Pagdinig sa Hiyaw ng mga Kalara

3 0 0
                                    

Sagisag panulat: ADIII

Bilang isang batang ako, kakambal nito ang walang sawang pag-libang sa aking katawang lupa na tila walang ibang iniintindi kundi ang maisakatuparan lamang ang paglalaro sa kalye o bahay-bahay kasama ang aking mga kaibigan. Sa kabila nito ay nakakaunawa at nakaka-intindi na ako sa mga bagay-bagay na nangyayari sa aking paligid noon. Narito na ang tungkulin at responsibilidad ng aking Ina at Ama sa bahay. Ang aking ina ay mas tutok sa mga gawaing bahay at sa pag-aalaga sa aming tatlong magkakapatid, ako lamang ang gitnang nag-iisang babae, at ang aking ama naman ay abala sa pagpapagal bilang truck driver. Hindi lang sa aking pamilya ang nakikitaan ko ng ganitong parehong tungkulin kundi sa iba ring pamilya.

Ng maging elementarya ako lagi ko pa ring napapansin na tanging ina ko lamang ang naglilinis ng bahay, may minsa'y pa nga gusto ko tumulong ng paghuhugas ng pinggan pero ang sabi ng aking ina,

"Saka na maghugas ng pinggan kapag malaki-laki ka na." pagpapa-intindi niya.

"Bakit hindi pa ngayon mama, kaya ko naman." naglulungkot-lungkotang aking sinambit. Hindi ko na lamang pinilit noon at baka lalo lang ako mapagalitan.

Hindi ko rin naman pala alam na kapag laki ko ay mananawa na rin ako maghugas ng pinggan, akala ko'y masaya, sa una lang pala.

Balik tayo sa aking alaala noong elementarya.

Sa aking hinuha parang ako ang napapagod para sa aking ina dahil sa kadakilaang sakripisyo sa amin, pagpapakain samin, linis doon linis dito, tiga-ligpit ng aming mga kalat sa tuwing kami'y nagkakagulong tatlo sa aming kanya-kanyang paglalaro. Pagkatapos ay mag-aasikaso pa ng lulutuing pagkain para maihain sa kanyang asawa na galing sa trabaho. Sa kabila noon ang pagbibigay ng budget sa aking ina ng aking ama ay kulang pa rin. Halos dinaig pa ng aking ina na may sampung anak dahil sa kapaguran, ni mabigyan lamang ng budyet para makapag-relax at time sa sarili ay walang natatanggap ang aking ina, kahit pakunswelo man lang ng aking ama o pagkalugod sa sakripisyo ng pag-aalaga sa amin ay wala. Hindi naman sa ina ko lamang ang aking iniisip bagkus ako'y lubhang nagpapa-salamat din sa sakripisyo ng aking Ama. Mahirap naman din ang trabaho nila bilang isang magulang, ang aking ama ay anim na oras na nagtratrabaho tapos uuwi at magpapahinga na at ang aking ina naman ay tila walang tigil sa paggalaw. Kung mayroon man ay hindi ko laging nakikita.

Hanggang sa ako'y nagdalaga, bitbit ko pa rin ang kinalakihang iisa lang ang responsibilidad ng isang babae at ito ang magdalang tao at manatili sa bahay, samantalang ang lalaki naman ang magtratrabaho upang maibigay ang pinansyal na pangangailangan ng pamilya. Iniisip ko kung ito rin ba ang kalalagyan ko? Meron pang bagay na aming napag-uusapan sa pamilya na labis kong ikinadismaya pero may parte sa aking isipan na ganoon din ang ipinamulat sakanila, kung kaya't ito rin ang naisip nila na pamamaraan kung paano kami palalakihin.

"Ma, gagala ako bukas kasama mga tropa ko." nakangiti kong paalam.

"Lorie, tumigil ka, dito ka lang dapat sa bahay, dapat inuuna mo mga gawaing bahay kaysa lumabas-labas ka" masungit na sagot ng aking ina.

Nainis ako dahil alam ko ang ibig sabihin non, na gusto niyang sanayin ko ang aking sarili sa gawaing bahay kahit marunong naman ako, at iba nga ang labas nito sa akin.

"Bakit kapag ako, limitado lang dapat ang paglabas ko? Bakit si Kuya Emil at Harry ay malayang nakakalabas sa kung kailan nila gusto na wala akong naririnig na inis mula sa inyo ng Ama?" tanong ko na may hilatsa sa mukhang nagugulumihanang may inis.

"Dahil lalaki naman sila, dapat na sa labas sila at ikaw, dapat ikaw dito ang nagbabantay." diretsang sagot ng aking ama.

Mayroon ding nasasambit ang aking ama na, "Paglalaba at paghuhugas? Hindi gawain ng lalaki 'yan, kayo dapat na mga babae ang gumagawa niyan!"

Maikling KwentoWhere stories live. Discover now