Too Good to be True But What if...?

3 0 0
                                    

Sagisag panulat: Nueve

Malawak na komunidad, magagarbong mga bahay, malaya at masasayang mga tao at magagandang tanawin na bihirang makita kahit saan. Kitang kita rin ang malawak na karagatan. Ito ang nasaksihan ko sa pagtanaw ko sa malaking bilog na bintana ng aking silid. Nakakatuwang makita ang gantong senaryo marahil dahil mabuti ang namumuno rito. Inilibot kong muli ang aking mga mata habang nakangiti.

"Sobrang ganda." Ito na lamang ang aking huling nasabi bago ako muling bumalik sa aking kama at marahang ipinikit muli ang aking mga mata.

Tok.. tok... tok.. "Martino, Martino, tinatawag ka na para sa inyong salo-salo."

Nang marinig ko ang mga ito ay agad akong naalimpungatan. Mabilis naman akong bumangon at naghanda na para bumaba. Paniguradong mapapagalitan ako nito. Alam ko namang mapapagalitan ako pero hindi ko alam at tila mas binabagalan ko pa ang aking paglakad. Nang ako ay makarating sa ikatlong hakbang ng hagdan mula sa ibaba ay nararamdaman ko na ang matatalim na tingin na sa akin ay pinupukaw. Mariin akong napapikit at agad na dumiretso sa aking upuan.

"Magandang umaga po sa inyo mahal kong mga magulang," ayan na lamang ang lumabas sa aking bibig.

"At bakit ngayon ka lng nagising?," may inis na sambit ng aking ina.

"Pasensiya na po at nakatulog akong muli matapos kong magising ng mas maaga," sagot ko habang nakayuko ang aking ulo dahil natatakot akong saluhin ang matatalim na tingin ng aking ina.

"Palagi ka na lng ganyan, ayusin mo nga iyang sarili mo Martino," sambit naman ng aking ama. "Paumanhin ama at ina," tugon ko. Matapos nito ay tahimik na kaming kumain sa hapag kainan.

Matapos naming kumain ay umakyat na muli ako sa aking silid. Kailangan ko na maghanda para sa pag eensayo. "Palagi na lng ring ganto, nakakapagod na." Kahit punong puno ako ng sama ng loob ay kumilos na rin ako dahil alam kong mahaba na naman itong araw na ito. Matapos kong maligo ay humarap ako sa salamin.

"Maayos naman ako bilang tao bakit walang gumugusto sakin?," walang buhay kong sambit. Kahit ako ay nagtataka bakit nga ba, siguro may kulang sakin? o baka pakiramdam lng ng iba ay hindi sila sapat para sa akin? Pero maganda naman akong lalaki, medyo may katangkaran, matipuno, magalang, mabait at masunurin. Kaya bakit nga ba wala?

Pagkatapos kong magbihis ay agad na akong nag tungo sa aming hardin. Sumalubong sa akin ang malamig na hangin na nanggagaling sa mga naglalakihang puno. Naglakad ako sa pagitan ng mayayabong na halaman at bulaklak; may mga pula, dilaw, luntian at puting bulaklak ang dito ay nakatanim. Napalilibutan din ito ng mga makukulay na paru-paro at bubuyog na tuwang-tuwa sa yabong ng mga ito. Nakatutuwa itong pagmasdan. Nagtungo na ako sa upuang bato at dito ay naghintay.

"Pasensiya na, Martino," sabi ni Cristo. Tumayo na ako. "Ayos lamang, kararating ko lng din naman. Mag simula na tayo para maaga tayo matapos." Nagtungo na kami sa malawak na damuhan na katabi lamang ng hardin at inihanda ko na ang aking sarili.

"Matagal pa ba yan?," tanong ko sa kanya. Paano ba naman kasi at ang tagal nito kumilos. "Pasensiya na malapit na, hindi ko kasi alam kong paano ito pakakalmahin," tugon nito.

"Aray, ano ba naman ito." "Anong nangyari?." Tinulungan niya ako matapos akong matamaan ng bato na hindi ko mawari kung saan nagmula.

Agad naman siyang bumalik sa kanyang ginagawa at ako ay sumunod. Matapos nito ay nagsimula na kami.

"Ayoko na. Tama na, tama na itigil na natin ito," nagrereklamo kong sambit.

"Kaya mo yan, tibayan mo kasi ang iyong mga mga binti." Sinunod ko ang kanyang payo. "Sandali, bakit ang bilis," pagrereklamo kong muli. Pabilis ng bilis ang kilos nito hanggang sa...

Maikling KwentoWhere stories live. Discover now