Naisipan kong ipasyal ang mag-ama kong kaibigan dito sa mall since ngayon pa lang sila nakapunta ng pilipinas. It has been a week matapos ang mala fairytale na kasal ni ate Macy. Mukhang malabo na ata talagang magka-ayos kami ni Keith dahil bumalik na sya ng Korea at hindi na nagparamdam sa akin.
Hindi alam ni Jessica na nakabalik na ako dito. Nag deactivate ako ng account at hindi ako nag eemail sa kanya tungkol sa pag uwi ko. Oo, namimiss ko sya pero palagi naman may kakambal ang pagka-miss na yun e: 'Paano kung bigla ko sya makita'?. Kaya habang nandito na ako ay inenjoy ko na lang muna lahat na walang naririnig galing sa kanila.
"Mina,sige na. Makipagplay ka sa mga bata,it's okay." pangungumbinsi ko kay Mina. Ayaw nya kasi makipaglaro sa mga bata dun sa play area.
"You know what, I used to be like you when I was a little kid. But you know what? I always show them how kind and happy I am, para makipaglaro sila sa akin. And don't worry, dito lang kami ng appa mo oh, we'll be watching." mukha namang nakumbinsi ko sya kaya lumapit na sya sa mga bata at nakipaglaro na.
"Yes!" sigaw ko,kaya naman tinapik ako ni Daniel.
"Mukhang ikaw ang kailangan na yatang mag-asawa ah. Magaling ka na sa bata." pagbibiro nya.
"Ano ka ba. Hindi no. Wala pa ngang tatay e, pano magpapamilya?"
"Pwede akong substitute." napapitlag ako sa sinabi nya. Ayan na naman sya sa mga jokes nya.
"Sira! Penge nga nyang burger. Nagutom ako." pag-iiba ko ng usapan.
"Alam mo, never ako nagtanong ng tungkol sayo. Kwentuhan mo naman ako tungkol sa past relationship mo."
"WAG NA. Hindi na dapat pinag uusapan pa ang mga bagay na tapos na."
"Ampalaya. Sige na!"
"Ayoko nga! Kulit." kinagatan ko na yung burger ko para di na sya magtanong. Maya maya lang nakarinig ako ng bulungan mula sa mga dumadaan. Kami ba ang pinag uusapan nila?
'honey tignan mo yun! Ang sweet nila di ba?'
'girls! Ang lucky naman nung girl! Oh my fafa!'
'sayang pre. Taken na.'
'aww,cute couple'
Tinignan ko yung mga nagsasalita at nakatingin pala sila sa amin. Sweet? Nasaan yung sweetness samin? Talk about yuck.
Nang mapagod makipaglaro si Mina ay pumunta kami sa department store. Gusto ko ipamili ng mga damit si Mina. She's soo cute e. Para ko syang walking barbie. Hindi pa makapagdecide ang tatay nya kung dito na ba pag aaralin si Mina o hinde. Madami din kasi silang naiwan na gamit sa Korea. Pati na din ang mga documents nilang mag-ama,undecided pa sila kung magse-stay na sila dito for good.
Nag ikot ikot pa kami para hindi ma-bored. Nakahawak ako sa kamay ni Mina at siya naman kay Daniel. Kung titignan ay para kaming isang pamilya. Parang lately, pinapamukha sa akin ni Lord ang mga ganitong bagay. Bakit kaya?
Napadaan kami sa isang fine dining restaurant at parang may pamilyar na tao akong nakita sa tapat ng pinto.
"Oo mamaya pupunta ako sa club ha? Don mo na lang ako intayin kasi malapit na din naman kami matapos dito. Sige hon, bye. I love you too."
"Ahh excuse me, anong meron?" pag-iiba ko ng boses para hindi nya ako makilala.
"Ahh,may bi-- OH MY GOSH. BESSY??!!"
"Surprise!" walang anu ano'y niyakap agad ako ni Jessica at medyo nag skandalo pa ng kaunti dahil sa pagsigaw nya. Parang hindi na ako makahinga kaya tinap ko na yung likod nya para bitawan nya ko.
"Grabe ka. Why didn't you tell me that you were here already?!"
"Para-- alam mo na, surprise ganon."
"KAYA KA PALA NAG DEACTIVATE NG FACEBOOK MO PARA DI KITA MA-CONTACT KASI ALAM MONG MAPIPILITAN KA TAPOS DI KA PA NAGTETEXT TAPOS DI KA PA NAGSASKYPE TAPOS-- TAPOS--"
"Oh chill. Nandito na ko. Ahh,ano nga palang meron dyan? Sino may birthday?"
Biglang nagbago ang expression ng mukha nya at nahalata ko agad yon sa kanya. She's my bestfriend remember? Alam ko kapag may tinatago sya sa akin.
"Ahh...bessy...ano.. Ah! Office, oo. Office party, dito. Oo."
"Ano? Office party? Teka kelan ka pa---"
"Jess, hinahanap ka na nila mommy sa-- loob."
GARLIC NA MALAGKIT.
SIYA NGA.
"Jen.."
"Sa--Xander."
Hindi ako makapagsalita at hindi rin ako makagalaw. Para kaming naglalaro ng stop dance dahil sa walang gumagalaw samin. Bigla naman lumapit si Mina sa akin at nagpakarga. Nakita ko na din na papalapit si Daniel at nagtataka sa mga nangyayari.
"Anak mo?" pagtatanong ni Xander.
"Mommy, I wanna go home." GRABE. Mommy na nga pala ang tinatawag sa akin ni Mina. Hindi ko alam kung gagamitin ko ba yung bata para magselos or masaktan sya pero hindi na lang ako umimik,or should I say na hindi ako makaimik.
Pero hindi pa pala tapos ang paghaharap harap namin.. Mula sa pinto ng restaurant ay iniluwa non ang babaeng matagal ko na hindi nakikita.
"Bee, umiiyak na si Emerald, bakit ba-- ohh! You're back. Do you wanna join us? Bininyagan kasi Emerald ngayon e."
"You mean.."
"Yes Jen. Anak namin ni Xander. Si Emerald Louise."
Author's note
Okay. Next update will be next week. Sorry po 2 lang yung updates. Ngayon na nagkaharap harap na sila, ano na kaya ang mangyayari sa kapalaran nila?
Vote,comment and please don't forget to fan/follow me. Thankie! :)
_NAJ
BINABASA MO ANG
Save The Best For Last
Romancemakakaya mo bang mahalin ulit ang isang taong sinaktan ka na nung una pa lang? ang unang rejection mo at unang taong minahal mo. tingin mo ba nagbago na siya after 5 years?
