chapter 32: Before the big 'YES'

124 3 2
                                    

"Xander halika na! bilisan mo naman."

"oo andyan na nga teka lang. kung tinutulungan mo na kasi ako sa dala ko di ba?"

"bahala ka dyan, sasakay nako ha?"

natapos na din ang 1 week vacation namin dito sa Zambales. nag-enjoy naman kaming dalwa sa vacation namin dito. para kaming bumalik sa pagiging mag bestfriend namin noong teenagers pa kami. at ngayon ay pasakay nako sa kotse niya nang may makita akong isang pamilyar na mukha na nakatigil malapit lang sa kotse ni Xander.

"Jc??." hindi ako pwedeng magkamali. siya yun. kahit na nakashades siya, alam ko ang kilabot na nararamdaman ko ngayon. kahit na matagal na kaming hindi nagkikita, alam na alam ko pa rin ang matatalim niyang tingin sakin.

sinundan ko ng tingin ang kotse. nung makita ako ng nakasakay sa loob, inutusan na niya ang driver na umalis na. balak ko pa naman lapitan yung kotse pero umalis na agad ito.

"sino yun? sundo mo?"

"ha??"

"babe, okay ka lang ba? namumutla ka."

"h--ha? ah.. ano.. ah.. oo, okay lang naman ako, bakit?"

"sigurado ka? baka nagugutom ka? tara na nga baka gabihin pa tayo."

Ilang oras din akong natahimik. hindi ko alam kung bakit. pilit kong ina-absorb ang mga nakita ko kanina. kung siya ba talaga ang nakita ko. hindi ko na maintindihan ang sarili ko. hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman ngayon. bakit ba ako nagkakaganito?

"Jen.."

"yes?"

"bakit ka ba ganyan? nag-aalala na ako. please tell me."

"tell you what? ang seryoso mo naman e. okay lang ako Xander." hinawakan ko ang right hand niya na nakakapit sa manibela. "okay lang ako, wag ka ng mag-alala okay? sorry."

"wag ka magsorry. It's okay. sige, hindi nako mag-aalala. ^_______^

"magsoundtrip na nga lang tayo para naman hindi boring!"

"sige. mabuti pa nga. kanta ka ulit babe. ^___^"

"sige call ako dyan! ^___________^"

ganon na nga ang ginawa ko. pinilit ko siyang libangin para naman makalimutan niya yung pag-aalala niya sakin. pilit kong iniba ang atmosphere habang pauwi na kami. ang mga nakita ko kanina,imahinasyon ko lang ba ang mga yon o talagang si Jc ang nakita ko? kung siya man yun, may balak pa ba siyang bumalik kay Xander? o may balak pa siyang guluhin pa kami?

*******

"sissy naman kasi! magkwento ka na! 2 linggo na kitang kinukulit oh. ayaw mo talaga?"

"eh bakit ba kasi gusto mo malaman?"

"wala lang. saka bestfriend mo naman ako di ba?"

"oo nga pero.."

"pero ano??"

"kailangan mo ba talaga malaman lahat?"

"hmp! o sige na nga wag na. ayaw mo yata talaga e."

"pero.."

"ANO??!!'

"kasi.. parang may nakita ako habang andun kami."

"talaga? multo? nakaramdam ka?"

"hindi! hindi yun. may nakita akong tao."

"e di ba ikaw tao ka din naman? saka baka naman nakatira lang din dun?"

"hindi e. nakasakay siya sa kotse."

"ooh. mayaman pala. e sino nga siya?"

"hindi ako sigurado. pero.. tingin ko si...."

Save The Best For LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon