Ang Permanenteng Temporaryo

3 0 0
                                    

Sagisag panulat: Monumento

Tatlong katok sa pinto ang hudyat na nandiyan na si Emily upang simulan ang araw sa

paglalaba. Nagsisimula pa lamang sumikat ang araw noong umalis ang dalaga sa kanilang

tahanan upang pumunta sa bahay ng kanyang pagsisilbihan.

"Oh, Emily? Ang aga mo ata ngayon,'

37

"Magandang umaga po, Aling Norma! Sinipag lang po talaga ako ngayong umaga dahil marami

pa akong kinakailangang gawin mamaya,"

"O siya.. Kay sipag mo talagang ineng ka,"

Si Aling Norma ang unang taong kumausap kina Emily noong lumipat ang kanilang pamilya sa

pook. Mabait ito at matulungin. Tansya ni Emily ay nasa mga 50s na ang matanda. Biyuda na

ito na may dalawang anak. Ang panganay ay naninirahan na sa Canada kasama ang sarili

nitong pamilya at ang bunsong babae ay nag aaral pa sa unibersidad.

May bagong trabahong papasukan si Emily bago sumapit ang tanghali kung kaya't

kinakailangan niyang maaagang matapos sa labada. Araw ng Huwebes noon at kung normal na

buhay lamang ang meron sila ay dapat ay daan papuntang kolehiyo ang pupuntahan ni Emily at

hindi sa labahan. Lahat ng mga posibleng mapasukang trabaho ay sinusubok niya upang

kumita ng perang sasapat sa kanilang pamilya. Ang mapait lamang na katotohanan ay kahit

anong dobleng kayod niya ay ang kulang ay nagiging sapat sa kanilang pamilya. Labing siyam

na taong gulang na ang dalaga at panganay sa tatlong magkakapatid. Kaya pa ba? Kinakaya

naman yata e. Walang ibang magawa kundi kayanin dahil ito na ang reyalidad ng kanilang

buhay kwento.

"Nag almusal ka na ba, ne? Kumusta na pala ang iyong ina..?"

Kasalukuyang nakaratay ang ina ni Emily na si Elma sa kanilang bahay at hindi pa rin

gumagaling mula sa nararamdamang sakit. Daing ng ina e matagal na niyang iniinda ang sakit

sa loob ng kanyang katawan bandang tiyan at atay. Ngayon na lamang sumakit nang husto ito

kaya't hindi na nito magawang kumilos pa at makapag trabaho. Isang buwan nang si Emily

lamang ang kumikilos upang maghanap buhay para sa kanilang pamilya. Dala ng kahirapan sa

buhay ay hindi nila magawang maipa-check up ang ina sa doktor dahil wala silang labis na pera

para rito. Hindi rin pumapayag ang ina dahil alam nitong malaking pera ang magagastos sa

pagpapagamot na iyon. Sa kabilang banda ay napapa-iyak na ito sa sakit at halos hindi na

makakakain.

Sa bawat kusot ay siya ring pagpatak ng mga luha ni Emily. Hanggang maaari ay iniiwasan

niyang isipin nang malalim ang estado ng kanilang buhay ngunit may pagkakataon talagang

napapagod na siya at nawawalan ng pag-asa.

"Pagod na ako... nagsisimula pa lang ang araw pero pagod na agad ako." bulong ni Emily sa

kanyang sarili.

Pulido si Emily sa ganitong bahay trabaho. Nasanay na siyang makisama sa mga taong

nakakasama niya pag naghahanap ng trabaho. Matapos ang pagsasampay ay inalok ni Aling

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Maikling KwentoWhere stories live. Discover now