chapter 45: The devil wears Prada

45 1 0
                                        

Author's Note at the last part po. pakibasa na lang. thank you!!  :)

Jc's POV

Nakakatawa si Jen kagabi. Halatang halata na apektado siya sa pagbalik ko. Isn't that wonderful? Alam ko hanggang ngayon,threatened pa din siya sa akin. Sino ba naman ang hindi di ba? Sa ganda kong 'to? At lalo pa nga akong nag-bloom ng pumunta at tumira ako sa Europe. Dito, mas magagawa ko ang mga plano kong wasakin sila. Akin lang sya, AKIN LANG.

                        ******

"Ma'am nag back-out na po yung umorder satin ng cakes,lahat po."

"What? Paano nangyari yon?"

"Hindi ko po alam e. Binuksan ko po lahat ng e-mails kanina."

This is not a good day. Ready to deliver na lahat ng yun. Tapos nag back out pa? Kailangan ko makuha yung pera na yon. Para sa negosyo ko yon e.

Sinubukan ko kausapin lahat ng umorder sakin ng cakes. 15 clients yun lahat lahat. And lahat ng sagot nila sakin ay may bago na daw panlasa ang tastebuds nila. This is so unfair. Mahigit 60,000 ang perang nawala sa akin. Ang laking pera non. Kaunti pa lang ang kinikita ngayong araw na to. Kailangan ko makabawi. Madami pang babayaran.

Lumipas ang mga bwan, at napansin kong wala ng dumadayo dito sa shop ko. Sinisingil na din kami ng bangko para sa pwesto ng shop namin. May gusto na din daw bumili ng pwesto nito. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ako nauwi sa ganito. Pero ganon nga siguro ang negosyo. May na-mamaintain, may nawawalan. Sa bandang huli, napag isip-isip ko na ibenta ang shop. Yung pinaghirapan ko ng maraming taon ay nawala na parang bula. Para na din akong nawalan ng saysay ang buhay. Masyadong mahalaga ang shop na yon para sakin.

Pag uwi ko sa bahay, sinurpresa ako ng taong pinaka iingatan ko ng lubos. Yung tao na halos kumumpleto sa akin. The one whose always making sure I'm okay. Siya na lang ang meron ako.

"Alam ko kasi na ayaw mo na umalis ng bahay eh. Kaya yung dinner date na ang dinala ko sa bahay mo."

"You shouldn't have."

"But I want to. I have to. For your happiness, I will do everything."

"I'm sorry. Hindi ko lang talaga matanggap Xander. All my life iningatan ko ang negosyo na yon. Para sa akin, napaka importanteng bagay non."

"I know. But I guess we just have to move on. Malay mo may bago pang dadating para sa atin, para sayo."

Huminga ako ng malalim bago nagsalita, "Alright. Thank you for everything Xander. I guess ikaw na lang ang meron ako."

"Hindi ako mawawala. I promise you that babe. I love you more than anything else."

"I love you more Xander."

Kumain lang kami at inenjoy ang gabing iyon. Ikinuwento ko din sa kanya ang plano kong pagbabayad sa kapatid nya. Jessica was my bestfriend, and my business partner. Nahihiya akong magpakita sa kanya since nalugi nga ang business namin. Kaya sana maging okay pa din ang samahan namin.

"Ibebenta ko na yung kotse ko." Panimula ko kay Jessica. Nandito kami ngayon sa Starbucks since binenta ko na nga yung cake shop namin.

"What?!! Why??"

"Naisip ko kasi, yung pera sana,ibabalik ko na sayo."

"Bessy, ano ka ba? No. I'm not gonna accept it. Hindi mo naman kailangan ibenta e. Hindi kita sinisingil okay? Relax."

"Pero pinaghirapan mo yun ano ka ba."

"Kahit na. Ah basta. Wag mo ibenta. Pag ginawa mo yon, kakalimutan na kita bilang kaibigan slash bestfriend ko."

"Haay.. Sige na nga. Thanks bessy ha. So, ano ng ginagawa mo ngayon?"

"Well, ayun nag gegetting-to-know pa din kami ng kakambal ko. Tas nag hohome-school sya para makatapos. Ikaw? Ano na bang pinagkakaabalahan mo?"

"Wala pa e. Still trying to cope up with what happened. Nakakahiya sa parents ko,sa parents mo. Hindi ko alam kung papaano ko sila haharapin."

"Okay lang yan. Parte na ng pagkatao natin yan. And about my parents, alam na naman nila and naiintindihan ka naman daw nila. Ganun lang daw talaga ang buhay, we win but sometimes we lose. Cheer up na bessy."

"Mabuti na lang nandyan kayo ni Xander para sa akin, lagi lang nakasuporta. Sobrang thank you talaga ha?"

"Wala yun ano ka ba. That's what bestfriends are for. Ahh, speaking of Xander, alam mo na ba na babalik na siya sa Europe?"

"Talaga? Hindi pa e. Bakit daw?"

"Oops! Lagot na naman ako kay kuya. Ahh, kasi tinawagan ulit siya nung modeling company,binibigyan na siya ng full contract sa modeling career. Do you know what that means?"

"Hindi e. Ano nga ba?"

"Hindi na siya aalis doon. I mean, pag magbabakasyon na lang sya uuwi dito at kapag wala siyang endorsement."

Half of me was saying na it's a good kind of news, but on the other hand, I felt bad. Sad to be exact. Magkakahiwalay na naman kasi kami.

After namin magkita ni Jessica, naisipan ko ng umuwi at papuntahin si Xander sa bahay ko para makapag usap kami. Para kasing wala pa siyang balak na sabihin sa akin ang lahat ng ito. Pero hindi siya sumasagot sa mga tawag ko. Naisipan ko na tanungin ang bestfriend ko kung nasaan talaga siya pero hindi din daw nya alam kung nasaan ang kapatid nya. 12am na nung sumagot si Xander sa text ko.

1 new message:

Babe, I went out with my friends, I just got home. Come over to my house.

Ang weird. Hindi naman nya ko sinabihan na may lakad siya. Hindi na ako nag abalang mag ayos dahil sa kanila lang naman ako pupunta at saka madaling araw na. Hindi lang talaga ako mapakali kaya pinuntahan ko na sya.  Sumakay na ako ng kotse ko at pumunta agad sa kanila.

Nakita kong nasa labas pa ang kotse nya. Hindi kaya lasing sya? Naiwanan din nyang bukas ang pinto ng kotse nya. Pero teka, bakit bukas din ang nasa harap? May kasama sya?

Malapit na ako sa gate nung makita ko sila. . .

Author's Note

Hi guys! sorry kung ngayon lang ako nakapag update. Sobrang tagal ko kaya nawala. at dahil dyan, bibigyan ko kayo ng madaming update. nasa drafts kasi to ng matagal at ngayon ko lang sila mauupload. Sad to say,wala munang pictures/videos kasi sa phone lang po ako mag uupdate so please bear with me. Gusto ko na din talaga matapos to. wag kayo mag alala ginagandahan ko talaga para sa inyo kasi alam ko namiss nyo basahin to. Medyo magiging intense na ang mga susunod na chapters. :)

Sa tingin nyo, may nangyari kaya talaga kay Jc at Xander? O____O

vote,comment,and please don't forget to fan/follow me. thank you! :-*

_NAJ

Save The Best For LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon