chapter 10: Homecoming

159 1 0
                                    

dedicated sa aking kapatid na si grisham guzman. :) hihi. kaway kaway kapatid. this chapter is for you. :*  hello din sa mga pretty aliens around the world. hahaha!

"I'll be back. And I will make sure I will get my most deadliest revenge."

Yun ang sabi ko bago ako umalis ng Pilipinas. I promised myself that I will never ever be hurt by that woman again. I don't want to be second. All I want was to be first. To be the girl he would want to marry. But somehow, things have changed. At nagsimula yon sa babaeng kinaiinisan ko ng sobra.

"Can I call you mine?" yun ang sinabi ng taong sobrang mahal na mahal ko. He's been courting me for almost 7months. I was so happy na niligawan nya ko ng ganun katagal. akala ko kasi pinagtitripan nya lang ako e. Biglaan kasi yung pagkakakilala  namin...

 Flashback..

HAHAHAHAHA! ang loser naman nya girls!

oo nga e. soo desperate.

At imagine talagang naglagay pa siya ng ganyan sa damit nya ha? how pathetic.

Puro bulung bulungan lang ang naririnig ko habang naglalakad ako sa hallway. Sanay naman ako na pinag-uusapan ako e. Ganyan sila. mga taong walang magawa kundi ang pagchismisan ka. Ewan ko ba, parang hindi sila napapagod pag-usapan ako. Papunta ako ngayon sa comfort room. Mag-aayos ako ng sarili ko para naman tigilan ako ng mga 'mabubuting' studyante dito. 

"Ah, may I ask you something?" sabi nung isang gwapong lalaki sa harap ko. Actually wala pa ako sa room nung sabihin nya to. Tapos nagulat na lang ako nung maramdaman kong nakaakbay siya sakin. May hawak siyang papel pero di ko alam kung anu yun.

"Bitiwan mo nga ako! sino ka ba? at ang kapal naman ng mukha mo para akbayan ako." pagkatapos kong sabihin yun ay tinanggal ko na yung kamay niya sa balikat ko.

"Xander by the way. Pwede ko na ba itanong yung itatanong ko?"

"Ano ba itatanong mo?"

"Pwede ka ba maging kaibigan?"

"HA?! teka teka. Nabibingi ata ako. pakiulit nga?"

"Sabi ko, can we be friends?"

"Uh. okay lang" 

"Okay. ano nga ba name mo?"

"JC. call me JC."

"okay. ^__^ hello JC!"

We've been friends for almost 3 months. at sa 3 months na yon e natutunan ko siyang kilalanin. Masaya siya kasama, mabait, maalaga at mapagmahal. Never in my whole life did I expect that I will fall in love with him this much. Until one day ay inamin ko na sa kanya ang totoong nararamdaman ko..

sa may open area ng subdivision namin..

"Buti pumunta ka. thanks for coming."

"Jc, ano bang sasabihin mo?" ngumiti ako habang lumulundag na yung puso ko sa kaba. 

"Kasi, may aaminin lang ako sayo."

"A-- ano yun?"

"It may seem so weird but I think.. I-- I like you."

"Really? well would you be happier if I tell you what I feel too?" at the same time kinabahan ako. Paano kung di nya pala ko gusto? paano kung may gusto na pala siyang iba at hindi ako ang gusto niya? ano ba naman to. Pero naglabas siya ng isang maliit na papel at iniabot sa akin. Dahan dahan ko tong binuksan at binasa yung laman ng papel.

"Thank you for being a good friend to me. I will always treasure that first day we met. but.....

I have to stop being you're friend..

simply because....

I want you to be mine.."

That was the one of the most memorable day in my life. Akala ko one sided love lang siya pero hinde. I was so happy. Akala ko ay wala ng magmamahal sakin. Pero he came ang turned my world into something better. kaya after 7months of courting me, I decided to answer his question at naging kami. Hindi ako nagsisisi na sinagot ko siya dahil mahal na mahal ko siya. Hindi ko na yata kakayanin pag nawala pa siya sa akin. Nakilala ako ng parents at kapatid niya at isang babae daw na sobrang importante sa kanya. It was her bestfriend, na bestfriend din daw ng kapatid niya.

"Jc, this is Jen. she's my bestfriend and oh my sister's bestfriend too. ^__^  Jen, siya si sungit, siya yung kinukwento ko sayo dati pa."

"Ah! siya ba yun? hello! ^___^ wag ka masyado maniniwala dito kay Xander ha? malakas ang gapak sa ulo niyan e. hehe."

"hello Jen! masaya ako at nakilala kita. Sana maging magkaibigan din tayo ha?"

"Oo naman! ikaw pa. Ang kaibigan ni Troublemaker e kaibigan ko na rin. Basta mag-iingat ka dyan ha? aray! ano ba! sipain kita e."

"Sira ka talaga. Halika na bee. bye Jen! alis na muna kami."

Akala ko magiging masaya pa lalo ang buhay ko dahil pakiramdam ko parte na talaga ako ng mundo ni Xander. Pero mali, mali pala ako. Dahil ang isang taong akala ko ay kaibigan sakin ang siya palang dahilan para mawala sakin ang kaisa isang tao na pinahahalagahan ko.

Pagkatapos ng halos 3 buwan bilang magkasintahan, nawala siya. Nawala ang taong pinakaiingatan ko ng sobra. Ang taong nagbigay sa akin ng motivation para mabuhay ng masaya, nawala. He broke up with me with just a simple lie from someone he trust. Someone who has been a great friend in my eyes but a big liar when I turned back. Sa hindi inaasahang dahilan ay naghiwalay kami. Hindi na niya ako hinayaang mag explain pa. Basta na lang siya nkipag break sa akin. Ng mga panahong iyon, gusto ko na mamatay. Gusto ko na tapusin ang walang kwenta kong buhay. Lahat ng pwede kong gawin ay ginawa ko na para lang sa kanya. Pero ano? binalewala niya lang ako. Bakit ganon? kung kelan akala mo masaya na ang buhay mo kasama siya, yung akala mo siya na pang habang buhay, e patikim lang pala sa iyo ang lahat? Sana hindi ko na lang siya hinayaang maging sobrang importante sakin. Sana di ko na lang pinansin yung nararamdaman nya para sakin. sana.. sana.. sana..

"Wag mong sayangin ang pagkakataon mo. Kung talagang tama ka at wala kang pagkakamali, ipakita mo sa kanya at patunayan mo. Umalis ka na sa bansang ito. magbagong buhay ka. Dadating ang tamang panahon, kung mahal mo talaga siya makukuha mo ulit siya." 

Salamat sa kanya. Iminulat niya sa akin ang mga bagay na noon pa lang hindi ko na nakita. Siguro dahil na rin kay Xander. Wala na akong ibang nakikita kundi siya. Walang ibang pinakikinggan kundi siya. Sa kanya lang ako naging ganito. Dahil sa kanya ko na lang pinaikot ang mundo ko.

"I miss this place. welcome back to me."

- JC

AUTHOR'S NOTE

hulaan natin kung sino ang babaeng nasa right side. kung ano ang tunay nyang pangalan at ano ang balak niya sa kanyang muling pagbabalik. :D bibigyan ko ng kendi ang makakahula. :)) haha!

pagkagaling na pagkagaling ko sa school ay eto agad ang inatupag ko. mahal na mahal ko lang kasi kayo kaya ayan gumawa agad ako for all of you. :) sorry kung medyo matatagalan nako sa pag uupdate. kasi napasok nako ih. isisingit ko ang update sa aking pag-aaral. pero wag kayo mag-alala, tatapusin ko to para sa inyo. hihi.

how would you define your first day of class: B-O-R-I-N-G . sana pala di na lang muna ako pumasok. pero ang ganda ng bagong room namin. kulang lang sa hangin. walang electric fans! mygas! hahaha.

vote,comment,rate and please don't forget to fan me. :) 

- NAJ

Save The Best For LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon