Salamat at dumating ka

5 0 0
                                    


"Salamat at dumating ka"

Mien's Pov

Exam week. And when I say exam week, it is another hell week na naman! Hay, kailan ba 'to matatapos? Like gusto na magpahinga nang maayos nung tao oh? Heller?? Deserve ko kaya ng pahinga! Kapagod ng life lately. And syempre as a strong independent woman ay talaga naman si ate ko, ganap na ganap kimkimin ang mga hinanakit sa buhay.

Anyways, enough with the drama! Kakatapos lang ng exam naming sa isang subject and now I'm heading back home. Hindi ko na nga rin nahintay yung mga friends ko since iba iba naman kami ng schedule per section.

Dali dali ko kinuha ang aking phone at tsaka nagmessage sa gc naming. "Bye girls nauna na ang maganda n'yong friend, ingat kayo later! Mwa" and sent!

Wala pang ilang minute ng paghihintay ng jeep ay agad naman na may dumating na. Sumakay na rin ako agad at nagbayad. Sinalpak ko ang aking earphones to play my favorite songs para naman kahit papaano e mabawasan ang ka stressan na nararamdaman ko lately dahil sa exams.

I can't help but to think kung sa exam ba talaga ang reason ng stress ko o sadyang na fe-feel ko na ang draining ng life lately? Ewan ko ba. Parang there are days na sobrang productive, sobrang saya ko kapag kasama ko mga mahal ko sa buhay, na motivated ko, and all. Pero kapag ako naman yung mag-isa parang nararamdaman ko na pasan ko ang mundo. Like, ang daming doubts sa sarili. Lalong lalo na sa future.

Hindi naman dahil sa wala akong ginagawa para makamit lahat ng yun. Pero bakit parang may kulang na hindi ko naman malaman na kung ano? Nakukuha ko naman lahat ng kailangan at gusto ko. Buo naman ang pamilya ko. May mga kaibigan naman ako na maasahan ko. And maayos naman ang relasyon ko sa mga nakakasalamuha ko. But I just felt na there still something na need ma fill-in, kaso hindi ko naman alam kung ano.

"Dasma Bayan na po Ms." Halos bumalik ang ulirat ko nung marinig ko si manong driver na nagbaba na ng pasahero. Jusko, nandito na pala ako. Masyado yata napadami ang aking iniisip.

Nagpasalamat muna ako kay manong at tsaka bumaba. Dumaan muna ako ng palengke upang bumili ng mga kinakailangan ko na materyalas para sa aming experiment. Habang namimili ay napansin ko ang isang matandang lalaki na hirap tumayo. Napatingin ako sa mga bitbit nito na puro karton at may iilang supot ng kaniyang gamit. Walang pag-aalinlangan ay agad akong lumapit sa kanya upang bigyan ng tulong.

"Tay, ako na po d'yan" nakangiti kong sambit habang kinukuha ang kaniyang mga gamit na nasa supot.

"Naku, salamat iha. Mahina na kasi ang buto buto ni tatay haha" mahina ngunit sapat na para sa'kin upang marinig ito.

"Saan po pala kayo papunta tay? Tulungan ko na po kayo"

"D'yan lamang neng sa munisipyo at ako ay magpapahinga. Kanina pa kasi ako palakad lakad"

Hindi ko mapigilan ang sarili na hindi maging emosyonal sa sinambit ni tatay. Hindi ko talaga kaya makakita ng mga matatanda na hirap sa buhay. Hindi ko mapigilan isipin kung nasaan na ba ang mga pamilya ni tatay. Kahit na kati kati akong tanungin ay mas pinili ko na lamang manahimik at sinamahan si tatay sa munisipyo. Ramdam ko ang init ng sikat ng araw sa aking balat. Hay, paano kaya kinakaya ito ni tatay?

"Dito na lang ako iha. Maraming salamat ha"

"Wala yun tay" sagot ko habang inaabot ang kaniyang mga gamit

Doon ko lamang napagtanto na ang karton ay ang higaan pala ni tatay. Grabe, ramdam ko na paluha na ako anytime! Asan na ba kasi ang pamilya ni tatay?

"Alam mo, napakabuti mong bata. Yung iba halos pandirian ako haha pero hindi ko naman sila masisisi kasi ang baho ko na rin" sabi ni tatay habang inaayos ang kaniyang karton. "Ikaw lang talaga iha ang kumuha ng gamit ko kahit na napaka rumi na nito"

Maikling KwentoWhere stories live. Discover now