Hating Kapatid

11 0 0
                                    

Sagisag panulat: The Self-Loathing Poet

Amoy ng pulbura mula sa mga baril, dinig ang putukang animoy naging tugtugin sa bayan. Katakot-takot ang naganap sa probinsiya ng Zamboanga Del Sur. Nakakapanindig balahibo ang bawat sulok ng bayang ito. Aakalaing multo na lang ang pawang naninirahan dito.

Ngunit sa isang liblib na lugar naroon ang magkapatid na sina Miko, 10 taong gulang, at Eren, 8 taong. Katabi ang bangkay ng kanilang ama't ina na napaslang ng mga teroristang sumalakay sa kanilang bayan.

"Takbo mga anak! 'Wag kayong titigil..." huling salita na namutawi sa bibig ng kanilang duguang ama. Bago ito tuluyang bawian ng buhay ay iniabot niya ang papel na naglaaman ng tirahan ng kanilang tiyahin sa Dipolog.

"Takbo mga anak!"

"'Wag kayong titigil."

Mga salitang sa isip ng dalawa naglalaro. Sa pagtakbo, bitbit nila ang hinagpis ng pagkawala ng kanilang mga magulang.

"Miko, tumabi na muna tayo at magpahinga." Bulong ni Eren.

Sa kanilang pagpapahinga kuloskos ng mga sasakyan ang kanilang nadinig, dahan-dahang sinilip ni Miko ang upang matiyak na hindi ito ang mga pumaslang sa kanilang magulang. Nang masiguradong militar ang mga ito agad pinabangon ni Miko ang kanyang kapatid at humingi ng saklolo.

Pagsakay sa isang sasakyan ay bumungad sa magkapatid ang isang lalaking puno ng talahib sa katawan, tanda ng pagtatago nito sa mga manunugis na terorista.

Pawang ugong lang ng mga sasakyan ang madidinig gawa ng lubak na mga daan.

Patungo ang pulutong ng sasakyan sa siyudad, kung saan madadaan ang Dipolog, ang bilin na lugar sa magkapatid. 'Di alintana ng magkapatid ang gutom mula sa pagtakbo ng mga ito. Tubig na galing sa sundalong kumupkop sa kanila ang naging panawid uhaw ng dalawa.

"Manong saan ka pupunta?" tanong ni Eren sa gusgusing lalaking katabi nila. "Kahit saan... basta malayo sa impyernong 'to." Agad na yumuko ang bata tanda ng pagkatakot nito.

Bang...bang...bang

Sunod-sunod na putukan ang sumalubong sa sinasakyan ng magkapatid.

Eren? Eren? Eren!!!

Sa pagkakataong iyon ay nawalan na rin ng malay si Miko gawa ng tirgas galing sa mga humarang sa kanila.

Miko? Miko!

Tawag ni Eren habang niyugyog ang kapatid.

"Dok, kumusta na po ang kapatid ko?"

Tanong ng bata.

"Ijo, kaylangan ng kapatid mo ng baga, sa dami ng nalanghap niyang tirgas ay uti-unti nang namamatay ang mga baga niya." Tugon ng doktor.

"Pero dok...mahirap lang po kami, at wala na ang mga magulang namin, pa...papaano naman po kami makakahanap ng magdodonate sa kapatid ko ng baga?"

Maluha-luhang wika ni Eren.

Haplos at tanging yakap lamang ang naging tugon ng doktor sa kaawa-awang bata...

...

"Nasaan ako? Na...nasaan ang kapatid ko?!" Ano ba 'tong mga nakalagay sakin, 'bat tinitignan mo lang ako?

"Nasaan ang kapatid ko? Eren!!! Eren!!!"

"Dok, yung batang galing Zamboanga, gising na po siya."

Agad sinaksakan ng nars ng pampakalma si Miko.

"Nasaan ang kapatid ko..."

Ang tanging salitang namutawi sa bibig ng kaawa-awang bata.

...

"Miko, gising!"

"Miko!"

"Eren?"

Agad niyakap nang napakahigpit ni Miko ang kapatid.

"Nag-aalala ako sa'yo. Saan ka ba nagpunta?"

"Miko, mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita, Eren"

Kasabay ng pagpatak ng luha ni Miko ay biglaang tumakbo si Eren.

"Eren, saan ka pupunta?"

"Miko, 'wag titigil sa pagtakbo ha. Ipangako mo sa 'kin na kahit anong mangyari aalagaan mo sarili mo."

"'Bat ka nagsasalita ng ganyan, Eren?"

Unti-unti naglaho sa usok ang kanyang kapatid.

"Eren, nasaan ka na?"

"Ako at ikaw ay iisa na, Miko."

Bulong ng isang hanging tila boses ng isang bata.

...

"Buti naman at gising ka na, ijo."

Bati ng doktor kay Miko.

"Nasaan ang kapatid ko, dok?"

Tanong ni Miko.

"Miko, ijo... napakatapang ng katapid mo, handa siyang magparaya kahit kapalit no'n ay buhay na niya."

Unti-unting namuo ang luha sa mata ng bata.

"Miko, patawarin mo kami ngunit patay na ang kapatid mo."

Gumuho ang mundo ni Miko ng marinig ang malungkot na balita.

"Hindi totoo 'yan! Nagsisinungaling ka! Eren!! Eren!!!"

"Ito ijo, ibinigay ng kapatid mo ang baga niya upang mabuhay ka."

Lalong bumagsak ang luha ni Miko habang ito'y tulala at di makapaniwala sa sinabi ng doktor.

"Nakikiramay ako, ijo."

Walang nagawa si Miko kung hindi bumalik sa paghiga habang yakap-yakap ang tanging alaala niya sa kapatid. Ang huling damit na sinuot ni Eren bago nito ibigay sa kapatid ang kanyang sariling baga.

"Eren, mahal na mahal kita..."

Makalipas ang ilang oras ay dumating ang tiyahin ni Miko.

"Tiya wala na si Eren, pati ang inay at ang itay..."

"Naadito na kami ng tiyo mo, Miko. Hindi ka namin pababayaan."

Lalong humigpit ang yakap ni Miko sa tiyahin, damang dama ni Miko ang init na alam niyang hindi na niya madarama sa pinakamamahal niyang pamilya...

Maikling KwentoWhere stories live. Discover now