hello francel! o ayan para sayo ang chapter 3 ko. grabe hindi ako makapagconcentrate sa pag uupdate kasi may iba din akong ginagawa. pero susubukan kong ayusin ang pag uupdate ko ha? :))
Jen's POV:
Its been 2 weeks. 2 weeks simula nung bumalik dito sa Xander. At ngayon na din yung debut ni Tammy. Waa! aasikasuhin ko pa sarili ko kasi invited ako sa party. Alam ko, fashionista ako. I have dozens of clothes. Pero dahil nga busy ako sa work, di ko na nacheck kung may perfect attire ako para dun sa party. haayy. Uuwi na lang nga ako ng maaga para macheck ko na din.
"Sis, I'll go home early ha? kelangan ko pa kasi asikasuhin yung isusuot ko mamaya. Ikaw din umuwi ng maaga ha? si Carol na bahala dito. Iwan ko na lang yung susi sa kanya". sabi ko kay Jessie. Parehas kaming aatend ng party at inaayos na nya yung cake para pagkuha nila Mr. Ramirez mamaya ay okay na ang lahat. Di ko na sila mahaharap. busy bisihan din kasi ako e. haha!
"Okay sis, by the way gusto mo ba magpasundo? o ikaw na lang ang pupunta don?"
"Ako na lang, I'll just bring my car. Kaya ko na yun. Sige aalis nako ha?"
"Okay sis, ingat ka. See you at the party". Tapos ngumiti siya na parang may pinahihiwatig siya sakin. I have this feeling na parang may binabalak siya. nako, wag naman sana. Ayokong masira ang gabing ito. Minsan lang ako umatend ng mga party.
Pagdating ko sa condo ko, pumunta agad ako sa closet para tignan kung may susuotin nako. Hindi ako pedeng magkamali, eto na nga ang susuotin ko. perfect for the party. I'm sure di naman ako pangit dito sa gown nato. sinukat ko to at pumunta sa harap ng salamin. Kahit walang make- up ang pretty ko pa din. ^^, naligo nako at nagsimula ng mag- ayos.
Malapit na mag 7pm. tinext ko na si Jessie at agad namang nagreply siya. Okay na daw ang lahat at ako na lang ang iniintay nya don. Di naman namin kelangan ng kadate e. Debut to, saka lakas naman ng loob ko para maghanap ng kadate. E napasali nga lang ako sa invitation gawa ng kami yung gumawa nung cake. Di ko na nga binuksan yung invi e. Basta alam ko iniinvite lang kami. haha!
Nakarating nako sa Ramirez's Residence. grabe, ang ganda pala ng bahay nila. Define palace? Wow ha, naimpress ako. May mga valets din don na nagpapark ng kotse. Pwede na ngang paupahan tong bahay nila e para pagdausan ng mga events. Ang ganda kasi talaga. Pagpasok ko, binigay ko na muna kay Tammy yung gift ko. Syempre, umakyat na lang ako sa room nya. Di pa kasi siya nagpapakita sa guests e. Tapos nakipagkamustahan na muna ko sa parents nya. Grabe, ang daming tao ha. Karamihan mga classmates ni Tammy. Parang buong section e invited dito e. Nakita ko na din si Jessie. Grabe! ang ganda din nya, parang ako lang. hihi. V- shaped yung long purple gown siya. Tapos parang layer layer yung style nya. Yung sakin naman, pa- halter na V-shape tapos parang may belt yung middle part na maraming stones. Nung nagkita kami sa gitna parang biglang nahawi yung daan tapos nakatingin yung mga guests samin. Natawa naman ako dun kaya lumipat kami sa side para di masyadong agaw attention. After 5 minutes, nagstart na yung program at nagkainan na din kami.
"Ladies and Gentlemen, let's give the debutant a round of applause as she enter the dance floor for her 18 roses"
At nagsimula ng sumayaw si Tammy. Ang ganda nya, dalagang dalaga na nga siya. Sinayaw na siya ng mga lalaki na kasali sa 18 roses.
next we have Mr. Xander Valdeabella...
WHAT???!!!!!
BAKIT NAMAN SIYA ANDITO??!! AT KASAMA PA SA 18 ROSES?? WOAH!! AM I MISSING SOMETHING??
Nakita ko na siyang sinasayaw si Tammy. Pero nakita nya ako na nakatingin sa kanya kaya naman medyo parang nahiya siya at nawala sa concentration ng pagsasayaw. Pagkatapos nung dance nila, isinayaw na si Tammy nung dad nya. nagpanic naman ako bigla kasi palapit na si Xander samin.
BINABASA MO ANG
Save The Best For Last
Dragostemakakaya mo bang mahalin ulit ang isang taong sinaktan ka na nung una pa lang? ang unang rejection mo at unang taong minahal mo. tingin mo ba nagbago na siya after 5 years?
