EDSA Kahabaan

3 0 0
                                    

Sagisag panulat: Kiseki

Isang maulan na hapon na naman, at may bagyong paparating na tatama sa Luzon, gawing Metro Manila. Madilim ang paligid, dulot ng kulilim na hatid ng ulan.

Umulan man o umaraw, hindi na yata talaga mawawala ang traffic sa EDSA, maririnig ang businahan ng mga sasakyan na wala nang ibang hiling kung hindi malagpasan ang kahabaan ng EDSA. Habang naiipit sa kahabaan ng lugar na ito, siya namang maririnig sa radyo ang balitang tungkol sa papasok na bagyo.

"Asahan po natin ang malalakas na ulan dulot ng bagyong Kael na sinamahan pa ng hagupit ng hanging habagat sa rehiyon ng NCR gawing Metro Manila. Lagi po nating ugaliin na magbitbit ng payong kung tayo ay lalabas. Ingat po sa mga may pasok sa eskwelahan at trabaho." ingay mula sa radyo na siyang namutawi sa kinasasakyang van ni Erin at ng kaniyang pamilya.

"Hala, tag-ulan na naman niyan. Katakot pa naman kapag malakas ang ulan ay bumabaha nang bahagya sa harap ng gate namin. Na-trauma ako sa dati naming tinitirhan sa Caloocan, kapag umuulan nangangamba na ako dahil kita mo sa labas ng bahay 'yong rumaragasang baha

dahil na sa likuran lang namin 'yong ilog." Kwento ng ina ni Erin, inaalala ang takot nito sa baha na naranasan nila sa dati nilang tinitirhan sa Caloocan. "Buti na lang talaga nakaahon ahon at nakaalis na kami roon, sa Silang hindi bumabaha, eh." Habol nito.

"Oo, tapos 'yong kidlat naman ang katatakutan mo gawa ng kita mo rin 'yong talim ng kidlat kapag umuulan. Nakakatakot baka mamaya ay pasukin ka sa bahay," ani nito na nakapagpatawa sa lahat ng na sa loob van na sinasakyan nila.

"Kaya ako kapag may kidlat na at kulog pinapatay ko na ang TV at mga gadgets, baka matamaan ng kidlat, eh. Nasaan na pala tayo Vic? Parang hindi na tayo nakausad rito" usisa ng ina ni Erin sa bayaw nito na siyang nagmamaneho ng van.

"EDSA pa rin, 'lam niyo naman dito, kapag usapang EDSA asahan mo aabutin ka nang siyam siyam kapag dito ka dumaan," sagot naman ng Tito ni Erin.

Hindi na nasubaybayan ni Erin ang naging kwentuhan ng kaniyang pamilya sapagkat ikinabit na niya ang kaniyang airpods sa

kaniyang tenga habang siya ay nakadungaw sa bintana ng sasakyan, nakatingin sa bawat pagpatak ng ulan, napadpad ang isip niya sa kung paano sila nakaahon sa hirap, mula pinansiyal hanggang sa pisikat at emosyonal na pang-aabuso sa kanila ng kaniyang biyolohikal na ama.

Bata pa lamang noong si Erin, nakamulatan na niya ang "kawalangyaan" ng kaniyang ama, lalo na sa kaniyang ina.

Isa sa mga pangyayari na hindi niya makakalimutan ay noong anim na taon pa lamang siya, nagkaroon ng malalang pagtatalo ang kaniyang ina at biyolohikal na ama.

Nagmula ang pagtatalo ng mag-asawa dahil ang dapat na magsilbing haligi ng tahanan nila ay umalis ng kanilang bahay, maaga pa lamang at umuwi ito nang wala man lang pasalubong na pagkain para sa kaniyang mag-ina, ni wala man lang itong ibinigay na pera para panggastos sa kanilang bahay, ang malala pa ay may dala itong tatlong bote ng redhorse at balut pampulutan.

Hindi na nakapagtimpi ang ina ni Erin at kinausap ang kaniyang asawa.

"Jusko naman, Allen! Sa bisyo mo mayroon kang panustos, pero sa pangkain man lang ng anak mo wala kang maibigay? Paano na naman kami nito

bukas? Saan na naman ako didiskarte ng pangkain ng anak mo?!" Singhal ng ina, na hindi man lang pinansin ng asawa, sa halip ay tinungga lamang ang kaniyang alak. Ika nga ay "pasok sa kanang tenga, labas sa kaliwa."

Sinipa niya nang bahagya ang kaniyang asawa dahil sa sama ng loob na naramdaman niya rito.

Sa wakas ay sumagot si Allen sa hinaing ng asawa niya, "Eh, sa wala nga anong gagawin ko, Icka?"

Maikling KwentoWhere stories live. Discover now