Pain.
It's what I felt after seeing them with their baby. So every bit of the detail was true. Na may nangyari talaga sa kanila. 'cmon Jen, do you really believe na hindi ka kayang lokohin ni Xander? Wag kang tanga', yan ang sinabi ko sa sarili ko. Matapos ko sila makita ay pormal na lang akong nagpaalam sa kanilang lahat at umuwi na kami nila Daniel. Alam kong hindi ko sila dapat makita dahil sigurado ako sa mararamdaman ko. Na masasaktan ulit ako,pero mapaglaro talaga ang tadhana at nakita ko pa din sila.
Dahil kababalik ko lang dito sa Pilipinas, naisipan ko ng lumipat ng place dahil ayoko na din ng memories. Gusto kong magsimula ulit. Gusto ko ng makalimutan ang sakit.
Next day. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin. I think nabasa ni Jessica ang isip ko dahil bigla syang nagtext sa akin at niyayaya akong mag coffee. Gusto din daw nya ko makausap. Pumayag naman ako at agad na nagpunta sa napag usapang place,nang naka-commute.
"Where's your car? Nag commute ka?"
"Binenta ko na di ba? Wala pa akong nabibiling bago."
"That's odd. O naninibago lang ako kasi dati may car ka."
"Anyway, bakit ka nga pala nakikipagkita sakin? Anung meron?"
"Nothing. I just missed you, like 'a lot' lang naman. I miss us back then."
"I'm sorry Jess. I know what you're feeling right now."
"Jen, you know that i'm always here. Kahit anong mangyare, at kahit na ano ang nangyare. hinding hindi ako magbabago sayo. I'm your bestfriend right? Together forever."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya nilapitan ko sya at niyakap. It's been so hard for me to be pushing her away,nang dahil lang sa tinatakasan ko ang nakaraan. Dati naman kasi hindi ako ang umiwas. Pero iba na talaga yung sitwasyon noon,pati pagkakaibigan namin ni Jessica nalamatan na. Pero I want to make it up to her. Ibabalik namin ang friendship namin.
Napag isipan naming manuod ng gig nila Kian since wala naman kami mapuntahan. Doon kami nag chill kasama ang mga ka-banda ni Kian. Na-miss ko din ang mga mukha nila,pero pag nakikita ko talaga si Harry parang kakaiba. Na para bang may mysteryong bumabalot sa personality nya.
11 na ng gabi at marami na din akong naiinom, pinapauwi na ko ni Jess pero sabi ko ayoko pa. Sumayaw lang ako sa dance floor at may mangilan ngilan din akong nakasayaw na mga lalaki. Hindi naman ako rough sumayaw kaya hindi nila ako mababastos. Uminom pa ulit ako hanggang sa nakaramdam na ko ng pagka hilo at naisipan ko munang lumabas sa club. Marami din kasing nagso-smoke at pakiramdam ko nasa loob ako ng isang malaking chimney. Nakita ko naman na maraming nagme-make out sa labas pero wala akong pakelam sa kanila. Gusto ko lang magpahangin.
"You shouldn't be alone here." tinignan ko kung sino ang nagsalita, si Harry lang pala. Sinusundan ba nya ko?
"Really? Why not?"
"They might think you're one of the prostitutes."
"Hah! Sa ganda kong 'to? Di ako mapagkakamalan no! Saka, disenteng club 'to, walang pokpok dito." tumawa lang sya ng mahina at kumuha ng sigarilyo. Sinindihan ito at hinithit. Inalok nya ko pero hindi ko ito kinuha. Hindi kasi ako naninigarilyo.
"So how's your relationship with your ex?" walang kagatol gatol nyang tanong. Nagtaka naman ako, may alam sya samin ni Xander?
"He's fine. Married I think, tatay na sa anak nya kay Jc. Fvck them both."
"Bitter I see. You still love him right?"
"Of course not! I already want what I want. And that is freedom. Free from all their bullshits. Mga loser."
BINABASA MO ANG
Save The Best For Last
Roman d'amourmakakaya mo bang mahalin ulit ang isang taong sinaktan ka na nung una pa lang? ang unang rejection mo at unang taong minahal mo. tingin mo ba nagbago na siya after 5 years?
