NASIRANG PAMILYA

5 0 0
                                    

Sagisag panulat: Regarder

Ang pamilya na puno ng pagmamahal at sakripisyo na....... Naging isang masamang bangungot ng dahil sa pang sariling kasakiman.

Sa isang handaan sa lugar ng silang naandon si Doc kasama ang kanyang mga kaibigan. Sila ay nagkakasiyahan ng biglang dumating ang hipag na lalaki ni Doc at may kasamang babae. Ito ay si May agad pinakilala ng hipag si May sa mga kaibigan ni Doc at sa kanya. Una hindi pinapansin ni Doc si May ngunit kinakanchawan ito ng kanyang hipag na pansinin ito. Kaya napilitan itong pansinin. At habang tumatagal nagkakamubutihan ang dalawa hanggng sa magkapalitan na ng numero sa kanya kanyang mga cellphone. Sinabi ng kaibigan ni Doc sa kanya na ligawan na si May at pag sinagot ito mas mainam.

Si Doc ay isang maginoong lalaki na may itsura,may respeto, nasa maayos na pamilya at siya ay pang pito sa magkakapatid. Si May naman ay may itsura,mabait at siya ang panganay sa kanilang tatlong magkakapatid. Lumipas ang ilang araw at habang tumatagal silang dalawa ay lumalalim na ang pagsasama. Kaya naisipan ni Doc na ituloy ang kanyang panliligaw dito. Niligawan ni Doc si May ng mahigit ilang taon. Kaya naisipan na din sagutin ni May ito dahil nakitaan nya ito ng tunay na pagmamahal at may respeto sa pamilya at babae.

Dumating yung araw na ipinakilala ni May si Doc sa kanyang pamilya.... Ganun din si Doc ipinakilala nya si May sa pamilya bilang kanyang kasintahan. Habang sila ay magkasintahan masaya ang kanilang pagsasama. Lumilipas ang ilang araw at nagkita ulit silang tatlo at doon nag salita ang hipag ni Doc na pakasalan na si May agad agad at matagal na naman itong nag sasama. Pinangunahan ng hipag ni Doc ito at kinanchawan ang magulang ni Doc na ipakasal na ang dalawa pati sa pamilya ni May nasabi narin. Na kanchawan naman nito ang bawa't partido kaya't doon nagsimula sila mag isip kung kelan mag mamanhikan si Doc.

Dumating yung araw ng pamamanhikan mabilis silang nakapag desisyon. At nagkasundo ang dalawang partido na gaganapin ang kasal sa araw ng Hulyo 25,1999. Dumating yung araw ng kanilang kasal masayang nag hahanda ang lahat para dito. Naging maayos ang kanilang naging kasal. Pagkatapos ng kasal tumira muna sila sa tahanan ng pamilya ni Doc.

At habang bagong kasal pa ang dalawa nag trabaho si Doc para sa kanyang magiging pamilya. Nag sumikap ito para magkaroon ng sapat na kinikita. Lumipas ang ilang buwan at nabuntis na si May.

Noong nalaman ni Doc na buntis na ang kanyang asawa na si May mas lalo nitong dinagdagan ang hanap buhay para mas sumapat ang kinikita para sa pangangailangan sa pagbubuntis ni May, panganganak at sa pang araw araw ng mga ito. April 25,2000 pinanganak na ang unang anak na babae ng mga ito at pinangalanan itong Keely. Noong lumbas si Keely giliw na giliw ang lahat dito dahil ito ay matabang babae at napaka iyakin na bata.

Dahil nga lumalaki na si Keely napag desisyonan nang kanyang magulang na magtrabaho muna ang kanyang tatay sa ibang bansa. Para matustusan ang kanilang pang araw araw. Umalis ang tatay ni Keely noong ika apat na gulang nito. Matagal tagal ang pag tra trabaho ng kanyang tatay dito kaya't marami ang nangyari habang wala ito sa kanilang tahanan.

Noong umalis ang ama ni keely nakapag pa tayo narin ito ng simpleng bahay na ku o palang. Kaya napag pasyahan nila na lumipat na dito dahil ito ay gawa na. Ng lumipat ang mag ina sa nakapag patayo ng bahay. May mga bagay na nangyari. Tulad ng ang ina ni Keely ay may kinasama sa bahay habang wala ang kanyang asawa. Pero hindi ito alam ng kanyang tatay na ang ina ay may kinasama sa bahay nila. Nalaman ito ng magulang at mga kapatid ng tatay ni Keely at sila ay sobrang nagalit dahil nalaman din nila na ang kinasama pala ay ang pinsan at kamag anak ng mga ito.

Dahil nga nasa ibang bansa ang kanyang tatay ang ginawa ng pamilya ng tatay ni Keely ay hindi muna sinabi ang nangyayari sa bahay ng mga ito. Ngunit dahil nga galit na galit ang mga kapatid ni Doc na tatay ni Keely hindi napigilan ng kanyang kuya na masabi ito sa kanya. Kaya doon nalaman nalaman na nga nito ang nangyayari sa bahay.sobrang nagalit si Doc sa nalaman nito kaya napag desisyonan nito na umuwi muna para ayusin ang gulo.

Maikling KwentoWhere stories live. Discover now