keep on reading everyone! :))
Jessie's POV
manonood o hinde?
pupunta o hinde?
magpapakita o hinde?
Halos isang oras ko na din hawak hawak yung ticket na nasa kamay ko. Di ko alam kung anong magiging final decision ko e. Para kasing gusto ko naman pumunta. Kaso parang ayoko din. E ano naman masama kung pumunta at manood ako di ba? Kaibigan ko naman siya, close kami. hay ewan. Ba't ba parang may pumipigil sakin? tch.
"Kaye, tingin mo? dapat ba ko pumunta sa concert mamaya? sabihin mo nga sakin. Dapat ba? kaso parang sasagot ka naman. haay." Binitawan ko na si Kaye at umupo na lang sa gilid ng bintana sa kwarto ko. Ah, oo nga pala, c Kaye yung stuffed toy na binigay sakin ni Kian. yung kinilig ako ng sobra kasi may binigay siya sa aking ganon. Tapos yung gustung gusto ko pa na laruan. Hindi naman masama magka stuffed toy di ba? di pa naman ako sobrang tanda e.
Kagabi kasi, binigyan ako ni Kian ng ticket para sa concert nila. Napaka sama nga lang niya.
***flashback***
Nagpunta kami sa mall kasi may sasabihin daw siya sakin. Ewan ko dito, bigla na lang ako tinext at pumunta agad sa bahay namin. Nakakahiya dahil andun din si kuya sa bahay. Wala naman akong masabi kung ano ko siya kaya siya na yung sumagot. Sabi pa nga ni kuya e para daw kilala niya si Kian. Pero hindi niya maalala kung san sila huling nagkita.
Nanuod kami ng sine kasi sabi niya boring naman daw kung mamamasyal lang kami. Nung matapos naman yung sine, kumain kami sa resto pero hindi dito sa loob ng mall. At pagkatapos naman kumain e inuwi na niya ko.
"Sige, salamat nga pala for this day. pasok na ko sa loob ha?"
"Ah, Jess, sandali lang."
"Oh ano yon? may nakalimutan ka ba?"
"Wala naman. gusto ko lang sana ibigay sayo to."
"Ano to?"
"Buksan mo."
Binuksan ko naman at nakita ko na isa 'tong concert ticket. "uy ticket! kaninong concert ba to?saka bakit iisa lang? di ka manunuod?"
"Actually, concert ticket namin yan. at bukas na yan kaya sana makapunta ka. By the way, kaya iisa yan kasi gusto ko ikaw lang ang pupunta at hindi mo isasama ang bestfriend mo. Para naman masolo kita."
"H--ha?"
"Wala. Sige na pumpkin pasok ka na sa loob. goodnight!"
***end of flashback***
Sayang naman kasi kung di ko gagamitin di ba? e kung ibenta ko kaya? I'm sure may bibili agad sakin neto. Kaso sabi nga niya pumunta ko. Maganda pa naman yung lugar nung seat pag pumunta ko. Haay, sige na nga. Pupunta na ko, final decision.
Nung nasa labas na ko ng concert hall e saktong nagtext sakin si Kian.
From: Kian
punta ka ha? I'll be more than happy pg nakita kita. kahit na madaming manonood, alam ko makikita kita. :)
Aww, napangiti naman ako. Medyo maaga pa naman kaya hindi na muna ko pumasok. 8pm pa kasi yung start nung concert e. Kumain muna ako sa pinakamalapit na restaurant dahil alam ko magugutom ako. Pagkatapos kong kumain e pumasok nako sa loob.
Grabe, ang daming tao. Lahat sila may mga kasama. Ako lang yung loner dito e. huhu. Kainis naman kasi si Kian. Di pa dinalwa yung ticket para kasama si sissy. Kamusta na kaya yung babaeng yun? di manlang ako tinetext. busy masyado kay kuya. T^T
BINABASA MO ANG
Save The Best For Last
Romancemakakaya mo bang mahalin ulit ang isang taong sinaktan ka na nung una pa lang? ang unang rejection mo at unang taong minahal mo. tingin mo ba nagbago na siya after 5 years?