Katre

2 0 0
                                    

Sagisag panulat: Euria

"Ma' sabi pala ni ate, nakahanap na raw ng uupahang bahay si kuya Miko." Ani ni Dana sa ina niyang si Dulce habang nagtatsaa ito sa kanilang balkonahe.

"At kailan pa 'to?" pagalit na sambit ni Dulce sa kanyang anak. "Hindi ko naman sila pinapaalis dito, bakit kailangan nila mangupahan?" Nagsama ang inis at lungkot sa mukha ni Dulce.

"Ma' 34 years old na ang ate, may dalawa na silang anak ni kuya Miko. Mag wawalong taon na silang kasal. Ano ba namang masama kung magsasarili na po sila ng bahay, hindi ba?" pangangatwiran ni Dana sa kanyang inang hindi parin mapinta ang mukha.

Binaba ni Dulce ang kanyang tasa sa lamesita tsaka ito tumayo. "Ah basta, kakausapin ko iyang ate mo! Nagdedesisyon na naman silang mag asawa ng wala ako!" Pagalit na singhal ni Dulce bago iniwan si Dana papasok ng kanilang bahay.

Kaka – animnaput' lima pa lamang ni Dulce noong nakaraang buwan. Malakas, masigla at sopistikada ito. Madalas siyang maraming

pinagkakaabalahan tulad ng Zumba kasama ang kanyang mga amiga. Mahilig rin itong magbasa dahil dati itong isang guro at naging punong guro bago nagretiro.

Mabait at magaling makisama si Dulce sa kanyang mga nakikilalang tao ngunit sa loob ng kanilang pamamahay ay likas na ang pagiginng mapuna o pakikialam niya sa kanyang mga anak.

"Dely! Ano itong nalalaman kong lilipat na naman raw kayo ng bahay niyang si Miko at ang mga apo ko?"

"Nakahanap na po si Miko ng bahay na mauupahan namin Mama." Sagot ni Dely habang nagtutupi ito ng mga gamit ng kanyang mag anak. "Sa kabilang kalye lang naman ho iyon. Maluwag, presko at may kaonting gamit na rin."

"Malawak ang bahay ko Dely! Makakapaglaro ang mga bata ng maayos, may sarili silang mga kwarto. At magagabayan ko pa sila habang malakas pa ko ngayon. Ano pa ang dahilan bakit kailangan niyong lumipat ng matitirahan?" Labis na pamimilit ni Dulce sa kanyang panganay na anak.

"Ma' nakapagdesisyon na ho kaming mag asawa. Matagal tagal narin kaming naninirahan kasama ninyo. Siguro'y tama narin na bumukod kaming pamilya."

Wala ng nagawa si Dulce kung hindi hayaang ang kanyang panganay na anak na lumipat ng tirahan. Si Dana na lang at ang iilang kasambahay at mga drayber ang kanilang kasama sa bahay.

"Anak, panay ata ang ngiti mo kaharap iyang cellphone mo ha?" Masayang pang bungad ni Dulce sa kanyang balkonahe kasama si Dana na nakapokus sa kanyang cellphone.

Pagkatapos ni Dana makapagtapos sa kolehiyo, ay nakatanggap agad siya ng trabaho sa isang bangko. Nakilala ang katrabahong si John at naging magkasintahan sila kalaunan.

"Dana, ipakilala mo naman ako sa nakakausap mo?" Pangungulit ni Dulce sa kanyang anak.

Tumingin lang si Dana sa kanyang ina at ngumisi.

Makalipas ang mga buwan, maayos ng nanirahan sila Dely at Miko kasama ang mga anak nila sa kanilang bagong inuupahan. Nagpaplano narin sila John at Dana para sa kanilang nalalapit na kasal. At si Dulce naman ay patuloy parin sa kanyang pinagkakaabalahan.

Pumasyal si Dely at ang kanyang mga anak sa kanilang lumang bahay, ang bahay ni Dulce upang tulungan si Dely sa nalalapit nitong kasal.

"Paano na si Mama nito? Parehas na tayong magkakapamilya? Eh diba titira narin kayo ni John sa bago niyong nabiling bahay?" panimulang tanong ni Dely kay Dana.

Nagsalin ng inumin si Dana sa baso ni Dely. "Ate, hindi pa naman kami nakakasal ni John. Pero syempre gusto ko na ring tirahan yung pinagipunan naming noong magkasintahan palang kami." Ani ni Dana.

Maikling KwentoWhere stories live. Discover now