nakakaintrigang title of the chapter yan. :D
Pearl Jessie's POV
How will I say my life being a Valdeabella was? happy, boring.. whatever. Since graduated na ako ng Business Administration bago ako naging Valdeabella ay bago pa lang sana ako magkakatrabaho. Kaso, ayaw naman ng tatay ko at ang gusto niya ay sa kumpanya namin ako magtrabaho. Parang ang hirap naman maging mayaman. Sa totoo lang hindi ko na nga kailangan ng trabaho e. Nasa isang kilalang pamilya na ako ngayon. Lahat ng tao gusto mapalapit sa akin dahil sa apelyidong dinadala ko.
Simula ng malagay sa dyaryo ang balitang nakita na ang nawawalang anak ng Valdeabella, marami na ang lumalapit at nakikipag-kaibigan sakin. yung mga dating dinededma lang ako noon sa school ay madalas ng pumunta sa bahay at nagsosorry sa akin, yung iba naman may dalang mga kung anu-ano para lang mapalapit sakin. natutuwa naman ako pero.. parang mali e. kasi kaya lang naman sila nalapit sakin ay dahil sa mayaman na ako at takot sila na baka isumbong ko ang mga ginagawa nila sa akin noon.
Sa kabila ng pansamantalang kasikatan, may isang tao akong gustung gusto kong pumansin sa akin..
gustung gusto kong maging parte ng mundong ginagalawan niya..
Kaso busy siya,
busy iparamdam sa minamahal niya yung pag-ibig..
ang pag-ibig na inaasam kong makuha mula sa kanya..
pero.. paano? hindi ba napaka imposible non?
lalo na kung yung kalaban ko sa pagmamahal at atensyon na yon..
ay ang taong parehong malapit sa amin..
ang kamukha ko....
*********
Keith's POV
"hello? asan ka na?"
"malapit na. sorry traffic e."
"okay. mag-ingat ka sa pagda drive ha?"
"thank you Keith. sige na I'll call you later na lang ha? bye!"
toot..toot..toot..
Nandito ko ngayon sa main entrance ng mall gaya ng napag usapan namin ni Jen kanina kung saan kami magkikita. masasabi ko bang boyfriend na niya ko? How I wish. Pero hindi e. Dahil naunahan na ako ni Xander sa kanya. Akalain mo ba naman na nung araw na balak ko na sanang manligaw sa kanya e araw naman na nakipagkita siya sa akin para sabihin na "sila na". How painful can that be? hindi ko alam kung paano ako nakapagkunwari sa harap nya na okay lang ako. Na wala namang dapat ikalungkot. Pero sa loob ko, halos madurog na ang puso ko. Pero okay lang. She deserves to be happy. I have to accept my defeat. Hindi pa naman katapusan ng mundo hindi ba? I can still have her.
Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya naman tinignan ko kung sino ang tumatawag at sinagot ito.
"Keith! asan ka na? andito nako. Sunduin mo ako dito sa may parking lot."
"akala ko ba dito tayo sa main entrance magkikita?"
"Hey! I'm wearing a dress here. I need some company you know. dali na."
"okay okay. Intayin mo lang ako dyan. wag ka na muna bumaba sa kotse mo."
"okay po boss. bye!"
Girls these days. they always treat us like servants. Kung makapag utos parang palamon nila kami. =____= kung ibang tao siya sakin hindi ko talaga siya susunduin don. kung saan ang napag usapan, dun kami.
From that moment, may bigla akong naalala. kamusta na kaya siya? galit ba siya sakin? bakit hindi na siya nagpakita sakin after that day? nakakamiss naman bigla ang bestfriend ko. ang girl bestfriend ko.
BINABASA MO ANG
Save The Best For Last
Romancemakakaya mo bang mahalin ulit ang isang taong sinaktan ka na nung una pa lang? ang unang rejection mo at unang taong minahal mo. tingin mo ba nagbago na siya after 5 years?
