Petsa de peligro

5 0 0
                                    

Sagisag panulat: Preseés de cie

Petsa de peligro na naman nang maalimpungatan si Paula sa kanyang pagkakagising. Habang nasa ilalim ng kanyang karitong pangtinda, halos nakatulala siya at hindi makabalik sa sarili. Hindi na naman kasi niya alam kung saan kukunin ang kanyang pangkain at pambili ng paninda. Si Paula ay isang baklang nagtitinda ng gulay sa palengke. Kilala siya sa kanilang lugar dahil sa kanyang mental illness, hirap sa pagsalita, at hindi pa ganun ka wais sa buhay. Madalas siyang nananakawan o nabubudol ng kanyang mga customer.

"Huy, bakla! Bibili ka kami mamaya, ha! Hahahahahahaha," asar ng mga bata sa kanto nila.

Agad na nilinis ni Paula ang kanyang karitong pangtinda. Ang kanyang benta ngayon ay lumpiang gulay at sariwang gulay. Kakabayad lamang niya ng mga utang kaya wala pa siyang plano kung saan kukunin ang pambili ng kanyang susunod na paninda.

"Hi bhie, ano gulay natin diyan?" asar ng mga construction workers sa kanya.

"Tu-tumigil nga kayo d-diyan ha!" hirap na salita ni Paula ng sawayin ang mga ito.

"Abnoy! Abnoy!" agad na asar ng mga lalaki sa kanya.

"Si Paula, karengkeng na naman. Abnoy naman."

"Grabe din itong baklang ito e, no? At andun naman ang mga magulang na may karinderya din. Hindi na lang sumama doon at dito pa talaga nagtitinda."

"Baka may crush siya dito, hahahaha!"

"Oy Joey, baka ikaw ba ang sinusulyapan nito ni mhiema Paula! yieeeeee" asar ng mga trabahador.

"Hoy, magsitigil na kayo at nagta-trabaho ng marangal yung tao sa kabila ng kanyang kapansanan ha."

"Asus, pinagtanggol mo na naman yan. Porke nilibre ka ng turon nung isang araw, hahahaha!"

"Sa totoo lang, mabait na tao yan si Paula at masipag. Kaya sinuklian niya lang din ang kabaitan ko."

"Oh siya, sige na. Magsibalik na kayo sa mga gawain niyo, mga loko."

"Aling Beth, baka naman hoo, b-baka pwede pag nakabenta na nalang yung bayad sa gulay kasi kailangan ko ng benta ngayon."

"Hay nako, Paula. Hindi mo na naman nahawakan ng ayos yang kita mo. Baka nauto ka na naman ng mga lalaki sa site! Jusko, kahit araw-araw ka magtinda, mag-isip isip ka naman!"

"Oh ayan, limang piling ng saging at iba pang gulay. Kailangan maibalik yan agad sa akin, ha!"

"Opo, maraming salamat po, Aling Beth."

Kinahapunan

"Bile-Bile na po kayo oh" paos na sigaw ni paula dahil wala pa sa kalahati ang kanyang natitindang gulay.' Magkano 3 kilo nito' saad ng isang maginoong lalaki at pawisan ngunit masinop pa rin Ahh Ehh ano..... nauutal na saad ni paula. apatnapu't limang piso per kilo diyan kuya sige bilhin ko na ang Kalhati sa iyong paninda ha! gulat na sabi ni paula Ahh Maraming Salamat Kuya Ano nga pong pangalan nila tila bago ka sa aming Sitio ah.

Ahh oo ako ay nadestino dito dahil sa trabaho* hindi nasabi ng ginoo ang kanyang pangalan.

Ahh kaya po pala hindi kayo pamilyar buong buhay na kona po k kasi a-ako d-dito eh

Maraming Salamat po baka makauwi po ako ng mas maaga at mauubos po itong paninda ko

Sige ingat ka.

Nakaubos si paula ng kanyang mga tinda ng gabing iyon kaya naman agad siyang pumunta sa pinag kautangan nya ata nagka kita pa siya.

Isang linggo tuloy siyang may tinda Isang araw nakita siya ng kanyang Ina at agad siyang hindi maka hinga at nanginginig ang buong katawan..... Inay ano pong ginagawa niyo dito?

Maikling KwentoWhere stories live. Discover now