chapter 42: Welcome back, Xander

90 3 2
                                        

NOTE: please read my author's note at the last part of the story. salamat. :)

Keith's POV

pagkatapos ng christmas ay palagi ko ng nakikitang masaya si Jen. Same as the usual, palagi pa din niya ako niyayaya kung saan. Hindi ko na alam kung paano pa ako iiwas sa kanya. nakokonsensiya na kasi ako e. Alam ko namang bawal e, na magkagusto at mahalin ko pa siya. Pero sa tuwing nakikita ko siyang masaya, nakakalimutan ko ang deal na ginawa ko sa tao na yon.

flashback..

"madali lang ang gagawin mo Keith! just grab the opportunity at ayon na."

"what are you thinking? bakit mo ba ginagawa to?"

"Simple. I want HIM back. he was mine before. I just want to take what was mine."

"pero hindi ka na niya mahal! may mahal na siyang iba! at masaya na sila."

"SHUT UP! I don't believe you. di ba matagal mo na din naman gusto yon? ang makuha siya? para naman maging masaya ka na. bakit ngayon ayaw mo pa pumayag!!"

"oo alam ko yon. pero hindi sa ganitong paraan ko yun gusto makuha. hindi ako maninira ng relasyon!"

"okay fine. kung ayaw mo. ako na ang gagawa. pahihirapan ko siya hangga't kaya ko. gusto mo ba yon?"

"NO!! DON'T YOU DARE TOUCH HER OR ELSE!!"

"then.. just do what I said! we will both benefit from here. my oh so partner in crime. hahahaha! ^___^"

"okay. gagawin ko na. just.. don't hurt her."

"oh I won't. basta ba susunod ka sakin e. wala na tayong magiging problema."

end of flashback.

It left me no choice. hindi alam ng kapatid ko ang tungkol dito dahil panigurado mapapatay niya ako. ang alam nya talagang nakadiskarte na ako kay Jen. pero ang totoo nasa palano ang lahat. Sana nga huwag na lang bumalik si Xander. Para naman mas maging masaya kami ni Jen. Susubukan ko na lang burahin sa alaala ko yung deal at gawing mas makatotohanan ang lahat.

**************************

"saan mo gusto pumunta?"

"gusto ko na umuwi. pagod na ako."

"okay."

Papunta na kami ni Keith ngayon sa condo ko. grabe, kapag naaalala ko yung mga sinabi niya nanginginig pa rin ako sa galit. at sa lungkot.

Flashback..

Jen's POV

kanina pa ako nakatitig sa laptop at cellphone ko. no text, no email, not any. bakit ganon? I feel so empty. matagal ng patay nag relasyon namin ni Xander. hindi ko alam kung dapat pa bang maging kami, or kung may matatawag pa bang "kami". nakakabagot maghintay kaya tinext ko na lang si Keith at sinabi kong pumunta kami sa mall. nagreply naman agad siya kaya agad din akong nag ayos at sinabing magkita na lang kami sa main entrance ng mall.

Pagkadating namin doon, kumain kami at saka naglibot. nakita ko naman ang mga nakain na panay ang tingin sa amin. siguro ay dahil sa kilalang tao si Keith. Isan na siya sa pinakamayaman at popular na businessman dito sa Pilipinas. halos hindi na nga ata siya natutulog e. pero nakakapagtaka naman na napakalaki ng nilalaan niyang oras para sa akin. siguro dahil naiintindihan niya na kailangan ko lang ng makakausap at makakasama.

pagkatapos namin kumain ay nagshopping ako ng kaunti at naglaro kami sa timezone. tama, ganito na lang ang gawin ko. para naman makalimot sa mga gumugulo sa isipan ko. Ewan ko ba pero kapag siya ang kasama ko, masaya ako. Palagi siyang nandyan para sa akin. Siguro kung hindi ko boyfriend si Xander, baka kami na ni Keith. At dahil nakaramdam na naman ako ng kirot dito sa puso ko, naisip ko munang lumabas sa timezone.

Save The Best For LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon