chapter 55: Truth be told

29 1 0
                                        

JC's POV

Nandito ako ngayon sa bahay namin ni Xander kasama ang anak namin. This is really a dream come true for me. Having him as my husband is such a great blessing. Kahit na hindi pa kami kasal, sa mata naman ng maraming tao e kami ang para sa isa't isa. At dahil workaholic yung asawa ko, nandito lang ako sa bahay para alagaan si Emerald.

Maya maya lang, may biglang nag door bell at nang buksan ko yung pinto, parang gusto ko na ulit isara.

"What are you doing here?!"

"Baka naman pwedeng papasukin mo muna ako? gusto ko lang naman makita si Emerald e."

"She's fine and she's doing well with US. Kaya pwede ba tigilan mo na ko? tigilan mo na kami."

"Relax honey, napaka rude mo naman sakin. Nakalimutan mo na ata yung utang na loob mo sakin ah."

"Subukan mo lang. Hindi mo lalo makikita si Emerald. Lalo ka lang mawawalan ng pag-asa na makita siya."

"Hindi mo naman magagamit sa akin yang mga pang blackmail mo e. Hindi mo gugustuhin na magalit ako Jc."

"What do you want?! I've had enough of this foolish games!"

"Hey hey.. You don't want to make a scene in your 'own' house right? Gusto ko lang naman makita si Emerald e. Magpa-practice lang ako magpaka-tatay. Parang gusto ko na kasi mag-asawa e."

"Yeah right. Hindi ko pababayaan si Emerald John, lalo na ngayon na malapit na kami ikasal ni Xander."

"That won't happen. Kasi hindi naman ikaw ang mahal nya di ba?"

"SHUT UP! Nasa pamamahay kita John. Stop saying stupid things here. At sino ka para pangunahan si Xander sa nararamdaman niya? You don't know anything!"

"Okay fine. Pero maniniwala ka din sa mga sinasabi ko in the near future."

"You know what? get out! wala ka namang kailangan dito e. umalis ka na lang please? Wag ka ng gumawa ng kung anu-anong kwento."

"Bye honey. I'll see you really soon. Can I have a goodbye kiss?"

"GET OUT!!!"

'YAYA! PAKI LOCK LAHAT NG PINTO PLEASE!!!' kung akala nya maiisahan nya ko.. nagkakamali siya. Hindi niya pwede sirain ang lahat ng pinaghirapan ko. Wala siyang karapatan!!!

                                 ********************

"Jc, nasa trabaho ako. Why are you calling?"

"Baby, I want to move to another house!! ayoko na dito!"

"What? ano ba yang pinag sasasabi mo?"

"Well.. kasi.. muntik na tayo manakawan kanina! Its not safe here anymore! ayoko kasi na malagay sa panganib si Emerald!"

"WHAT?!... teka. uuwi na ko. Just stay there!"

Nang malapit na ko sa parking area, may lalaking nakatayo malapit sa kotse ko. Ang unang pumasok sa isip ko, 'ano ang kailangan niya sakin'?

"What are you doing here Harry?"

"Well.. I just want to give you an advice."

"I don't know what you're talking about."

"Your future wife is magical. Hindi ko alam na ganon na lang pala yung obsession niya sayo. "

"I have to go. I don't have time for this."

"Fine, fine. I just want to say na hindi ka naman pala talaga natalo. May pag-asa ka pa kay Jen. You just have to open your eyes and look around. Baka maunahan ka na ng iba dyan."

Pagdating talaga sa kanya, wala akong magawa. I'm really trying to forget about her pero bakit ganon? talaga atang pinagtatagpo kami ng tadhana. I'm a father now, at kahit ayoko.. alam ko na hindi na talaga kami pwedeng magkatuluyan ni Jen. Kaya bakit naman magsasalita si Harry ng ganon? Never mind that man. Kailangan ko na makauwi sa bahay.

                                 *********************

"Jc! nandito nako. Si Emerald nasan?! Is she okay?"

"Oo, okay naman siya. Natawagan ko na si daddy, may bahay na daw siyang nakuha for us. Ipapasunod ko na lang yung mga gamit natin by tomorrow. Okay na lahat honey."

"Okay na pala lahat e. Bakit tinawagan mo pa ko?"

"Of course! Gusto ko kasama ka namin pag lilipat na tayo. Ganon dapat di ba?"

"Fine. Tara na, sumakay na kayo sa kotse. Ah, oo nga pala. Dumaan ba si Harry dito?"

"Hindi naman, bakit?"

"Ahh.. wala.. Never mind." and with that umalis na kami.

                                   **************

(Flashback sa pag-uusap ni Jen at Daniel sa chapter 54)

Nasa dining table pa din kami ni Daniel. Wala na din si Mina sa mesa dahil naglalaro na sya sa kwarto.

"So.. ano na yung sasabihin mo sakin?" Pag-uumpisa ko. Para kasing wala siyang balak umimk e.

"Iniiwasan mo ba ko Jen?"

"No.. Of course not. Bakit naman?"

"Simula kasi nung nangyare.. parang.. hindi ka na masyado namamansin."

"Ikaw talaga. Masyado kang mapag isip no? Wala lang talaga yon. Matulog ka na kaya?"

"Jen.. kasi.. parang nagkakagusto na ko sayo." wait.. WHAT??!!! water please!! nababaliw na ba siya?

"Daniel.."

"I know na hindi naman dapat and I know na napag usapan naman natin na walang dapat mamagitan pero.. Can we atleast give ourselves a chance?"

"Daniel.. Hindi naman kasi ganon kadali yun e. Alam mo kung anong ibig kong sabihin."

"Alam ko... na mahal mo pa din siya.. na kahit naman itago mo sa akin lumalabas pa din yung tunay mong nararamdaman.. Pero.. nandito ako.. bakit hindi natin subukan. Use me Jen. malay mo sa paggamit mo sakin matutunan mo din akong mahalin.. at matutunan mo na siyang kalimutan."

"No.. this is not right. I don't want to use you Daniel. You're a great man, nakikita ko yun pero.. mali naman na gamitin kita.. hindi ako ganon.. hindi ko gagawin yun."

"I want to court you. Would you give me that chance? Hindi ako mag eexpect pero gagawin ko lahat para makalimutan mo sya. "

LORD ANO BA NAMAN TO! Hindi ko naman to hiningi sa inyo pero bakit naman ganto! dapat ko ba siya bigyan ng chance? I mean.. hello?? gwapo siya, mabait, father-figure.. Napaka imposible naman talaga na walang magkagusto sa kanya di ba? Masasabi ko ba na swerte ako sa kanya?

"Okay okay. Pumapayag na ko."

AUTHOR'S NOTE

2ND UPDATE FOR TONIGHT. sorry ha? ayan lang talaga nakayanan ng utak ko. T_____T sana magustuhan nyo pa din. hindi ko alam kung mahabang update siya.

vote,comment and don't forget to fan me.. yun ay kung gusto nyo lang naman, :) kamsamnida!

_NAJ

Save The Best For LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon