kahit minsan 'di naman ako boto sa love team nila. Kasi alam natin pareho kung sino'ng bet ko para kay Radd." Lumapit si Reeth at malakas akong tinapik sa balikat. "Congratulations, bes! Lalayag na ulit ang ship natin!"

I annoyingly rolled my eyes at her remark. "Ship mo lang, gaga! 'Wag mo 'kong dinadamay d'yan."

"Ah, basta! Kapag sinabi kong lalayag 'yan, lalayag talaga!"

"At paano naman? As if magkakaroon ng himala at biglang sumulpot 'yong top star na pinsan mo rito."

Uy, expectant ka, 'te?

Gusto kong sumigaw dahil sa labis na frustration sa sinabing iyon ng atribidang alter ego ko. Paladesisyon talaga kahit kailan!

"Well, 'di mo sure, bes. Malay mo bukas nandito na 'yon."

"Sige lang, Reeth. Sa fully booked na schedule ng pinsan mo, possible ngang mapadpad kahit anino niya rito. Good luck d'yan, ha? Fighting!" Itinaas ko pa ang dalawang kamao para kunwari suportahan siya.

Tawa lang ang response ng loka-loka sa akin. Mayamaya ibinagsak niya ang katawan sa kama ko. Naningkit ang mga mata ko. Mukhang hindi ko na naman matatapos ang trabaho dahil nandito na naman siya para guluhin ang pananahimik ko.

Saka idol ko na talaga si Reeth sa galing niyang mamili ng priorities sa buhay. Parehas kaming busy ngayon pero heto siya at inuuna ang chismis tungkol sa pinsan niya imbes na tapusin ang trabaho sa firm ni Caleb.

Hindi na talaga ako magtataka kung bukas, eh, panay na naman ang reklamo niya kasi tambak na naman ang messages ng ungas sa kaniya.

"Tawagan ko kaya si Radd, 'no? Kunwari dadamayan ko pero ang totoo sasagap lang ako ng chismis." Nadedemonyong humalakhak si Reeth habang panay ang dutdot sa screen ng cellphone.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon