Your Face Seep Through My Mind

4 0 0
                                    


Sagisag Panulat: Nyoki



Ines's Point Of View


"Ang aga aga, nag ka-cutting class na agad kayo sa mismong klase ko pa talaga?!"


Anya ng aking guro pagalit kami sinermonan ng alas sais ng umaga, kasama pa ang dalawang kaibigan ko na tanga nagpahuli. Nakayuko ang aming mga ulo habang tuloy tuloy pa rin ang panenermon samin ng paulit ulit na nangyayari. Isa lang masasabi ko sa bagay na iniiwasan ko....


Ayaw ko talaga mag-aral.


"Ma'am, pasensya na po, hindi na rin mauulit, pwede na po ba namin ibaba ang kamay namin? Nakakangalay rin po kasi"


"Aba?! Ikaw pa talaga may gana magreklamo sa sarili mong kasalanan? Miss Ines, hanggang kelan ka ba magbabago?!" 


Ang malas talaga ng buhay ko. Hanggang kailan pa ba kami maririndi rito sa guro na 'to? Pambihira naman talaga.


"Good morning po ma'am"


Napalingon ako sa mahinhin kung mag salita ang boses at laking gulat makita ang student leader ng aming paaralan at higit sa lahat kaklase ko pa, si Tia. Ang kanyang mukha ay napaka lakas ng appeal sa lahat ng tao, lalo na sa mga guro dito. Hindi siya gaano katangkad at lagi ito maayos sa kaniyang pananamit, syempre role model.


Ang ganda niya rin noh?


"Yes? Ah, andito ka na pala, tamang tama Tia, maaari mo ba kausapin itong mga pasaway na estudyante at bigyan ng letter para ipadala sa mga magulang nila?"


"Masusunod po ma'am, ipagbahala niyo na makikinig na sila sa susunod at papasok"


Ngiti ni Tia sinabi pagkatapos bigyan ng gaan ng loob sa guro. "Salamat, at kayo! Last niyo na 'to gagawin, naiintindihan niyo ba?"


"Yes po ma'am" Sabay namin tatlo sinagot.


Sa wakas, ilang oras rin bago namin binaba ang aming mga kamay dahil sa parusa namin sa pagka-cutting at buntong hininga sa katapusan sermon.


"Ikaw kasi Ines e'! Nadamay pa tuloy kami sa'yo"


"Oo nga, alam mo naman napaka strikto at nakakatakot guro natin sa subject niya, hindi ka pa rin papatalo"


Ang kakapal ng mukha, pare-pareho lang rin namin ginusto 'to at pumayag na tumakas, ang tanga pa.


"Hoy kayo, tatakas na nga lang kasi tayo, papahuli pa kayo last minute tsk!"


"Ehem"


Mag umpisa pa lang kami mag harutan magkakaibigan nang makalimutan namin kasama pa ang student leader nakatayo sa harapan, pero hindi nakakunot ang kanyang nuo, pinagmasdan lang niya kami kasama ang kaniyang kalmado na awra.

Maikling KwentoWhere stories live. Discover now