chapter 48: Goodbye Memories

41 0 0
                                    

After 1 week...

"Ma? Opo, papunta na po ako sa airport. Inaayos ko lang yung mga papers ko. Maaga pa naman po ako e, 7pm pa ang flight ko. Yes, Mag iingat po ako. Bye Ma! I love you!"

"Kailangan mo ba talaga umalis? Akala ko ba sa parents mo ka titira? Bakit ka pupunta sa Korea?" pang iintriga sakin ni Keith.

"It has always been my dream Keith. Gusto ko lang naman tuparin yung pangarap ko. At saka,malapit na yung concert nyo di ba? Magkikita din tayo soon."

"Tara na nga. Baka hindi ka pa lalo makaalis."

Naisip kong magpahatid kay Keith dahil sa totoo lang, sya ata ang huling tao na gusto ko makita bago manlang ako umalis. First time ko mamumuhay ng mag-isa. Pero may bahay naman kami dun dahil bumili sila Mama ng lupa don para may bakasyunan kami sa Korea. Kailangan ko to. I need to re-build myself again. Para na din sa ikapapayapa ng buhay ko.

Pagdating ko sa airport, nakita ko si ate Macy kasama ang fiance nya. At syempre, nandon na din si Jessica. Wala namang nakakaalam na aalis ako e. Hindi na ako nag-abala pang i-broadcast ang pag-alis ko.

"Bessy! Wag mo ko kakalimutan ha? Tatawagan mo pa din ako saka magskype pa din tayo ha? Susundan kita don pag may ipon na ko."

"Ano ka ba, hindi na kailangan. Basta mag ingat ka na lang dito okay? Mamimiss kita." pagpapaalam ko kay Jessica. Masakit. Dahil ngayon ko lang iiwanan ang bestfriend ko.

"Jen, ingat ka don ha? Paano na yung wedding ko? Ikaw pa naman ang bridesmaid ko. T____T"

"Don't worry ate Macy, ako pa din naman ang magiging bridesmaid mo. Uuwi ako para sayo." Niyakap ko siya pagkasabi ko non.

Pumasok na ako para makapag check in at para makaalis na din sa lugar na ito. Goodbye Philippines, and goodbye memories as well.

                             *******

Nandito ako sa bar at nagpapakalasing. Umalis na siya. Mabuti na nga din siguro to. Napakagago ko. Napakasama ko sa kanya. Wala na ata akong ginawang tama sa kanya. No, minahal ko sya ng buong puso. Hindi totoo ang mga sinabi nya tungkol sa akin, na niloko ko sya. Na ginawa ko syang panakip butas. Na naglokohan lang kami sa buong relasyon namin. Hindi totoo lahat yun. Dahil sa lahat ng mali dito sa mundo namin ay isa lang ang tama na alam ko. Mahal ko sya. At hindi na magbabago yun.

Pagkauwi ko sa bahay ay nag abot kami ng kapatid ko, masama na naman ang tingin nya sa akin, hindi na din nya ko pinapansin pagkatapos ng ginawa ko sa best friend nya. Hindi ko alam kung magkakabati pa kami. Sa kanilang dalawa ni Pearl,sya ang nakasama ko ng mas matagal,at sa kanya ako pinaka naging close.

"Kamusta na sya?" I asked her, hoping that she will answer back.

"Fine. Mas magiging madali para sa kanya ang mag move on kung malayo sya sa memories." pagsasalita nya without even looking at me.

"Jess, I'm sorry. I know it's not gonna be that easy but I'm still hoping that there's still a place for forgiveness. You're my baby sister, ayoko ng ganito tayo." Pero hindi nya pa din ako nilingon at tinanong lang kung tapos na ako magsalita. Pagkatapos non ay umakyat na sya at pumasok na sa kwarto nya. Nakita ko naman si Pearl sa may hagdan, binaba nya ako at niyakap. Ilang araw ko din kinailangan yon, sa kanya ko lang pala mararamdaman.

"Wag ka na malungkot kuya. Eventually, everything will be okay. Time heals almost everything. Siguro nga, kailangan mo na din mag move on at kalimutan lahat. Para na din sa peace of mind."

Siguro nga tama si Pearl. Panagutan ko na lang siguro lahat ng katangahan ko sa mundo. And all the beautiful things that happened will just remain as a memory.

                             ******

"Ma'am, nandito po ako sa airport, confirmed. Nakaalis na po yung eroplano papuntang Korea."

"Good then. Umalis ka na jan. Tapos na ang trabaho mo. Makukuha mo na ang bayad mo mamaya." binaba ko na ang phone ko. Everything is falling into place. Unti unti ko na natutupad ang mga plano ko. Kailangan ko na gawin ang plan B ko. Hindi ako pwede pumalpak dito. Kailangan ko ayusin to.

Pinuntahan ko sya sa bahay nya at pinag usapan ang business namin. Pumayag naman agad sya, alam ko naman na hindi nya ako matatanggihan e. Ganon ako kalakas sa kanya. At ganon naman sya katanga. How pathetic of him. Konting tiis na lang Jc, magiging sayo din si Xander. Malapit na malapit na.

Author's note

I smell something fishy. Who could it be? Haha! Let us keep on reading guyth. :-D di masyadong mahaba tong chapter na to so pasensya na po kung medyo bitin. :)

Malapit ko na po tapusin tong Save The Best For Last. Pero hindi ko alam kung ilang chapters na lang. Medyo magfafast forward na po ako since masyado na sya mahaba. Pero yung happenings, i'll take it easy. Para worth it yung pagtyatyaga nyo sa pagbabasa. I love you readers! <3

Vote,comment and don't forget to fan/follow me. Thank you! :-*

_NAJ

Save The Best For LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon