chapter 43: Beyond expectations

84 1 2
                                        

"babe, you're back.."

I felt so numb. Ngayon ko lang ulit siya nakita tapos ganito pa yung maaabutan niya. Napabitaw ako sa pagkakakapit ko kay Keith at lumapit sa kanya pero...

"thanks for bringing her home. You can gow now."

Nakita ko ang matalim na tinginan nila sa isa't isa. para bang isang maling kilos lang ng isa sa kanial ay magpapanuntok na sila.

"Keith, salamat sa paghatid. goodnight." ngumiti naman siya sakin at tumalikod na.

Hindi ko hinarap si Xander. para bang nasasabik akong yakapin siya pero nagagalit din ako at the same time. Naramdaman kong nakahawak siya sa balikat ko kaya hinarap ko na siya.

"upo ka muna, magbibihis lang ako." sabi ko sa kanya at ngumiti naman agad siya, isang senyales na okay na ang mood niya. hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin at dapat kong maramdaman.

Pagkapasok ko sa kwarto, umupo muna ako sa kama at nag isip. Bakit nga ba biglaan ang pagdating niya? bakit hindi niya sinabi sa akin na uuwi na siya? ang daming tanong sa isip ko. hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Naisip ko munang maligo. Tagal ko kayang nasa daan. Alam ko namang uuwi din yan mamaya e. Siguro, may pag-uusapan lang kami kaya siya dumaan dito.

"ay kabayo!" nakakagulat naman to! kanina lang ang tahimik sa labas tapos ngayon andito na pala siya sa kwarto. magkaka heart attack ako neto e.

"sorry I barged in. Nakakainip kasi sa labas e. sabi mo kasi magpapalit ka lang kaya akala ko nakatulog ka na, naligo ka pala."

Bakit ganito siya? ang kalmado niya, parang hindi kami matagal na nagkahiwalay ah. Wala sa kanya yung feeling na excited siyang makita ulit ako. Pakiramdam ko tuloy hindi naman siya umalis ng bansa. Para bang binabantayan nya lang din ako dito habang ako emote ng emote sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at bigala naman niya akong niyakap na ikinagulat ko. unti unti kong naramdaman ang mga butil ng luha na tumutulo galing sa mga mata ko.

"How I wish I could tell you everything. Same as I expected. Crybaby ka talaga."

"bakit ganyan ka?! dadating ka dito ng wala man lang pasabe. dadating ka dito na parang walang nangyari tapos akala ko wala na kong halaga sayo kasi hindi ka na nagparamdam sakin tapos ngayon sasabihin mo crybaby ako! napakasama mo!! ang sama sama mo talaga!!!!!"

tuluy tuloy lang ang pagsasalita ko habang pinapat naman niya ang likod ko, trying to calm me down eventhough it's no use. eto na yung confession day. Lahat ng hindi ko nasabi sa kanya noon sasabihin ko ng lahat. Ang sakit sakit. Ang tagal nyang nawala e, wala na akong balita sa kanya bago nag christmas. ngayon, pagkakataon ko na sabihin ang mga nararamdaman ko. wala na akong pakialam sa mga sasabihin niya.

********************

OMG! kinagat ba ng kung ano yung mata ko?? ang sakit naman ng mata ko, wait, baka naman may kuliti ako?? NOOOOO!!!!!! HINDI PWEDE!!!!

teka....

OH EM GEE GEE GEE!!!!!! >/////////<

si... si... si...... SI XANDER DITO NATULOG???!!!!!!

oh my gee naman talaga!!!!

10:00 am na pala. ang tagal ko palang nakatulog. at mukhang hindi pa rin nakakatulog si Xander kaya dahan dahan akong umalis sa kama para makapagluto ng breakfast.

Pagtingin ko sa salamin... AH! kaya pala namamaga. siguro buong gabi ako umiiyak. hindi ko alam kung paano ako nakatulog e. basta ang natatandaan ko lang hinahampas ko siya habang umiiyak ako. nako! baka kung anu-ano na naman ang nasabi ko. nakakahiya. tapos baka sinapak nya ako para makatulog nako, and it worked! ay mga naiisip ko, makapagluto na nga.

Save The Best For LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon