ANG NAKATAGONG PAGKATAO

3 0 0
                                    

Sagisag panulat:  AMETHYST WINTER

Ayan na naman siya. Naglalakad kasama niya. Ang saya-saya niya. Ang ganda pagmasdan ng mga ngiti niya.

Ako? ito, pinapanuod ang mga ngiting malabong ako ang magiging rason. Malabong umamin sa totoong rason.

"Hi, Amy!" masiglang bati niya sa akin ng makita niya ko.

Sinuklian ko naman ang ngiting kanyang iginawad bago sumagot ng "Hello".

Ganon na rin ang ginawa ko sa kanyang kasama. Binati ko ito ng nakangiti rin ngunit siya naman itong napakalamig ng sagot sa akin. Walang ekspresyon ang mukha at tanging tinignan lang ako bago nagsalita ng "Hi" sabay tingin sa kanyang kanan.

Matapos ang saglit na batian namin at nang mga kasama namin ay nagkwentuhan kami. Minsan ay tungkol sa pag-aaral ang usapan hanggang sa nagiging chismisan na ito.

Pasulyap-sulyap ako sa kanya. Lalo na tuwing tumatawa siya. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Ngumingiti ang mga labi ng 'di namamalayan.

Ganito lagi ang sitwasyon. Lalo na tuwing nasa tambayan kami. Sa tambayang aming pinagawa sa may likod ng bahay nila Alec, isa sa mga kaibigan namin. Simula kasi ng kami ay magkakila-kilalala sa elementarya, hanggang ngayong nasa kolehiyo, hindi nawala ang koneksyon naming pitong magkakaibigan.

Oo. Kaibigan ko ang taong mahal ko. Hindi ito alam ng ibang kaibigan ko. Maliban na lamang kay Kylie. Isa sa mga babaeng kaibigan namin at tanging nakakaalam sa taong gusto ko.

Siya ang napagsasabihan ko kapag hindi ko na kaya ang kilig, sakit, selos, at iba pa. Pati na rin ang problema sa bahay, siya ang natatakbuhan ko at napagkukwentuhan.

Kahit iba-iba na ang pinapasukan namin, maliban sa taong mahal ko na kasing unibersidad ko at kay Kylie, ngunit magkakaiba kami ng kursong kinuha. Nabibigyan pa rin namin ng oras ang bawat isa.

Noong nalaman ko na parehas kami ng unibersidad ay 'di na mapakali ang aking nararamdaman at buong gabing ikinuwento kay Kylie ang aking nalaman. Kahit ilang taon na ang lumilipas ay tila hindi nababawasan ang paghangang tinatago ko para sa kanya. Sawang-sawa na nga itong si Kylie sa akin dahil halos lahat ng usapan namin ay laging kasama ang pangalan ni gusto ko.

Minsan nga ay nainis na lang ata sa akin si Kylie dahil hindi ako tumitigil sa pagkukwento sa taong gusto ko. Nangyari ito noong nakitulog ako sa kanila dahil may tinapos akong assignment at kailangan ng internet.

"Nakita ko na naman siya kanina teh," masayang ani ko kay Kylie.

"Oh? tapos?" walang ganang sagot nito.

"Pero kasama na naman niya yung masungit na babae," nakabusangot kong sagot na tila nagsusumbong. "Nililigawan niya na ata yun," dagdag ko pa.

"Ang kulit mo kasi." ani ni Kylie na naiinis na. "Matagal ko ng sinasabi na tigilan mo na siya at iba na lang pero ayaw mo makinig," pangangaral niya sa akin. "Ayan, nasasaktan ka na naman dahil sa kanya," dagdag niya pa.

"Hindi ko naman kasi kayang magmahal or maghanap ng iba tulad ng sinasabi mo," paiyak na saad ko. "Gustong-gusto ko kasi talaga siya."

"Bakit kasi ayaw mong aminin na 'yang nararamdaman mo?" malumanay na tanong nito dahil umiiyak na naman ako. "Tahan na. Sorry kung nasigawan kita," dagdag niya pa at niyakap ako.

"Alam mo ang magyayari kapag umamin ako." malungkot kong saad habang iniisip ang mangyayayri kapag sinunod ko ang sinabi niyang pag-amin at nakayakap na rin sa kanya. "Siguradong masisira ang pagkakaibigan natin kapag umamin ako. At yun yung pinakaayaw ko sa lahat."

"Kaya mas gugustuhin mo na lang masaktan ng patago at itago 'yang nararamdaman mo para sa kanya," nakunot ang noong saad nito sa akin. Nakayakap pa rin kami sa isa't isa ngunit ngayon ay nakatingin ako pataas sa kanya.

Maikling KwentoWhere stories live. Discover now